embed embed2
  • Mabisa At Madaling Paraan Para Linisin Ang Washing Machine

    Gaano kadalas nga ba ito kadalas linisin?
    by Ana Gonzales .
Mabisa At Madaling Paraan Para Linisin Ang Washing Machine
PHOTO BY Steve Buissinne from Pixabay
  • Nililinis pala ang washing machine? Oo, mommy! Bagaman mayroong mga washing machine varieties na kayang linisin ang kanilang sarili, ito 'yung mga mas mahal na klase, karamihan ng mga washing machines na matatagpuan sa tahanan ng pamilyang Pinoy ay nangangailangan ng paglilinis.

    Kailangang linisin ang washing machine dahil naiipon ang maruming sabon sa loob nito. Kapag hindi ito natanggal, maaari itong pagmulan ng molds at mildew. Kung napapansin mong hindi nag-aamoy malinis ang damit ninyo, siguradong marumi na ang loob ng washing machine ninyo. 

    What other parents are reading

    Gaano kadalas dapat linisin ang washing machine? 

    Depende ito kung gaano ninyo kadalas gamitin ang washing machine ninyo. Pero in general, nililinis ang mga top load washing machines kada tatlo hanggang anim na buwan. Pero kung napapansin ninyong laging iba ang amoy ng mga damit ninyo, pwede ninyong linisin buwan-buwan ang washing machine ninyo. 

    Buwan-buwan din ang paglilinis sa mga front-loader washing machines. Mabilis kasing maipon ang dumi at sabon sa rubber sa paligid nito. Kailangan itong banlawan lagi para hindi matuyo ang sabon at maipon ang scum mula sa mga damit. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Anu-anong mga pwedeng gamiting panlinis ng washing machine?

    Hindi mo kailangan ng mga tools o kung ano pa man. Sa katunayan, kahit ang mga ordinaryong ingredients lang sa kusina ninyo ay pwede na. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Suka

    Kilala ang suka na mabisang panlinis. Sa katunayan, lagi itong kasama sa mga tips namin pagdating sa paglilinis ng oven at iba pang bahagi ng kusina. 

    Epektibo rin itong ipanlinis ng washing machine. Kapag kasi ihinalo mo ito sa mainit na tubig, nagsisilbi itong deodorizer. 

    Madali lang gumawa ng tinatawag na cleaning vinegar. Pumili ka lang ng isang glass container na pwede mong pagtimplahan.

    Lagyan mo ito ng mga balat ng oranges o lemons para magsilbing pampabango. Punuin mo ito ng puting suka. Kailangan, nakalubog ang mga balat ng prutas

    What other parents are reading

    Hayaan mo itong nakababad nang isang linggo. Kapag gagamitin mo na para sa iyong washinig machine, paghaluin mo ang 50% ng cleaning vinegar at 50% na tubig. Pwede mo rin itong gamitin para sa ibang mga bagay. Ilagay mo lang ito sa isang spray bottle. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag mo itong gagamitin sa rubber na bahagi ng front-loader washing machine dahil maaaring masira ng suka ang kalidad ng rubber. 

    Para sa mga front-loaded na washing machines, pwede kang gumamit ng mga natural cleansers o 'di kaya ay sabon para punasan ang rubber na bahagi. Punasan mo lang ito nang punasan hanggang mawala na ang scum sa buong paligid nito. 

    Saka ka maglagay ng dalawang cups ng suka sa detergent dispener. Hayaan mo itong umandar nang isang buong cycle. 

    What other parents are reading

    Baking soda

    Baking soda naman ang gagamitin mo para matanggal ang mga mantsa at namuong sabon sa loob ng washing machine ninyo.

    Paghaluin mo lang ang isa hanggang dalawang kutsara ng tubig sa tatlong kutsara ng baking soda hanggang makagawa ka ng malapot na paste. Ilagay mo ito sa lalagyan ng sabon ng washing machine ninyo. Saka mo lagyan ng 250ml na suka ang drum. Hayaan mong umandar ang washing machine ng lima hanggang sampung minuto. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo itong ulitin hanggang maging masaya ka na sa linis ng loob ng washing machine ninyo. Mas magiging epektibo rin ito kung mainit na tubig ang gagamitin mo.

    Iba pang dapat tandaan: 

    Kung hindi ka sigurado kung paano linisin ang washing machine ninyo, pwede kang makipag-ugnayan sa manufacturer nito para na rin masiguro mong hindi ito masisira. 

    Para naman masigurong mananatiling malinis ang washing machine ninyo, ugaliin ang mga sumusunod: 

    Alisin agad ang mga damit pagkatapos itong labhan.

    Iwan munang nakabukas ang pintuan ng washing machine pagkatapos gamitin para matuyo ang loob nito.

    Punasan ang rubber sa iyong front-loader washing machine pagkatapos gamitin. Sa ganitong paraan, hindi maiipon ang dumi. 

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para manatiling malinis ang washing machine ninyo. Mainam na laging panatilihing malinis ang washing machine para hindi rin ito masira agad. 

    May mga tips and tricks ka ba kung paano linisin ang washing machine? I-share mo na iyan sa comments section. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles