-
Preschooler How To Find A Toy That Your Child Will Enjoy For Years
-
Preschooler Gaya-Gaya Sa Kaklase? Teach Your Child To Handle Peer Pressure Well
-
Food Where To Buy Christmas Ham For Noche Buena, Starting At P500
-
Your Kid’s Health 5 Essential Oils That Are Great To Use On Kids (With Proper Dilution, Of Course)
-
Sampung Bagay Na Nagustuhan Namin Sa Bagong Bahay Ni Anne Clutz
Sa kanyang pinakahuling vlog, ipinasilip ng vlogger mom ang kanyang bagong renovated na tahanan.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Anne Clutz/YouTube
Kung mahilig ka sa makeup tutorials, siguradong kilala mo ang Pinay mommy vlogger na si Joanne Clutario o mas kilala sa kanyang mga social media accounts bilang Anne Clutz o ‘Mama Anne’ sa kanyang mga fans. Dalawa na ang kanyang YouTube Channel—isa para sa kanyang mga makeup tutorials at reviews, at isa para sa kanyang daily vlogs kasama ang kanyang buong pamilya.
Sa kanyang daily vlog mo rin makikita ang pasilip niya sa kanyang bagong bahay. Dati ay nakatira silang mag-anak sa isang loft type na condo unit na sakto lamang ang laki para sa kanila. Ngunit kamakailan ay nakabili, nakalipat at naiparenovate na ng makeup enthusiast ang kanilang bagong bahay.
Ayon sa kanya, nabili nila ang kanilang bahay January ngayong taon. “Inabot ng halos hanggang six months ‘yung renovation. It’s all worth it," kwento niya sa kanyang vlog.
Dilaw ang mga pintuan
PHOTO BY Anne Clutz/YouTubeADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa unang frame pa lang ay mabibilib ka na sa ganda ng bahay nila na kung tawagin ng mommy vlogger ay ‘Forever Home’. Tawag pansin ang dilaw na pintuan nila na ayon sa kanya ay nag-alangan pa siyang payagan dahil hindi niya alam kung magiging maganda ba ito. Pero nang naikabit, namangha siya sa kung gaano ito ka-inviting tignan. “Ang corny ng yellow pero ang ganda pala. Excited ka laging pumasok sa loob ng bahay. Sobrang inviting niya,” kwento ni Mama Anne.
Maraming ‘secret storages’ na pwedeng gayahin
Ang ganda rin ng lalagyan nila ng sapatos dahil hindi mo mahahalatang naroon lang ito malapit sa pinto. Kalimitan ay hindi nga magandang tignan na nakakalat ang mga sapatos, lalo na sa harapan o malapit sa main door. Kaya naman kung naghahanap ka ng paraan para itago ang mga sapatos ng buong pamilya, pwede mong gayahin ang shoe cabinit ni Mama Anne. Mayroon pang upuan sa gilid para hindi ka mahirapang magsuot ng sapatos.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakikita mo rin sa gilid ng pinto ang isang salamin na storage room pala ng mga laruan ng anak ni Mama Anne na si Joo. Kesa nga naman ilagay mo sa mga kahon at ipunin sa cabinet, magandang may sarili kang storage room para lang sa laruan ng mga anak mo.
May buffet table at maaliwalas ang kusina
Kung madalas ka namang tumanggap ng mga bisita, maganda ring mayroon kang buffet table na tinatawag para doon mo na lang ise-serve ang mga pagkain. Sa bagong bahay ni Mama Anne, makikita mo ang pinagawa niyang buffet table na nasa gitna ng sala at dining room.
PHOTO BY Anne Clutz/YouTubeADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMasarap ring magluto sa bagong kusina ni Mama Anne dahil na rin maluwag ito at maraming space na pwedeng paglagyan ng mga lulutuin at naluto nang putahe.
Ang ganda ng mga bintana
Para naman sa kanilang mga bintana, pwede mong i-check ang Instagram account na @koreanwindowblindsph. Mala-shutters ng mga bahay sa America ang napili niyang style—depende na lang sa gusto mong maging feel at look ng bahay mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInviting ang color palette
Pagdating naman sa kulay ng buong bahay, umiikot lang ang color palette ng Forever Home ni Mama Anne sa puti, itim, at brown. Mayroon ding dilaw na accents dahil paboritong kulay niya ito.
Hindi takaw dumi ang flooring
Ang hirap nga naman kung kailangan mong maglampaso araw-araw kaya magandang idea na ceramic ang napiling flooring ni Mama Anne para sa kanilang buong bahay. Maaliwalas itong tignan at madali lang ang maintenance.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay breakfast nook
Hindi lahat ng bahay ay pwedeng lagyan ng breakfast nook dahil kadalasan ay kulang sa space. Kaya naman nabilib kami nang naisip ni Mama Anne na i-maximize ang space sa kanilang kusina. Built-in ang kanilang breakfast nook na sakto lang para sa salu-salo ng isang maliit na pamilya.
Relaxing ang lighting
Siniguro ni Mama Anne na nag cocomplement ang lahat ng lighting sa bahay sa lahat ng rooms nila. Drop lighting na halo ng dilaw at puti ang pinili niya. Relaxing itong tignan sa video pa lang—paano pa kaya kapag nakaupo ka na sa sala!
Maaliwalas ang buong bahay
PHOTO BY Anne Clutz/YouTubeADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInamin ni Mama Anne sa video na noong nakatira pa sila sa condo, kulang talaga sila sa space. Kaya naman ngayong mas malaki na ang kanilang Forever Home, na-appreciate niya ang luwang ng area. Kaya naman siniguro niyang magiging maaliwalas ang feel ng buong bahay. Ipinatanggal niya ang mga obstructions, mula sa mga shelves na alam niyang hindi nila gagamitin, hanggang sa mga kagamitan, pintuan at ano pa mang parte ng bahay na hindi naman nila kailangan.
May maliit na altar
Ang ganda rin ng layout at design ng munting altar sa kanilang bagong bahay. Sabi ni Mama Anne, isang reminder lang ito na magdasal bago man umalis ng bahay. Viewers ang nagbigay ng mga imaheng nakadisplay sa altar nila.
Ilan lamang ‘yan sa mga nagustuhan namin sa Forever Home ng Clutario family. Mayroon din silang ‘beach-inspired’ bathrooms at mga walls na puno ng artwork at litrato ng buong pamilya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay Mama Anne, kinuha niya ang mga inspirasyon niya sa design ng buong bahay mula sa Pinterest.
Kung naghahanap ka ng design inspiration na praktikal pero maganda, pwede mong panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog. Kung mayroon ka namang sarili mong home design na gusto mong i-share, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

View More Stories About
Recommended Videos