embed embed2
  • Refrigerator Storage Tips And Tricks Para Sa Mga Mabusising Nanay

    Alam mo bang malaki ang matitipid mo sa gastos sa pagkain kapag maayos ang ref ninyo?
    by Ana Gonzales .
Refrigerator Storage Tips And Tricks Para Sa Mga Mabusising Nanay
PHOTO BY Facebook/Lorelin Feliciano-Sia
  • Isa sa mga nakakabilib na ugali nating mga Pilipino ay kung gaano tayo kagaling na mag-adjust sa mga kinakaharap nating sitwasyon.

    Ngayong naka-quarantine tayo sa ating mga bahay dahil sa banta ng COVID-19, sa halip na magmukmok, marami sa atin ang naghanap ng mga pwedeng gawin. Sa mga nanay, iyan ang masusing decluttering at paglilinis ng bahay. Bukod kasi sa busy ka na, nalilinis pa ang bahay para maging ligtas ang inyong pamilya sa virus.

    More from Smart Parenting

    Isa sa mga unang na-accomplish ng mga nanay ay ang pagliligpit ng mga laman ng kanilang refrigerator, partikular na ang kanilang freezer.

    Kung gusto mo na ring ayusin ang ref ninyo, narito ang mga storage containers na ginamit nila, kasama ang ilang tips and tricks kung paano mas magiging maganda at organisado ang loob ng refrigerator ninyo.

    More from Smart Parenting

    Freezer-safe containers para sa mas organisadong refrigerator

    Microwavable containers

    Pwedeng glass at pwede ring plastic. Alin man ang piliin mo para sa inyong pamilya ay okay lang. Ngunit ayon sa mga nanay, mas napapanatili ang freshness kung glass ang gamit ninyo. Environment-friendly rin ito at mas madaling hugasan kung babasagin ang mga ilalagay ninyo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangang clear ang mga containers para mas madali ninyong makita kung ano ang nasa loob. Nabibili ito sa mga pangunahing department stores at online shops sa halagang Php300 pataas, depende sa dami at size.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Reusable ziplock bags

    Maraming mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nagsabing gumagamit sila ng ziplock bags para ayusin ang kanilang freezers. 

    Ilan sa kanila ay nagsabing hinahati-hati na nila ang mga karne ayon sa paggagamitan para mas mabilis magluto at mas madaling mag-budget. Patok na patok nga sa mga nanay ang mga freezer meals na tinatawag o iyong mga ready-to-cook food na sila mismo ang gumawa. 

    Ayon pa sa mga nanay, kung gusto mong mabilis ma-thaw ang mga frozen items ninyo, ilagay mo ito sa vacuum-sealed na ziplock bags—nakatipid ka na sa space, sigurado ka pang fresh ang mga pagkain ninyo.

    Ice cream containers

    Madalas laman ng mga internet memes ito dahil sino nga namang hindi maiinis kung bubuksan mo ang lalagyan ng ice cream dahil akala mo ay may dessert ka, 'yun pala, galunggong ang laman! 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero ayon sa mga nanay, napakalaking sayang kung itatapon lang ang mga ito. Kaya naman, ito ang napipili nilang gawing lalagyan ng mga karne at seafood sa freezer. Hindi rin kasi sila nabibitak sa sobrang lamig dahil ginawa sila para ilagay sa loob ng freezer. 

    Payo ng mga nanay, lagyan na lang ng malaking label para hindi naman ma-peke ang ibang miyembro ng pamilya.

    Food vacuum sealer

    Patok din sa mga nanay ito lalo na sa mga talagang ayaw ng food waste. Lahat kasi ng mga sobra ninyong gulay at karne ay pwede ninyong i-vacuum seal at saka ilagay sa freezer. Ayon sa mga nanay, tatagal ito ng hanggang isang taon! 

    Kung madalas kayong masiraan ng mga gulay at karne sa bahay, ito ang pinakamainam na solusyon. 

    Maaasahan talaga ang mga nanay pagdating sa paghahanap ng pinaka-wais at pinakamatipid na paraan para masulit ang perang mayroon ang pamilya. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangang maging wais pagdating sa maraming bagay. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kayo, anu-anong mga containers ang ginagamit ninyo para paglagyan ng mga karne at iba pa? I-share mo lang iyan sa comments section. Kung gusto mo namang makakita pa ng iba pang hacks tulad nito, sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles