embed embed2
  • Tried And Tested Housekeeping Hacks Atbp. Mula Sa Mga Nanay

    Mula sa paglilinis ng bahay hanggang sa mga simple pero masarap na recipes.
    by Ana Gonzales .
Tried And Tested Housekeeping Hacks Atbp. Mula Sa Mga Nanay
PHOTO BY iStock
  • Aminin man natin o hindi, kapag mayroon tayong mga hindi alam gawin, isa sa mga unang tinatawagan natin ay ang ating mga nanay. Madalas kasi, may solusyon sila sa mga problema—mantsa man 'yan sa damit na hindi matanggal o ulam na nasobrahan mo sa alat.

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, madalas magbahagi ang mga nanay ng mga tried and tested tips nila. Narito ang ilan sa mga paborito namin:

    Kitchen hacks

    1. Two recipes in one! 

    Kwento ni mommy Kriselle Lopez, para makatipid sa cooking time, nagluluto siya ng dalawang kilong pork adobo. Itatabi niya ang kalahati para sa susunod na araw. Dadagdagan niya lang ito ng tomato sauce, patatas, bell pepper at carrot—instant Asado!

    2. Freeze your peppers

    Kay mommy Chel Magno naman, inilalagay niya sa freezer ang kanilang siling labuyo, siling haba, at bell pepper para mas mahaba ang buhay nito. Madali nga naman itong masira kung nasa lalagyan lang ito ng gulay. Kung madalas kayong mamalengke, pwedeng hindi mo na i-freeze ang inyong peppers. Ngunit kung kada dalawang linggo ang pamamalengke ninyo, makakatulong kung ang tip na ito ni mommy Chel.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Isabay sa pagluluto ng rice and pag-steam ng gulay

    Makakatipid naman kayo ng gas at kuryente sa tip na ito ni mommy Alyssa Regis. isinasabay na kasi niya sa pagluluto ng kanin ang paglalaga niya ng itlog at pag-steam niya ng gulay. Siguraduhin mo lang na lilinisin mong mabuti ang itlog at gulay para hindi ito makaapekto sa lasa ng kanin na niluluto mo.

    4. Pwede ring i-freeze ang soups

    Isa pang paraan para makatipid ng cooking time, gas, at effort ay kung magluluto ka ng soups in batches katulad ng ginagawa ni Marie Aleiah. Ayon sa kanya, inilalagay niya sa individual containers ang kanyang veggie soups para iiinit na lang per serving kapag kailangan.

    More from Smart Parenting

    Cleaning hacks

    1. Pwedeng pang-mop ang suka + water

    Kwento ng isang nanay sa Village, sa dalawang tabo ng tubig, pwede kang maglagay ng 1 1/2 cup ng suka. Pwede mo na itong ipampunas ng mga lamesa at iba pang maalikabok na bagay sa bahay ninyo. Pwede rin itong gamiting panlampaso

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Toothpase para sa sapatos

    Alam mo ba na pwede mong gamiting panlinis ng puting sapatos ang toothpaste? Gamit ang lumang toothbrush, pwede mong alisin ang mga maliliit na dumi sa sapatos mo o ng mga anak mo nang hindi na nilalabhan ang buong sapatos.

    3. Magtalaga ng space para sa lahat ng bagay sa bahay

    Ayon sa mga nanay sa Village, para mas madaling linisin ang bahay, mayroon silang strict house rule na sinusunod. Halimbawa, ang pagkain ay limited lamang sa kusina at dining area. Ang mga sapatos ay hanggang sa labas lang at dapat ay araw-araw ang paglilinis at pagwawalis.

    More from Smart Parenting

    4. Gumamit ng kape para bumango ang bahay

    Kung madalas kayong uminom ng kape sa bahay, pwede ninyong i-reuse ang inyong coffee grounds para mas bumango ang inyong bahay. Ilagay lang ito sa mga maaayos na lalagyan at iwan sa mga bahagi ng bahay na hindi maganda ang amoy. Tulad ng baking soda, i-aabsorb nito ang hindi magandang amoy sa bahay ninyo—bonus na lang na para kayong nasa loob ng mga mamahaling coffeeshop!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Budgeting hacks

    1. Sa apps na magbayad ng bills

    May mga apps na ngayon ang mga service providers tulad ng Meralco kaya naman mas madali nang magbayad ng bills ngayon. Nariyan din ang G-Cash, PayMaya at iba pang mga apps na malaking maitutulong sa iyo para masigurong wala kang bills na nakakalimutan.

    2. Handy ang auto-debit

    Ayon sa mga magulang sa Village, ginagamit nila ang auto-debit para sa kanilang mga bills para hindi na nila kailangan pang gumamit ng apps o pumunta sa mga bayad centers. 

    3. I-maximize ang mga cashback at discount apps

    May mga nanay sa bahay na gumagamit ng cashback apps tulang ng Shopback at Snapcart sa mga pinapamili nila. Marami pang mga reward programs at discount apps na pwede mong i-maximize para makamura sa mga pagkakataong kumakain kayo sa labas ng iyong pamilya.

    More from Smart Parenting

    Ilan lamang ito sa mga ginagawa ng mga nanay para mas mapadali ang mga buhay nila lalo na pagdating sa paglilinis ng bahay, pag-bubudget ng pera, at pag-aalaga sa mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? Anong housekeeping tips and tricks ang subok niyo na? I-share lang sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles