-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
Love & Relationships An Engineer And Tricycle Driver Marry Against All Odds: 'Hindi Niya Ako Insurance Plan'
-
Baby NEED! 4 Clever Baby Products That Will Make Mom's Life Easier
-
News Annabelle Rama's Marriage Advice To Sarah Lahbati: Stop Being Jealous
-
Mura At Pwedeng Ulit-Ulitin! DIY Christmas Decorations Ng Mga Nanay
Sinong may sabing kailangang gumastos ng malaki para maging maganda ang holiday decorations?by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Mark Jandog/Joan Encarnacion-Llapitan
Pagdating sa mga gamit at pandekorasyon sa bahay, isang tao lang ang tunay na maaasahan para makahanap ng magaganda pero hindi kamahalan—si nanay at tatay.
Hanggat maaari kasi, pinipili ng mga magulang kung saan sila makakatipid nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng kanilang binibili.
Madalas din ay pinipili nilang mag-DIY na lang. 'Yan ang ginawa nila para sa mga Christmas decorations nila ngayong taon.
Hindi pa naman huli para magdagdag ng ilang holiday decorations sa bahay. Kung naghahanap ka pa ng inspirasyon, narito ang mga DIY holiday decoratons ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Una sa listahan ang DIY Fiesta parol ng pamilya ni daddy Mark Jandog. Kwento niya, gawa ito sa mga plastic soda bottles na naipon nila at sa lumang feathers na galing sa costume ng anak niya.
Dinagdagan niya ito ng Christmas lights para mas maging festive. "This parol remind us to continue life and to have a positive mindset whatever challenges we have," sabi niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY Mark JandogCONTINUE READING BELOWRecommended VideosPHOTO BY courtesy of Jeanie Nieva-de la RamaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Jeanie Nieva-de la Rama"That abaca sinamay is actually a pasalubong from my mother in law years ago. I kept it for so long because I had no idea what to do with it. So there, with few pines, jute strings and few wooden decors, we managed to have a Christmas tree."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Agnes Paras-CorderSabi pa ni mommy, dahil limitado rin ang budget nila ngayong taon, pinili na lang nilang mag-DIY. "Nilabhan ko lang mga old Santa hats," sabi ni mommy. "Ginawa kong banderitas ['yung] iba [at] nilagyan ko ng stuffed toys ['yung iba.]"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY courtesy of Thina Dizon-Vergel EstomoPHOTO BY courtesy of Joan Encarnacion-LlapitanADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHabang mga laruan naman ng anak ni mommy Sheena Arellano ang ginamit nila para sa belen nila.
PHOTO BY courtesy of Sheena ArellanoMay mga DIY projects ka bang gusto mong i-share? Ipadala mo lang 'yan sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Trending in Summit Network