embed embed2
  • Sa Sipag At Tiyaga, Napaganda Ng 64-Year-Old Na Tatay Ang Kanilang Kusina

    by Angela Baylon .
Sa Sipag At Tiyaga, Napaganda Ng 64-Year-Old Na Tatay Ang Kanilang Kusina
PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola
  • Bukod sa pagiging haligi ng tahanan, maaasahan rin sa pagpapaganda ng bahay ang isang senior citizen na tatay mula Pasay City.

    Hindi mapigilang ipagmalaki ni Cherryl Moana Marie Ancola ang kaniyang 64-anyos na tatay na si Rodolfo Ancola sa Facebook group na Home Buddies. Sa kaniyang post, ibinahagi ni Cherryl ang kinalabasan ng DIY kitchen renovation project ng tatay.

    Ang dati nilang simpleng kusina, napaganda at ginawang mas maaliwalas ni Tatay Rodolfo kaya naman ang mga miyembro ng Home Buddies, hanga rin sa kaniyang kakayahan.

    Kusina ng pamilya Ancola bago ang DIY renovation ni Tatay Rodolfo.
    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola

    Sa panayam ng Smart Parenting kay Cherryl, hindi lang kusina ang tinatrabahong ayusin ng kaniyang ama kung hindi ang kanilang buong bahay. Aniya, ito ay dahil sa request ng kanilang OFW na nanay nakatakda nang umuwi ngayong 2022.

    Read more related home improvement stories:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Nagcome up kami ipa-renovate 'yung bahay dahil sa request ni mama kasi uuwi na siya dito sa Pilipinas for good since mag-e-end of contract na siya this year 2022. Kaya pinush ko talaga si papa na magawa 'yung bahay last year," kuwento ni Cherryl.

    Parehong layout ng kusina ang sinundan para sa renovation.
    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola
    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Tatay Ng Buong Komunidad

    Ani Cherryl, kilala talaga sa kanilang lugar ang ama na takbuhan na mga nais may ipagawa sa kanilang bahay. Sa katunayan, 'Tata Ruds' ang tawag sa kaniya ng karamihan.

    Sanay kasi aniya si Tata Ruds sa mga ganitong proyekto bilang dating all around worker sa ibang bansa.

    Pagbabahagi ni Cherryl, "Nagwork si papa sa ibang bansa (Saudi) bilang "all round". Yeah, 'yun 'yung term niya kasi nagka-karpintero daw siya, nagmamason, nagfoforeman, nagpipintura, nag-e-electrician, nag-aayos ng tubo, nagsu-supervise ng mga ginawa nila, etc."

    Bagong kitchen cabinet na ang ginamit na si Tatay Rodolfo mismo ang gumawa at nagkabit.
    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola
    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman sa ilang napaayos at napatayong bahay at ngayong napagtapos na ang mga anak, ang sariling dream house naman ang sisimulan nilang buuin ni Tata Ruds.

    "Maraming bahay na siyang napaganda at natapos. Ultimo hanggang 4 storey na bahay nagagawa nya. Sa ngayon, bahay naman namin ang last niyang pagagandahin... Claiming for that!" dagdag ni Cherryl.

    "Every month na padala ni mama bumibili ng pakonti-konti ng materyales para dito sa bahay kaya rin di agad agad natatapos yung bahay dahil sa limited budget." Sa ngayon, nasa Php90,000 ang kabuuang nagagastos ng pamilya Ancola sa pagpapaganda ng buong unang palapag ng kanilang bahay.

    Mas maaliwalas na kusina ang naging resulta ng DIY renovation ni Tatay Rodolfo. Excited din ang buong pamilya na makitang matapos mapaganda ang buong bahay.
    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola

    Bukod sa mas komportableng bahay, hiling ni Cherryl at ng kapatid na balang-araw ay masuklian ang pagtitiyaga ng mga magulang para maitaguyod silang pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    PHOTO BY photo courtesy cherryl moana marie ancola

     

    "Ngayon na kami na ang nagtatrabaho ng kapatid ko, it's time para masuklian naman namin 'yung sacrifices nilang dalawa lalo na't tumatanda na sila. In God's perfect timing, matutupad din namin yung mga plans namin for them."

    Basahin dito ang mga nakaka-inspire na kwento kung paano nakamit ng 5 pamilya ang pangarap nilang dream house.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close