embed embed2
  • Starting At P3,398! 5 Brands Ng Microwave Oven Na Aprubado Ng Mga Nanay

    Wala pa ba kayo ng kasangkapang ito sa bahay?
    by Ana Gonzales .
Starting At P3,398! 5 Brands Ng Microwave Oven Na Aprubado Ng Mga Nanay
PHOTO BY Sharp/Elba
  • Aminado ang mga nanay sa aming Facebook group na talaga namang napakadali ng buhay kapag may microwave oven.

    Bukod sa mainam itong pang-init ng mga tirang ulam, napakadali rin nitong gamitin para panggawa ng meryenda ng mga bata.

    Kung balak mong bumili ng microwave oven ngayon Pasko, narito ang limang brands na highly recommended ng mga nanay.

    Elba Philippines

    Ayon kay mommy Ysabel Tupas, aprubado sa kanya ang brand na ito dahil sa disenyo. "I like it because it's sleek and it perfectly matches the kitchen. 'Yung stainless finish niya makes it look like a design sa kitchen," sabi niya. Maganda rin daw ang after sales ng Elba.

    Dalawang uri ng microwave ovens ang makikita mo sa kanilang website—ang built-in microwave ovens at ang countertop microwave ovens.

    Ang EGM-20 nila ang pinakamurang design sa halagang Php3,690. Mayroon itong 50 liter capacity at magandang stainless steel design na babagay sa ano mang kusina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    PHOTO BY Elba Philippines

    Sharp

    Ito naman ang rekomendadong brand ni mommy Rich Lignes Moral. Hindi ito kataka-taka dahil napakarami ring pagpipiliang microwave oven models mula sa Sharp—mayroon silang inverter type, mayroon silang solo, solo with grill, at may steam oven pa.

    Ang kanilang R-61E na microwave oven, halimbawa, ay may kasama nang grill function sa halagang Php3,988.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Mayroon din itong safety child lock feature para sure kang hindi mapaglalaruan ng mga bata maabot man nila.

    PHOTO BY Sharp

    Kung hindi mo naman kailangan ang grill function, pwede mong kunin ang R-20A nila. Mas mura ito ng bahagya sa halagang Php3,798. 

    PHOTO BY Sharp
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    GE Appliances

    Brand of choice ito ni mommy Anna Valencia dahil sa magagandang features tulag ng defrost at iba pa. Moderno rin daw ang designs ng mga microwaves ng GE kaya bagay ano man ang style ng inyong kusina.

    Smart microwave oven ba ang hanap mo? Mayroon sila niyan. May mga models din sila na may convection feature. Nagsisimula sa Php3,565 ang mga microwave ovens nila.

    Whirlpool

    Kung hindi naman ganoon kataas ang iyong budget, may mga models sa Whirlpool na nagkakahalaga ng Php3,398.

    Ang mga mas mahal naman na models ay nagkakahalaga mula Php4,498 hanggang Php13,998. Malimit, may grill function na ang ganitong designs.

    Sabi ni mommy Megan Salienda-Mateo, matagal na silang gumagamit ng Whirlpool na microwave oven. "We had Whirlpool for almost 7 years now. And Elba for more than a decade and they both still work perfectly," kwento niya.

    Samsung

    Sabi naman ni mommy Evelie de la Rosa, nakapagsimula siya ng baking dahil sa Samsung Microwave Smart Oven nila na talaga namang sulit. "We bought this mainly for sterilizing our first born's milk bottle but I also started baking with it," sabi niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    PHOTO BY Samsung

    Dalawang taon na rin daw sa kanila ang kanilang gamit at marami-rami na rin siyang naihandang putahe gamit ito.

    Nagkakahalaga ng Php15,995 ang 32L Microwave Smart Oven ng Samsung. 6-in-1 na ito dahil pwede kang mag-bake, mag-grill, mag-steam, mag-slim fry, mag-microwave, at mag-ferment.

    Ano man ang budget mo at pangangailangan ninyo sa bahay, may brand ng microwave na babagay para riyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-anong features ng microwave oven ang hinahanap mo? I-share mo na iyan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close