-
Kulang Ang Memory Ng Phone Mo? Paano Mag-Save Ng Napakaraming Baby Pictures
Sayang naman kung buburahin lang!by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Kung bubuksan namin ngayon ang gallery ng cellphone mo, anong makikita namin? Selfies? Recipes? OOTDs? O sangkaterbang pictures ng mga anak mo? Siguradong-sigurado kami na mahigit isang daang pictures ng mga anak mo ang makikita namin.
Malimit kasi kaming tanungin ng mga nanay kung ano nga bang magandang paraan para mag-backup ng mga pictures ni baby. Sayang naman kasi kung buburahin lang. Alaala rin kasi 'yan ng paglaki ng mga anak mo.
Sayang din kung buburahin mo lang ang mga pinaghirapan mong twinning photos ninyong mag-iina, pati na rin ang mga OOTDs ninyo at milestone photos.
Buti na lang, isang mommy na may video production company ang nagbahagi ng kanyang mga techniques kung paano siya nagba-back up ng mga litrato ng kanyang mga anak at ng pamilya nila.
Ibinahagi ito ni mommy Jasmin Aggarao sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Doon ay sinabi niyang tunay na walang kasinghalaga ang mga larawan at videos na kinukuha nating mga ina araw-araw.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagtatrabaho si mommy sa isang video production company na pagmamay-ari nilang mag-asawa. Kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, mag-nobyo pa lang sila ng asawa niya ay naitatag na nilang ang kanilang kumpanya. "I focus on the client and business side, while my husband focuses more on the creative side," pagbabahagi ni mommy.
Mayroon ding sariling blog si mommy kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga experiences sa pagiging ina at asawa.
Dahil na rin sa dami ng mga larawang mayroon si mommy at sa kanyang awareness na struggle talagang mag-ayos ng mga ito, ibinahagi niya ang kanyang tried and tested techniques para makatulong sa mga kapwa niya nanay. Narito ang mga tips na ibinahagi niya sa Village:
Paano mag-backup ng mga photos at personal files
Maging systematic
Sabi ni mommy, kung ilalagay mo lang basta sa isang folder sa computer mo ang mga photos mo, sasakit ang ulo mo sa paghahanap ng mga litrato kapag kailangan mo na ito. "Adding a little system in your life will help you and your tech savvy children navigate your files [more easily] in the future," paliwanag niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKinwento ni mommy na sa trabaho nilang mag-asawa, isa-isa pa nilang pinapalitan ang pangalan ng bawat larawan o video para masiguro nilang walang duplicate file o walang mawawala.
Pwede mo rin itong gawin kung mayroon kang panahon. Pero kung wala, pwede mong ayusin ang mga larawan at videos ninyo ayon sa date o 'di naman kaya sa okasyon.
Magtalaga ng folder structure
Ito ang paraan mo ng pagpapangalan sa mga larawan, gaya ng nabanggit sa naunang tip ni mommy. "Use the YYYY.MM format for labelling," payo ni mommy. "This way, your computer automatically sorts them by date. No need to put DD because that would be too tedious for personal files," sabi pa niya sa kanyang post.
"In each YYYY.MM folder, add subfolders designated to each phone or camera you own," dagdag niya.
Narito ang halimbawa ng maayos na pagsa-save ng mga files sa computer.PHOTO BY courtesy of Jasmin AggaraoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGawin ang pag-back up minsan sa isang buwan
O mas madalas pa depende sa iyong pangangailangan. Kung halimbawa'y mabilis mapuno ang memory ng cellphone o camera mo, maaari mong gawin ang pagba-back up nang mas madalas.
Ganito na karami ang mga pinaglagyan nina mommy ng mga photos at videos nila.PHOTO BY courtesy of Jasmin AggaraoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"It only takes 10-15 minutes of my time," sabi ni mommy. "But during busy time and I really can't squeeze that in, I do it every month. Just remember, the less you back up, the more you put your files at risk," paalala niya.
Mag-save ng dalawang kopya ng iyong mga files
"All hard drives have fail rates," sabi ni mommy. "Use it too much and you risk damaging the drive. Use it too little, the same thing would happen."
Kaya naman payo niya, mag-save ka ng kopya sa cloud (Google Drive at iba pa) at sa hard drive. Kung masira ang isa, may back up ka pa.
Mag-print ng mga photo albums
"Since we are all stuck at home, we took the time to curate the best 200 photos that sums up our year and compile it in one photo album. We did 2018 and 2019 already," paliwanag ni mommy.
Magandang bonding din ng buong pamilya ang paggawa ng mga albums.PHOTO BY courtesy of jasmin aggaraoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon pa sa kanya, ang isang album ay nagkakahalaga ng Php1,000 at ang 200 piraso ng 4R photos ay nagkakahalaga ng Php350—pareho itong inorder online ni mommy sa Lazada.
"It's also a nice feeling to have these albums. Something you can physically touch in this digital age," sabi pa ni mommy. "Now, start backing up so your future lolo or lola self will thank you for doing that today!"
Kayo, paano ninyo ginagawan ng back up ang mga larawan ng iyong pamilya at ng iyong mga anak? I-share mo na sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments