-
Step-By-Step Guide Sa Paggawa Ng Homemade Na Sabon
Pwede niyo itong gamitin o 'di naman kaya ay pagkakitaan.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa panahon ngayon na napakarami nang mga bagong karamdaman ang naglalabasan, mas naging mahalaga pa ang pagiging malinis sa katawan.
Kaya naman hindi na nakapagtataka na nagkakaubusan ng supply ng mga rubbing alcohol, handsoap, at disinfectants sa mga pangunahing pamilihan.
Sa halip na makipagsiksikan sa mga groceries o gumastos ng malaki para makapagstock ng marami, bakit hindi ka na lang gumawa ng sarili mong sabon? Pwede mo pa itong pagkakitaan.
Paano gumawa ng homemade soap?
Magsimula ka sa tinatawag na 'melt and pour' soap
Bukod kasi sa hindi mahirap hanapin ang mga ingredients para dito, 'di hamak na mas ligtas din itong gawin. Sa katunayan, pwede pa nga itong maging bonding activity ninyong mag-iina.
Wala rin itong lye, isang ingredient na madalas mayroon ang mga sabon at delikado kung hindi mo alam i-handle.
Step 1: Bumili ng soap base
Maaari mong mabili ito online mula Php180 hanggang Php450. Mayroong puti at mayroon ding colorless—depende sa gusto mong klase. May mga colorants ding mabibili kung sakali mang gusto mo ng iba't-ibang kulay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon ding mga soap bases na may halo nang shea butter, goat milk, o aloe. Ano man ang piliin mo, pare-pareho silang magagandang bases para sa iyong DIY soap.
What other parents are reading
Step 2: Pumili ng fragrance oil
Alam mo bang pwede mong gamitin ang essential oil o fragrance oil mo para pabanguhin ang iyong homemade soap? Para malaman kung gaano karaming essential oil ang kailangan mo, pwede mong gamitin ang fragrance calculator na ito. Ang standard naman ng pwede mong ilagay ay 0.3 oz ng essential oil kada 1 lb ng sabon.
Step 3: Paghaluin ang iyong soap base at fragrance
Kailangan mo lang ng heat-safe container kung saan mo tutunawin ang iyong soap base. Karamihnan sa mga mabibili mong soap bases ay pwedeng tunawin sa microwave o sa double boiler.
Mas maganda kung gagawin mo ito sa stove para mas may control ka sa init at masisiguro mong hindi mag-ooverheat ang iyong soap base. Stainless steel wire whisk ang pwede mong gamitin para naman maihalo ang iyong fragrance. Alisin mo muna sa apoy ang soap base bago mo ihalo ang fragrance.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAyon sa mga bihasa nang soap makers, kakailanganin mo lang ang mixer kung maghahalo ka ng pangkulay at iba pang mga sangkap tulad ng exfoliant powders at glitter.
Tandaan, hindi mo na pwedeng gamitin para sa food prep ang mga gagamitin mo para sa paggawa ng iyong homemade soap.
Step 4: Ibuhos na ito sa mold
Makakabili ka ng mga silicone soap molds online sa halagang Php250 hanggang Php500. Napakaraming laki at hugis ang mayroon kaya ano man ang gusto mo para sa iyong DIY soap, mayroon kang mabibili.
Pwede mong punuin ang mold mo dahil hindi naman aapaw o mage-expand ang sabon kapag tumigas ito.
Pagtanggal mo sa mold, pwede mo na itong i-repack kung ibebenta mo ito o itago sa mga lalagyan para magamit ninyo sa bahay.
Ngayong alam mo na kung paano gumawa ng melt-and-pour na sabon, pwede ka nang mag-eksperimento ng iba't-ibang scents, kulay, at texture.
Nasubukan mo na bang gumawa ng DIY soap? Kumusta ang inyong experience? I-share mo na ito sa comments section.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments