\
embed embed2
  • Mura At Pwedeng Ulit-Ulitin! DIY Christmas Decorations Ng Mga Nanay

    Sinong may sabing kailangang gumastos ng malaki para maging maganda ang holiday decorations?
    by Ana Gonzales .
Mura At Pwedeng Ulit-Ulitin! DIY Christmas Decorations Ng Mga Nanay
PHOTO BY courtesy of Mark Jandog/Joan Encarnacion-Llapitan
  • Pagdating sa mga gamit at pandekorasyon sa bahay, isang tao lang ang tunay na maaasahan para makahanap ng magaganda pero hindi kamahalan—si nanay at tatay. 

    Hanggat maaari kasi, pinipili ng mga magulang kung saan sila makakatipid nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng kanilang binibili. 

    Madalas din ay pinipili nilang mag-DIY na lang. 'Yan ang ginawa nila para sa mga Christmas decorations nila ngayong taon. 

    Hindi pa naman huli para magdagdag ng ilang holiday decorations sa bahay. Kung naghahanap ka pa ng inspirasyon, narito ang mga DIY holiday decoratons ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Una sa listahan ang DIY Fiesta parol ng pamilya ni daddy Mark Jandog. Kwento niya, gawa ito sa mga plastic soda bottles na naipon nila at sa lumang feathers na galing sa costume ng anak niya.

    Dinagdagan niya ito ng Christmas lights para mas maging festive. "This parol remind us to continue life and to have a positive mindset whatever challenges we have," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    PHOTO BY Mark Jandog
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Maniniwala ka bang DIY lang ang mga ito? Napakaganda ng vintage Christmas tags at embellishments nina mommy Jeanie Nieva-de la Rama

     

     

    PHOTO BY courtesy of Jeanie Nieva-de la Rama
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mayroon din silang isa pang version:

     

    PHOTO BY courtesy of Jeanie Nieva-de la Rama
    Abaca sinamay naman ang ginamit na materyales nina mommy Agness Paras-Corder para sa kanilang Christmas tree. "We don’t have much space for a Christmas tree. Plus we have a toddler and a cat. So I decided to make use of the wall," kwento niya. 

    "That abaca sinamay is actually a pasalubong from my mother in law years ago. I kept it for so long because I had no idea what to do with it. So there, with few pines, jute strings and few wooden decors, we managed to have a Christmas tree."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY courtesy of Agnes Paras-Corder
    Sa papel gawa ang marami sa mga nakakabit sa puno nina mommy Thina Dizon-Vergel Estomo. Kwento niya, tinulungan siya ng mga bata para mabuo ang mga ito. 

    Sabi pa ni mommy, dahil limitado rin ang budget nila ngayong taon, pinili na lang nilang mag-DIY. "Nilabhan ko lang mga old Santa hats," sabi ni mommy. "Ginawa kong banderitas ['yung] iba [at] nilagyan ko ng stuffed toys ['yung iba.]" 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    PHOTO BY courtesy of Thina Dizon-Vergel Estomo
    Pinalibutan naman ng hubby ni mommy Joan Encarnacion-Llapitan ang mga figurines nila ng mga retasong mayroon sila sa bahay para mabuo ang kanilang belen. 

     

     

    PHOTO BY courtesy of Joan Encarnacion-Llapitan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    Habang mga laruan naman ng anak ni mommy Sheena Arellano ang ginamit nila para sa belen nila. 

    PHOTO BY courtesy of Sheena Arellano
    Ilan lamang ang mga ito sa mga magagandang DIY Christmas decorations ng mga nanay mula sa Village. Nag DIY din sila ng mga kakaibang Christmas trees na itinampok naman namin sa isa pang Smart Parenting Article. 

    May mga DIY projects ka bang gusto mong i-share? Ipadala mo lang 'yan sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles