Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Huwag Asamin na Maging Valedictorian, Sabi ng Summa Cum Laude na Ito

    Hindi grades ang nag-udyok sa summa cum laude na ito para magtagumpay.
    by Lei Dimarucut-Sison .
Huwag Asamin na Maging Valedictorian, Sabi ng Summa Cum Laude na Ito
PHOTO BY courtesy of Enderun Colleges
  • Taun-taon, marami ang mga estudyanteng nagtatapos nang may karangalan sa Enderun Colleges, pero iisa lamang ang valedictorian na siyang magbibigay ng graduation speech. Maaring maging valedictorian ang kahit sino sa mga magtatapos na cum laude, at ang panel ang siyang magpapasya kung sino ang bibigyan ng katangalang ito.

    Noong 2018, ang valedictorian address ay ibinigay ni Bea Gonzales, na nagtamo ng karangalang summa cum laude sa kanilang batch. Masasabing karapat-dapat ang pagkakapili sa kanya kapag inyong nabasa ang kanyang speech at kwento. 

    Bilang isang tutor sa college, tinawag ni Bea ang kanyang graduation speech na huling “tutorial session.” Aniya, “Today’s lesson will be about why you shouldn’t aim to be valedictorian.” (Ang lesson ngayon ay tungkol sa kung bakit hindi ninyo dapat asamin na maging valedictorian.)

    Noong bata pa si Bea, pangarap daw niyang maging valedictorian, summa cum laude, at maging matagumpay na doktor o astronaut. Sabi niya sa kanyang speech, “I wanted to be great.” (Gusto kong maging dakila.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang siya'y lumalaki, napag-isip-isip ni Bea na hindi sapat ang maging valedictorian na ayon lamang sa pakahulugan nito sa libro. “People think that the valedictorian is someone PERFECT — top grades, pleasant conduct, and Kate Middleton hair. But why aim for perfection, when you can instead aim to serve as an inspiration?” (Ang akala ng mga tao, ang isang valedictorian ay PERPEKTO — matataas ang grado, magiliw, at sing-ganda ni Kate Middleton. Pero bakit mo aasaming maging perpekto, kung maari ka namang maging inspirasyon?)

    Dito inilahad ni Bea ang kwento ng kanyang buhay sa kanyang graduating class, sa layon niyang makapagbigay ng inspirasyon. “I am standing in front of you with shaking knees and waterproof mascara admitting that I am mentally ill and sharing my story. Because I hope to inspire you to overcome your own challenges, learn from life, and be brave enough to share yours too...I fell and got hurt on impact. But today, I want to use that hurt to create an impact.” (Nandito ako ngayon sa inyong harapan, nanginginig sa kaba, at nagsasabing ako ay may karamdaman sa utak. Gusto kong makita ninyo na kaya rin ninyong mapagtagumpayan ang mga hadlang, matuto sa buhay, at ikwento ang inyong istorya nang walang takot. Ndapa ako at nasaktan, pero gusto kong gamitin ang sakit na ito para kayo ay tulungan.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Na-diagnose ng depression si Bea noong siya ay 14 taong gulang pa lamang, “generalized anxiety” noong siya ay 17, at ng “bipolar disorder” noong siya ay 19. Kwento ng 22-anyos sa SmartParenting.com.ph sa isang phone interview, “When I was off from school, I was 20 years old then, everything was hard. It came to a point where I wasn’t eating, getting out of bed or talking — I wasn’t talking at all and that went on for, I don’t know how long, I don’t even remember.” (Noong 20 anyos ako, hirap na hirap ako. Dumating sa punto na hindi na ako kumakain, at hindi na rin ako bumabangon sa kama o nakikipag-usap sa iba. Hindi ko na maalala kung gaano iyon nagtagal.)

    “It felt like I was in a catatonic state, I couldn’t really feel anything. It took a toll on my parents and my older brother, Anton, because they were the ones in the house, they were the ones dealing with me, and they saw me like that. I think it hurt them more than it hurt me. I could see how hard they were trying to get me out of that. I was just unresponsive — that was the hardest part I think.” (Wala na noon akong maramdaman. Naapektuhan nang labis ang aking mga magulang at ang aking Kuya Anton dahil sila ang kasama ko sa bahay at nakikita nila ang aking kalagayan. Sa palagay ko ay mas nasasaktan pa sila kaysa sa akin. Nakita ko kung gaano nila sinubukang tulungan ako. Ngunit wala lang talaga akong reaksyon, at iyon ang pinakamahirap, sa palagay ko.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para maalagaan siya, nag-leave nang isang taon sa kanyang trabaho bilang accountant ang nanay ni Bea na si Jo, habang siya naman ay hindi pumasok ng isang semester.Ginawa ni Jo, na itinuturing ni Bea na kanya ring matalik na kaibigan, ang lahat para siya ay gumaling. “She really helped me get better. She brought me to therapy, we spent time together, and we even went to yoga classes. She wanted to make sure that I knew there was someone there for me.” (Inalalayan niya ako. Sinamahan niya ako pati sa therapy session at sa yoga class. Gusto niyang malaman ko na mayroon ako laging kadamay.)

    Sabi pa ni Bea, “I tell her everything. I can’t imagine going one day without talking to her. For my mom, I admire her bravery — she’s a go-getter. She won’t take no for an answer, that’s her whole thing.” (Sinasabi ko lahat sa nanay ko, at kay hirap isipin kung paano ang buhay ko kung hindi. Hinahangaan ko ang aking nanay sa kanyang katapangan. Hindi niya hahayaang hindi niya makuha ang kanyang gusto.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    “I am here today, not as the highest achiever, not as a star athlete, nor a Dean’s Lister. I am here as an Enderun student urging you all to scrap your idea of a valedictorian.” (Nandito ako ngayon hindi bilang highest achiever, o star athlete, o Dean’s Lister. Nandito ako bilang isang estudyante ng Enderun, at inuudyok kayo na kalimutan ang konsepto ninyo ng isang valedictorian.)

    Dahil sa pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng kanyang pamilya, sinuklian niya ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti. “When I was in grade school, my goal was to be in the Top 3 of the batch because when you’re in the Top 3, you get a discount from your tuition fee. And I wanted to give that as a gift to my parents because I couldn’t really afford to give them anything. So, I wanted to give them that at least.” (Nung nasa grade school ako, ang goal ko ay makapasok sa Top 3 ng batch dahil mayroong discount sa tuition fee ang nasa Top 3. Gusto kong ibigay iyon sa mga magulang ko dahil wala naman akong maaring ibigay sa kanila na iba.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa apat na taon ni Bea sa kolehiyo, nanatili siyang scholar. Ibig sabihin, bukod sa grade point average na 1.75 na kailangan nyang mapanatili, dapat din siyang gumugol ng 120 na oras bawat semester bilang tutor sa kanyang kapwa estudyante sa ilalim ng programa ng Academic Success Center.

    Bea with her family: dad Joey, mom Jo, and older brother Anton.
    PHOTO BY courtesy of Bea Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong una, ang pagtu-tutor ay isang bagay na kailangan lamang niyang gawin bilang bahagi ng kanyang scholarship, pero nang lumaon, naging malapit na ito sa kanyang puso. Ang tutoring session at maating tumagal nang hanggang anim na oras, at ilan sa mga tinuturuan ni Bea ay ni hindi parte ng tutoring program, pero tinulungan pa rin niya. Makita lamang niyang pumapasa ang kanyang mga tinuturuan ay sapat na para kay Bea na patuloy na tumulong sa ibang estudyante. Bilang pasasalamat kay Bea, minsan ay inililibre siya ng kanyang mga estudyante na kumain sa fastfood.

    “They just asked me for help because they really wanted to learn. I could really see their drive to learn. And they never ever forgot to say ‘Thank you,’ and that really meant a lot to me.” (Humingi sila ng tulong dahil gusto nilang matuto. Nakikita ko talaga ang kanilang kagustuhang matuto. Hindi rin nila nakakalimutang magpasalamat, at napakalaking bagay na noon sa akin.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pagtulong nang hindi umaasa ng kapalit ay isang bagay na minana ni Bea sa kanyang amang si Joey, isang abogado. “My dad is my superhero and my role model. He grew up on the streets, literally on the side of the railroad [tracks]. He grew up without a dad, and he worked his way through school. He earned scholarships and was able to graduate law school. He even went to Harvard. He’s my idol.” (Ang dad ko ang aking superhero at role model. Lumaki siya sa lansangan, sa gilid ng riles. Lumaki siyang walang ama, at nagsikap siyang magtrabaho para makapag-aral. Nakakuha siya ng scholarship at nakatapos ng abogasya. Nag-aral din siya sa Harvard. Siya ang aking idol.)

    More from Smart Parenting

    Sabi pa ni Bea, “He didn’t come from a very well-off family, so all of our relatives who have financial issues, they go to him. He gives legal advice for free especially to those who can’t pay him anything.” Hindi mayaman ang pamilya ng aking ama, kaya siya ang nagiging takbuhan ng mga kamag-anak naming may problema sa pera. Nagbibigay siya ng legal advice nang walang bayad, lalo na sa mga kapos-palad.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Actually, a lot of people go to the house bringing vegetables or fruits. Kasi sabi nila, ‘Kahit ito man lang, Attorney, i-accept mo naman.’ He’s that kind of person. If you need help, he’ll help you without expecting anything in return.” (Madami sa mga taong ito ang pumupunta ng bahay na may dalang gulay o prutas. Kasi sabi nila, ‘Kahit ito man lang, Attorney, i-accept mo naman.’ Ganoon siyang klase ng tao — tumutulong kahit walang kabayaran.)

    Ito siguro ang dahilan kaya sinabi ni Bea sa kanyang kapwa estudyante, “Let us smile at people on the street, ask how our friends are doing, and give gifts just because…Let us be kind and let us make an impact.” (Huwag tayong mag-atubiling magbigay ng ngiti sa ibang tao, kumustahin ang ating mga kaibigan, at magbigay ng ating sarili kung kailangan. Maging mabuting tao tayo at tumulong sa iba.)

     

    Bea, with her friends on graduation day, is working on starting a consulting firm.
    PHOTO BY courtesy of Bea Gonzales
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Bea, ang pag-a-apply niya bilang valedictorian ay bunsod ng mga taong nakapaligid sa kanya, at simbolo ng pagmamahal na nagdala sa kanya sa tagumpay. “The people behind my success — my parents and my tutees — they were the ones who were pushing me to go up for that award. So when I presented it, I didn’t present my achievements. I presented theirs. They deserve that award, I wanted to celebrate them. (Ang mga tmagulang ko at mga tinuturuan ko ang nagtulak sa akin para makuha ang award na ito. Ito ay simbolo hindi ng aking tagumpay, kundi ng tagumpay nila. Gusto ko itong ialay sa kanila.) 

    “A part of it is also, of course, a personal desire to get better. I think it’s impossible to make it through hardships without that desire within yourself to move forward. But really I think it’s the support of my family and my friends. I couldn’t have done it alone. I wouldn’t be here if I were alone.” (Bahagi rin nito ang kagustuhan kong mapagbuti ang aking sarili, na siyang nagpalakas sa akin sa gitna ng pagsubok. Dahil sa suporta ng aking pamilya at mga kaibigan kaya ako nandito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “People will forget your grades two or three years from now, but they’ll never forget your kindness. If you were the person who always said ‘Hi’ to Kuya Guard, Kuya Guard would never forget you. And, I think that matters a lot more than what reflects on your report card.” (Malilimutan ng mga tao ang iyong grado pagdaan ng ilang taon, pero hindi nila makakalimutan ang kabaitang inyong ipinakita sa kanila. At sa palagay ko, mas mahalaga iyon kaysa sa nakasulat na grado sa iyong report card.)

    Bea, with her friends above, says in her graduating speech, “I hope you don’t aim to be perfect. Instead, I hope you aim to inspire, to be kind, and to spread greatness and lift each other up.”
    PHOTO BY courtesy of Bea Gonzales; photo by Tino Ley
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag ni Bea, “What really makes me the happiest are the people around me. I genuinely love going to school, not just because of the lessons, I mean I love learning, but I love my professors and my friends. They’re just people that I really love and they make me happy.” (Ang tunay na nakakapagpasaya sa akin ay ang mga tao sa paligid ko. Masaya akong pumapasok sa eskwela hindi lamang dahil gusto kong matuto, kundi dahil mahal ko rin ang aking mga professor at kaibigan. Napapasaya nila ako.)

    Ang pinakamaimportante sa kanyang mga naabot ay ito: “I’m just proud that I’m alive — that I didn’t fall into that dark, dark place that I can’t get out of anymore. And then now, I actually have the chance to help others who might be in the same place I was. If I can save at least one life, that’s more than enough for me.” (Ako ay proud na ako ay nananatiling buhay at hindi ako nilamon ng kalungkutan. At ngayon, nakakatulong pa ako sa mga taong mayroon ding pinagdadaanan. Kung makakapagligtas ako ng isa man lamang na buhay, iyon ay higit pa sa sapat.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ikaw ay may nararamdamang matinding lungkot at pangamba sa sarili, narito ang maaaring mong tawagan:

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa

    Why You Shouldn't Aim to Be Valedictorian,' Summa Cum Laude Tells Her Classmates

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles