embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Limang Halamang Mabisang Pantaboy ng Lamok

    Laganap ngayon ang mga sakit na dala ng lamok. Narito ang mga halamang maaari mong itanim sa iyong tahanan upang makatulong protektahan ang iyong pamilya.
    by Jillianne E. Castillo .
Limang Halamang Mabisang Pantaboy ng Lamok
PHOTO BY Pixabay
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Dito sa Pilipinas, madalas nakabanta ang mga sakit na dala ng lamok. Kaya naman palaging humahanap ng paraan ang mga magulang upang siguraduhing walang ano mang uri ng insektong nagdadala ng sakit ang makakapasok sa tahanan. Bukod pa sa mga recommendations ng Department of Health (basahin dito ang kanilang 4s campaign laban sa mosquito-borne diseases), mayroong limang uri ng halaman na mabisang pantaboy ng mga lamok. 

    Limang halaman na pinakamahusay pantaboy ng lamok sa bahay

    Bago ang lahat, tandaan: para sa ilang mga halaman dito sa listahan, ilan sa mga epektibong paraan upang gumana ang kanilang anti-mosquito abilities ay ang pagdurog sa dahon at direktang paglagay sa balat. Siguraduhin mo lamang na magsasagawa ka ng skin test upang matiyak na walang magiging masamang epekto ang mga dahon sa balat ng iyong pamilya, maging sa kanilang kalusugan. Para sa mga halamang may amoy, maaaring itaboy nila ang lamok palayo sa bahay, ngunit hindi ito kasiguraduhang hindi ka malalapitan ng lamok. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Citronella

    “Citronella is by far the most popular plant that repels mosquitoes,” sabi ni Carmen Johnston, isang garden lifestyle expert, sa website na Real Simple. Ayon pa sa kanya, mayroon itong malakas na amoy na madali mong makikilala at karaniwang ginagamit para sa mga mosquito repellent na mabibili sa supermarket o botika. Madaling hanapin ang citronella plants dito sa Pilipinas. Narito ang ilan sa mga garden centers na maaari mong puntahan kung bibili ka ng citronella. 


    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    2. Lemon balm


    Hindi karaniwang lumalaki ang halamang ito dito sa ating bansa, ngunit isa ito sa mga pinakamabisang pantaboy ng lamok ayon sa salaysay ng gardening expert na si Mike McGrath sa isang recorded radio show sa NPR website.  "Lemon balm works best when you strip off the leaves, crush them up and rub them on your exposed skin,” ayon kay McGrath. Para kay mommy Glo de Castro, madali lang patubuin at alagaan sa bahay ang lemon balm. Makikita mo kung paano niya ginagawa ito sa kanyang blog na Urban Gardening Mom.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi mo naman mahanap ang lemon balm, maari mong ipalit ang lemon thyme. “Lemon thyme has been shown to be highly effective when the crushed leaves are rubbed on your skin,” ayon kay McGrath. Sa kabilang banda, maliit na halaman na may maliit na dahon ang lemon thyme kaya kailangan mong magtanim ng marami nito kung gusto mong gamitin ito bilang insect repellent. Ang isa pang upside ng lemon thyme, maganda itong tignan sa hardin kaya sulit ang pagtatanim ng marami.

    3. Basil


    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon kay Daniel Clement, isang nature sciences professor sa Univesrsity of Valencia sa Espanya, mayroong apat na uri ng compounds sa dahon ng basil na siyang dahilan kung bakit epektibo ito sa pagtaboy ng mga lamok.

    Madalas sa paso nakatanim ang basil kaya madali itong ilagay sa mga bahagi ng iyong bahay na madalas daanan ng lamok. Upang mas maging mabisa ito, maaari mong durugin ang ilang dahon para mas lumabas ang amoy nito. Iwan mo ang mga nadurog na dahong ito sa ilang bahagi ng iyong bahay. Bukod sa nakakapag paalis ito ng mga lamok, pinapabango pa nito ang iyong bahay. 

    More from Smart Parenting

    4. Mint


    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang isa pang halaman na mabisa kapag dinudurog ang dahon at ipinapahid sa balat. “[Mint] is a perennial that repels mosquitoes,” sabi ni Peyton Lambton, isang lifestyle expert. Ayon sa kanya, madaling patubuin ang mint at mabilis din itong dumami. Dahil dito, mas makabubuti kung sa paso mo ito itatanim kaysa sa lupa dahil maaari nitong sakupin ang buong hardin. Mas nabubuhay din ito sa loob ng bahay kaya mabisa itong ilagay sa mga sulok na laging may lamok. 

     

    5. Rosemary


    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi lamang lamok and itinataboy ng halamang ito. Sabi ni Jim Duthie sa isang article para sa USA Today, naitataboy din ng rosemary ang mga langaw. "It does well in hot, dry weather and thrives in containers, so you can set it in various places around the garden,” ayon pa kay Duthie. Madali ring maghanap ng halamang rosemary. Bukod sa pagiging mabisang mosquito repellent, maaari din itong ihalo sa iyong mga recipes. Kung gusto mo pang matutunan ang pagtatanim ng rosemary, maaari mong bisitahing muli ang guide ni mommy Glo de Castro

    Laging tandaan, bagaman kilala ang mga halamang ito bilang mabisang mosquito repellents, ang pinaka mabisang paraan pa rin upang maproteksyonan ang iyong pamilya laban sa mga kagat ng lamok ay ang pagpahid ng mosquito repellent at pagtanggal ng mga stagnant water.

    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles