embed embed2
  • Pakikitira Sa Panahon Ng Community Quarantine: Mahirap Makisama, Pero Wala Kang Magagawa

    Anu-ano nga ba ang struggles ng mga nanay ngayong naka-quarantine sila kasama ang kanilang mga in-laws?
    by Ana Gonzales .
Pakikitira Sa Panahon Ng Community Quarantine: Mahirap Makisama, Pero Wala Kang Magagawa
PHOTO BY iStock
  • Hindi na bago sa atin ang mga horror stories patungkol sa relasyon ng mga nanay at ng kanilang mga mothers-in-law. Sa katunayan, isa ito sa mga pinaka madalas na ihingi ng payo ng mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    Isa sa mga pinakamadaling solusyon kung hindi kayo magkasundo ng iyong mother-in-law ay ang pagbukod o 'di naman kaya ay paglalaan ng panahon para panandaliang lumabas at lumayo sa kanila. Pero paano kung ganitong mayroong enhanced community quarantine? Bawal lumabas at wala kang ibang pwedeng puntahan? Anu-ano nga ba ang mga struggles ng mga nanay at ano ang mga solusyong pwede nilang subukan?

    Problema: Nakikialam ang mga in-laws ko sa pagdidisiplina sa mga anak ko.

    Ayon sa mga nanay sa Village, mahirap na ngang magdisiplina ng mga bata, mas nagiging mahirap pa ito kapag nakikialam ang mga in-laws. Ito ang bahagi ng isang #SPConfessions na ipinadala sa amin:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Gusto ko sana hindi masyadong gumamit ng gadget ang mga anak ko habang may quarantine. Ayaw ko kasi ng maramdaman nila na bakasyon lang ito. Ginawan ko sila ng schedule na may oras para sa mga gusto at kailangan nilang gawin."

    "Okay naman sana, kaso ang mga in-laws ko, nakikialam sa ginawa kong schedule. Lagi nilang sinasabi na hayaan kong maglaro ang mga bata. May oras naman silang maglaro, pero may oras din sila para mag-aral—kahit ng mga basic lessons lang. Kaya lang, dahil sa mga lolo at lola, nagiging matigas ang ulo ng mga bata! May sumbungan na kasi sila na bigay nang bigay ng lahat ng gusto nila. Ngayon, hindi na nakikinig sakin ang mga anak ko."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Solusyon: Ipaliwanag sa kanila ang iyong parenting method.

    Maaaring hindi alam ng mga in-laws mo na ang ginagawa mo na pala ay pagdidisiplina sa mga apo nila. Kaya naman gaano man kahirap, kailangan mong maging matiyaga pagdating sa pagpapaliwanag sa kanila ang mga choices mo para sa iyong mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importante rin na sabihin mo sa kanila na malilito ang bata kung sino ang susundin sa tuwing kokontrahin ka nila kapag gumagawa ka ng mga desisyon. Makakatulong din kung kakausapin mo ang asawa mo tungkol dito para siya na mismo ng magsabi sa mga magulang niya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin pagdating sa pagdidisiplina sa inyong mga anak.

    What other parents are reading

    Problema: Mahirap sawayin ang mga matatanda pagdating sa paglabas ng bahay

    Nang mag-umpisa ang community quarantine, maraming mga netizens ang nagrereklamo na napakahirap kumbinsihin ng mga senior citizens na manatili sa bahay.

    Sabi ng isang nanay na sumulat sa amin, "Matitigas ang ulo ng mga kasama naming seniors sa bahay. Nagrereklamo sila na hindi sila makalabas kahit wala namang dahilan para lumabas sila."

    Ayon pa sa iba, "Tumatakas ang father-in-law ko! Minsan, magigising na lang kami, nasa labas na siya ng bahay o 'di kaya ay nakapamili na siya sa palengke."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Malaki ang pasasalamat namin na kumpleto na ang mga gamit na kailangan namin dito sa loob ng bahay. Hindi na kailangang lumabas, para na rin makatulong na ma-contain ang virus. Kaya lang, ang mga in-laws ko naman, hindi mapigilan sa paglabas! Wala naman silang kailangang gawin sa labas, aalis pa rin. Kung hindi pa mas pinahigpit ang mga patakaran ng community quarantine, hindi pa sila mapipigilan."

    What other parents are reading

    Solusyon: Ipakita sa kanila ang testimonya ng mga gumaling mula sa COVID-19.

    Ayon sa isang nanay mula rin sa Village. Gumana sa kanilang mag-asawa ang pagpapakita ng mga articles at testimonya tungkol sa mga taong tinamaan ng COVID-19. "Natakot yata si mama sa pwedeng mangyari sa kanya, tulad ng hirap sa paghinga, kaya hindi na siya masyadong naglalalabas ng bahay," kwento ng isang nanay sa amin.

    Maaari mo ring ipaliwanag sa mga seniors sa inyong pamilya na hindi man sila ang maapektuhan ng virus, maaari naman nila itong maipasa sa iyo o sa mga apo nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Problema: Kung anu-anong pinapakain nila sa anak ko.

    Sa #SPConfessions naman ng isang nanay, sinabi niya na hindi maawat ang in-laws niya sa pagbibigay ng kung anu-anong mga pagkain sa anak niya.

    "Kapag sinasabihan ko sila na huwag pakainin ang anak ko ng kung anu-ano, nagagalit sila." Ayon kay mommy, binibigyan ng in-laws niya ng junk food, sweets, at mga maaalat na pagkain ang anak niya. "Sinasabi nila sa akin na maarte raw ako dahil ayaw kong patikimin ng mga ganoong pagkain ang anak ko," sabi niya sa kanyang sulat.

    What other parents are reading

    Solusyon: Huwag bumili ng mga junk food at sweets.

    Kung ayaw mong bigyan ng kung sino-sino ng kung anu-ano ang anak mo, iwasan mong mag-stock sa bahay ng mga pagkaing hindi masustansiya. Kung wala kasing stock, wala silang maibibigay. Kung gusto mo na healthy ang kinakain ng mga anak mo, dapat ay healthy rin ang mga snacks na mayroon kayo sa bahay. Sa ganitong paraan, walang choice ang sino man sa bahay ninyo kundi kumain ng mga masusustansiyang pagkain.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Problema: Ang hirap magbudget para sa maraming tao.

    Hirap ang mga nanay magbudget lalo na kung maraming tao sa bahay at puro pa walang mga disiplina. "Hindi natin alam kung hanggang kailan tatagal ang community quarantine kaya kailangang maging matipid.

    Pero kung ang mga kasama mo naman sa bahay ay walang pakialam sa budget, paano kayo magtitipid?" pahayag ng isang nanay. "Mas magastos ngayon. Ang hirap makatipid dahil kain ng kain ang mga tao. Bumibili kami ng pang isang buwan pero nagiging pang isang linggo lang dahil sa kawalan ng disiplina," kwento naman ng isa.

    What other parents are reading

    Solusyon: Bumili lamang ng sapat at ipaliwanag kung bakit hindi dapat ubos biyaya.

    Ayon sa isang nanay, sa umpisa ay talagang ubos biyaya ang pamilya niya. Kain lang daw sila ng kain sa bahay. Nang mapansin niyang mas nagiging magastos na sila, dito niya naisip na ipaliwanag na sa mga kasama niya sa bahay na kapag hindi sila nagtipid, mauubusan sila ng pera—lalo na kung tatagal pa ang community quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ganitong pagkakataon, kailangang katuwang mo ang asawa mo sa pagsasabi na kailangan ninyong maging matipid. Makakatulong din kung transparent kayong mag-asawa sa mga kasama ninyo sa bahay, para alam nila kung saan kayo nanggagaling. Madali na lang na pagsabihan ang mga bata—ang mga matatanda ang mas mahirap pakiusapan.

    Pwede mong subukan ang mga budgeting techniques na ito para hindi kayo kapusin kung sakaling humaba pa ang community quarantine.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa mga problemang kinakaharap ng mga magulang na nakikipisan ngayong may community quarantine. Para maiwasan ang conflict sa inyong pamilya, makakatulong kung hindi ka matatakot maging open sa mga kasama mo sa bahay. Kung sakaling hahaba pa ang community quarantine, ikaw din ang mahihirapan kung hindi mo sila kakausapin.

    Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles