-
#ShareKoLang: Ipinasilip Ng Mga Nanay Ang Kanilang Mga Super Organized Freezers
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

"Sayang ang pera kung bili ka nang bili ng karne o pansahog dahil hindi ka sigurado kung anong nasa loob ng freezer mo," sabi ng isang nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Kaya naman para hindi masayang ang pera at pagkain ninyo, inipon namin ang ilan sa mga litrato ng mga super organized freezers na ipinadala sa amin ng mga nanay sa Village. Magandang gamitin ang mga ito bilang inspirasyon sa pag-aayos ng freezer ninyo.
Pinagpatong na shelf organizers ang gamit ni mommy Juvy para mapagkasya niya ang laman ng kanilang freezer. Isa itong murang paraan para madagdagan ng shelves ang freezer ninyo.PHOTO BY Juvy Gordola-BautistaPayo ni mommy Keith, ilagay ang mga karne at isda sa microwavable containers—pwedeng gamitin ulit at pwede pang lagyan ng labels. Madali ring i-monitor kung ano ang meron at kung gaano na ito katagal sa freezer.PHOTO BY Keith YancyADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKwento ni mommy Kristine, hubby niya ang nag-aayos ng freezer nila—with matching funny labels pa!PHOTO BY Kristine Caballero AplalZiplock bags naman ang napiling lalagyan ni mommy Jenn para i-organize ang freezer nila.PHOTO BY Jenn Yerro MostajoRecyclable microwavable containers din ang gamit ni mommy Alexa.PHOTO BY Alexa Templonuevo LamarcaCONTINUE READING BELOWwatch nowKung malaki naman ang freezer ninyo tulad ng kina mommy Erika, pwede kayong maglaan ng isang lalagyan depende sa klase ng karne.PHOTO BY Erika Hashizume-GoHalong microwaveable containers naman at ziplock bags ang gamit ni mommy Litzel.PHOTO BY Litzel CababBukod sa mga recyclable containers, mayroon pang ibang plastic containers na ginamit si mommy Katy Kat. Ang ilang mga binili niya, hindi na niya inaalis sa orihinal na lalagyan.PHOTO BY Katy KatADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMahalaga naman kina mommy Mariza ang meal planning. Bukod sa mas madali na ang prep, hindi ka na mamomroblemang mag-isip ng ulam araw-araw dahil naka-plano na.PHOTO BY Mariza Geronimo CosteGanito rin ang style nina mommy Riz sa bahay. Nakaayos na ang mga pagkain at may labels na rin para kuha na lang ng kuha.PHOTO BY Riz NolascoMalaking oras ang naaalis sa prep time ng mga nanay kapag alam na nila kung anong mayroon sa freezer at kung aling ulam ang para sa anong araw.PHOTO BY Shelo BlcnItong kay mommy Mhench, kasama na rin ang snacks ng mga bata!PHOTO BY Mhench MianoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi ba sobrang gandang tignan kapag maayos ang freezer? Nakakagana ring magluto kapag nakikitang maayos ang mga gamit.PHOTO BY Nikka De GuzmanBukod sa magandang tignan, sabi nga ng mga nanay, malaking tipid kapag linggo-linggo kayong naka-meal plan. Sukat na kasi ang gagastusin ninyo.
Kayo? Ganito rin ba ang freezer ninyo? I-share niyo sa comments section! Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa iba pang inspirasyon.
What other parents are reading

- Shares
- Comments