-
Paano Pumili Ng Kasambahay, Ayon Sa General Manager Ng Isang Maid Agency
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Napakahirap talagang maghanap ng kasambahay sa panahon ngayon. Bibihira kasi iyong tinatawag na 'complete package'—iyong kaya kang tulungan sa mga gawaing bahay at maaari mong iwanan kasama ang iyong mga anak.
Kaya naman sumangguni kami kay daddy Archie Arizo, ang owner at general manager ng maid agency na Lifemaideasy.ph by Quality Care Employment Services (Facebook: @qualitycareemploymentservices) at Amuma (Facebook: @amumamakati), para malaman kung paano nga ba dapat pinipili ang isang kasambahay.Ayon sa kanya, bagaman walang isang 100% epektibo, konkreto, at kategorikal na mga alituntuning sinusunod, mayroong ilang mga hakbang para masiguro mong maayos ang makukuha mong kasama sa bahay. Narito ang kanyang listahan:
Magtalaga ng basic employment requirements
Kung sa pag-aapply mo ng trabaho ay hinahanapan ka ng maraming dokumento, ganoon ka rin dapat sa mga taong babayaran mo para magtrabaho sa inyo.
Dumaan ka man sa agency o ikaw mismo ang maghahanap, iminumungkahi ni daddy Archie na hingin mo ang mga dokumentong tulad ng:
- government-issued IDs
- birth certificate
- proof of residence tulad ng barangay clearance
- police clearance
- NBI clearance
Paliwanag ni daddy Archie, ang mga aplikanteng may masamang intensyon ay kalimitang walang maipapalad na papeles. Para naman makasigurong tunay ang mga papeles na makukuha mo, pwede mo itong i-verify sa mga ahensya ng gobyerno.
What other parents are reading
I-add sila sa Facebook
Ayon sa mga pag-aaral nina daddy Archie at ng kanyang team, ang mga aplikanteng edad 18 hanggang 45 ay kalimitang mayroong Facebook account.
Bago mo tanggapin ang sino mang aplikante bilang kasambahay o yaya ng mga anak mo, makakabuti kung i-aadd mo muna sila sa Facebook. Pwede mong gawin ito sa interview na mismo. Marami ka kasing maaaring matutunan tungkol sa isang tao base sa mga ibinabahagi niya sa Facebook.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRed flag din kung makita mong iba ang ginagamit na pangalan ng aplikante sa kanyang Facebook account. Mas maganda kung tanungin mo siya tungkol dito at suriing mabuti kung makatuturan ang kanyang dahilan.
Payo pa ni Archie, pwede mo ring gamitin ang Facebook para i-check ang background ng aplikante. Pwede kang magtanong-tanong sa sino man sa kanilang Facebook page para ma-verify ang kanilang pagkatao.
What other parents are reading
Huwag magpadala ng pamasahe
Iwasan mo ring magpadala ng paunang bayad kahit na gaano ka kakumbinsido na lehitimong aplikante ang kausap mo. Mas maganda pang magpadala ka na lang ng bag of groceries para sa kanyang pamilya kaysa pera.
Kuhanan ang aplikante ng close-up photos
Kailangan mo ring kuhanan sila ng biometrics. Sa ganitong paraan, mayroon kang larawan at mga detalye nila na pwede mong ibigay sa pulisya kung sakali mang may mangyari.
Magandang paraan din ito para ipakita mo sa mga aplikante na hindi basta-basta ang screening process. Kung may masama mang intensyon sa iyo ang isang aplikante, maaari silang matakot at maintimidate sa proseso ng pagkuha ng larawan at biometrics.
What other parents are reading
Mag-offer ng substantial at makatotohanang salary package
Sabi nga ni Archie, bagamang Php5,000 lang ang minimum wage dito sa Metro Manila, mas makabubuti pa ring maglaan ng mas mataas na halaga. Ang rekomendasyon nila ay at least Php6,000.
Tandaan na ang ating mga kasama sa bahay ay naghahanap din ng mapagkakakitaan at mayroon din silang mga pamilyang binubuhay. Maganda rin na bigyan mo sila ng competitive rates at packages tulad ng healthcare at iba pa para maengganyo silang magtrabaho sa inyong pamilya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Huwag kalimutang magkaroon ng health requirements
Hindi ka dapat mahiyang hingan ng ilang health requirements ang mga aplikanteng kakausapin mo. Payo ni daddy Archie, pwede mong hanapan ang mga aplikante ng chest x-ray at Hepatitis B screening.
Pwede mo rin silang hingan ng drug test results at iba pa. Nasa iyo na kung ikaw ang magbabayad ng medical expenses na ito o pwede mong i-reimburse sa kanila kapag tanggap na sila—depende na lang sa iyo.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para mahanap mo ang tamang kasama sa bahay para sa iyong pamilya. Kwento pa ni daddy Archie, hit or miss talaga ang paghahanap ng magtatagal at mapagkakatiwalaang kasambahay. Pero sa pamamagitan ng mga gabay na ito, pwede mong palakihin ang chance na makita mo ang best kasambahay na makakasama ninyo ng pangmatagalan.
Kayo? Paano ang screening process ninyo sa inyong mga kasambahay? I-share mo na 'yan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments