embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Toy Storage Solutions Mula P89 Hanggang P4,000

    Paano nga ba maiiwasang pakalat-kalat ang mga laruan ng mga bata?
    by Ana Gonzales .
Toy Storage Solutions Mula P89 Hanggang P4,000
PHOTO BY iStock
  • Sabi nila, kapag nagkaroon ka na raw ng anak, makakaasa kang magiging makalat ang inyong bahay. Bukod kasi sa magiging challenging na ang pagliligpit, nariyan din ang dami ng gamit ng iyong anak—lalong-lalo na kung maraming kamag-anak na nagreregalo o nagbibigay.

    Isa nga sa mga pinaka-challenging na iligpit ay ang mga laruan ng mga bata. Kapag kasi nagsimula na silang maglaro, magmumukha talagang dinaanan ng malakas na hangin ang loob ng bahay ninyo.

    More from Smart Parenting

    Kaya naman para hindi ka na mahirapang magligpit, magandang mayroon kang dedicated storage para sa lahat ng laruan ng iyong anak. Makakatulong ito, hindi lang para mapanatiling masinop ang inyong bahay, kundi para na rin maturuan ang anak mo ng kahalagahan ng pagliligpit ng mga laruang hindi na niya gagamitin. 

    Narito ang ilan sa mga storage solutions na pwede mong bilhin sa Lazada ano man ang budget mo.

    Hanging storage organizer, Php89

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung maliliit at malalambot lang naman ang mga laruan ng mga anak mo, hindi mo na ito kailangang ikahon. Pwede kang bumili ng hanging storage organizer na gawa sa net. Bukod sa magaan ito, mas makakatipid ka rin ng space kung nakasabit ang iyong storage kaysa nakababa sa sahig.

    Maganda rin ito dahil pwede mo itong tiklupin kung hindi mo ito gagamitin. Isa rin ito sa mga pinakamurang options na mahahanap mo online.

    More from Smart Parenting

    Foldable storage chair box, Php199

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming ganitong klase ang mabibili mo online o di naman kaya ay sa Divisoria at Baclaran. Maganda ang mga ganito kung gusto mo ng multi-purpose storage containers—storage na, upuan pa. Maraming disenyo ka ring pagpipilian kaya sigurado kang mayroong babagay sa design ng bahay ninyo.

    Linen storage box, Php737

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Medyo mas sophisticated naman ang itsura ng storage box na ito—perfect kung ang mga 

    furniture mo sa sala o sa kwarto ay leather. Bagay ang mga ganito sa pamilyang kaunti lang ang laruan na kailangang itago.

    More from Smart Parenting

    Foldable storage box, Php1,132

    PHOTO BY Lazada

    Mas malaki ng bahagya ang kahon na ito, pero tulad ng naunang foldable box, pwedeng-pwede ito kung konti lang ang laruang ilalagay mo at maliit lang ang space na mayroon sa bahay ninyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Organono Eco-Friendly Multipurpose Rack, Php1,245 

    PHOTO BY Lazada

    Kung mas malaking storage solution o bookshelf naman ang hanap mo, magandang choice ang Organono rack na ito. Bukod kasi sa multipurpose na, eco-friendly, non-toxic, at waterproof din ito.

    More from Smart Parenting

    Happy Kiddos Toddler Shelf, Php2,000

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magandang choice din ang shelves, lalo na kung ayaw mo na nakasara ang lalagyan ng laruan ng mga anak mo. Montessori-inspired learning din kung ang storage mo ay nakabukas na katulad nito. Wala itong harmful chemicals tulad ng pintura. Bilog din ang mga gilid kaya sigurado kang ligtas para sa mga bata.

    Bear Toy Storage with Book Rack, Php2,000

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami-rami ba ang mga laruan ni baby pero limited ang space sa bahay? Bagay sa iyo ang 2-layer storage rack na ito. Mayroon din itong removable trays na pwede mong alisin at ilapit sa iyong mga anak kapag oras na ng ligpitan.

    Kung willing ka namang gumastos ng karagdagang Php500, pwede mong bilhin ang mas malapad na Bear Storage na ito.

    More from Smart Parenting

    3-Layer White Toy Storage with Cabinet and Book Rack, Php3,700 

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang maganda sa storage na ito, hindi lang laruan ang pwede mong i-store dito. Sa katunayan, pwede ang mga libro sa loob ng cabinet at mga toiletries ni baby sa shelf—depende na lang sa iyong pangangailangan. 

    Mayroon itong tatlong malalaking bins at anim na maliliit na bins kaya siguradong hindi ka mauubusan ng paglalagyan.

    Ruyiyu Kids Toy Organizer and Storage Bins, Php4,725 

    PHOTO BY Lazada
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung naghahanap ka naman ng toy organizer na simple ngunit matibay, bagay sayo ito. May kamahalan nga lang dahil gawa ang frame nito sa steel pipe. Mayroon din itong gulong kaya madali lang ilipat-lipat kung maglilinis ka man ng bahay.

    More from Smart Parenting

    Anong toy storage ang ginagamit ninyo sa bahay? Paano mo sinisigurong hindi nakakalat ang mga laruan ng mga anak mo? Ibahagi mo na iyan sa comments section o di kaya ay i-share sa mga kapwa mo nanay sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles