embed embed2
  • 5 Tanda Na Isa Ka Nang Mature Na Asawa At Nanay

    Nag-level up na ba ang isip (at puso) mo bilang isang ina at asawa?
    by Ana Gonzales .
5 Tanda Na Isa Ka Nang Mature Na Asawa At Nanay
PHOTO BY iStock
  • Hindi maikakailang ang maturity ay dumarating kaakibat ng sapat na panahon at experience. Sa kombinasyong ng dalawang ito mahuhulma ang iyong pagkatao bilang isang ina at asawa—mas marami kang pagdaraanan, mas marami kang matututunan.

    Naging inspirasyon namin sa pagsulat nito ang mga experiences ni mommy Jhen Bechayda-Ricafuente. Ibinahagi niya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang ilan sa mga 'signs' na na-realize niyang isa na siyang mature na ina at asawa. 

    Narito ang ilan sa mga tanda na ito, base sa kanyang mga experiences. Dinagdagan din namin ito ng ilang mga bagay na natutunan namin base naman sa experiences ng iba pang mga nanay.

    What other parents are reading

    Hindi ka na mabilis magalit

    Mature ka na kapag hindi mo na inaaway si mister tungkol sa maraming bagay—kalimitan ay dahil nasanay ka na o 'di kaya ay natutunan mo nang hindi productive (at mapapagod ka lang) kung magagalit ka. 

    Ginawang example ni mommy Jhen ang mga panahong nagagalit tayo kay mister kapag natutulog siya habang tayo’y puyat na puyat sa pag-aalaga ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa ibang mga nanay, maturity para sa kanila kapag hindi ka na nagagalit dahil sa mga gawaing bahay na nakakalimutang gawin o hindi nagagawa ng tama ni mister. Hindi ka na rin mabilis magalit tungkol sa mga bagay na pwede namang solusyonan agad tulad ng mga lat na nabayarang bills at iba pa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Hindi ka na rin masyadong emosyonal

    Sabi nga ni mommy Jhen, kung dati ay iiyak ka agad na parang batang inagawan ng tinapay, ngayon ay mapapabuntong hininga ka na lang ano man ang mangyari. Kabilang kasi sa maturity ang paghahanap muna ng solusyon bago pa man ang iba pang bagay.

    Hindi ka na rin agad na matatalo ng iyong mga emosyon, maging takot man 'yan, pagod, o iba pa.

    Hindi ka na 'putak nang putak'

    Kaakibat ng pagiging mature ang mabisang pagpili ng iyong mga laban o 'yung tinatawag sa ingles na 'choosing your battles'. Kapag mature ka na, alam mo na hindi lahat ng laban ay dapat mong salihan at alam mong hindi laging kailangan ang opinyon mo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katulad ng dalawang naunang signs of maturity, hinihintay mo nang humupa ang galit mo para hindi ka na makapagbitaw pa ng kung anu-anong masasakit na salita.

    What other parents are reading

    Hindi ka na masyadong babad sa social media

    Wala namang masama kung madalas kang mag Facebook at Instagram, lalo na kung source mo ito ng good vibes. Ang kaibahan lang, kung noon ay wala kang pinipili pagdating sa mga content na inilalagay mo online, ngayon ay limitado na lamang ito.

    Hindi mo na rin pinapatulan ang lahat ng nakikita mo sa social media

    What other parents are reading

    Hindi mo na ikinukumpara ang sarili mo sa iba

    Kung noon ay madalas kang nakatingin sa achievements ng iba, ngayon ay mas focused ka na sa sarili mong goals at tagumpay. Kung dati ay nakikipagkumpitensya ka pa sa iba pagdating sa pagiging nanay at asawa, ngayon ay kaya mo nang i-celebrate ang ibang tao at kaya mo na ring maging masaya para sa iba nang hindi nakakaramdam ng inggit. Hindi mo na kailangang patunayan ang sarili mo sa iba. Lahat kasi ng validation na kailangan mo ay naibibigay na sa iyo ng iyong pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento nga ni mommy Jhen, matured ka na as a parent kapag masaya ka bilang isang ina o kung ano man ang ginagawa mo para sa pamilya mo. "Iyong wala kang pakialam sa achievements ng iba dahil kuntento ka kung anong mayroon ka," paliwanag niya.

    What other parents are reading

    Ikaw, anu-anong mga signs of maturity para sa iyo? Alin sa mga ito ang nakita mo na sa sarili mo? I-share mo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles