embed embed2
  • Regalo Ni Hubby Para Sa Asawang Mahilig Mag-Online Shopping: Amazon Birthday Cake

    Talagang espesyal ang naging kaarawan ni Emily dahil dito
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Maituturing na isang supportive na asawa si Mac McGuire dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa kanyang misis sa birthday nito noong July 20, 2019.

    Imbes na isang karaniwang cake ang kanyang iregalo, pinagtuunan niya ng panahon kung paano niya magagawang mas espesyal ang araw na ito para sa kabiyak. At heto na ang naging resulta:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil alam ni Mac na mahilig mag-online shopping at madalas mag-order sa kilalang online retailer na Amazon ang asawang si Emily, na isang photographer, naisip niyang magpa-customize ng birthday cake na ganito ang tema sa Sweet Dreams Bakery of Dunn sa North Carolina.

    “When you order a lot from Amazon..you get an Amazon box cake. .” ang caption ni Emily sa litrato ng cake na pinost niya sa Instagram. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang cake ay mayroong tatlong layers ng chocolate chiffon, at ginamitan ng fondant icing para ma-achieve ang disenyong shipping box ng Amazon. 

    Para maging makatotohanan, mayroon itong label (na naka-address kay Emily) at packing tape ng Amazon. Mayroon ding sulat kamay ng salitang “Happy Birthday.”

    Ayon sa Sweet Dreams Bakery, lahat ng bahagi ng cake ay edible, pati ang tape at label. Maari din daw silang gumawa ng gluten-free version nito para sa mga may special diet.

    “It was delicious! Thank you so much!” ang comment ni Emily sa post ng Sweet Dreams Bakery sa Facebook tungkol sa cake. 

    Ginamit din niya ang hashtag na #hubbydidgood sa kanyang Instagram post. Napaka-thoughtful naman talaga ng kanyang asawa! (Para mapanatiling happy si misis, heto ang tips ng mga mister!)

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles