-
7 Kwento Ng Good Deeds Ng COVID Heroes: Walang Maliit O Malaking Tulong
by Lei Dimarucut-Sison .
- Shares
- Comments

Kapag may mga nangyayaring hindi kanais-nais sa ating paligid, gaya ng COVID-19 pandemic ngayon, hindi maiiwasang makaramdam tayo ng kalungkutan o minsan, kawalan ng pag-asa. Natural itong reaksyon.
Pero tayong mga Pinoy ay may kakaibang kakayahan, at iyan ay ang makita ang "silver lining" sa kabila ng malulungkot na pangyayari.
Sunod-sunod man ang hindi kanais-nais na balita, ang mabubuting gawa ng ating mga kapwa Pilipino na ating nasaksihan nitong mga nagdaang linggo ay talaga namang nakakapagbigay pag-asa.
Heto ang ilan sa kanila:
Libreng sakay sa tricycle
Nasakyan ng Facebook user na si Rai Carl noong March 18 ang tricycle na minamaneho ni Facebook user Gnuhc Bacunin, na nagbibigay ng libreng sakay sa mga health workers at sa bibili ng pagkain o gamot sa Buting, Pasig City.
"Maggo-grocery po kaming mag-asawa, halos isang oras na kami naglalakad. Siya lang mag-isa ang nandun sa initan na nag-aabang para magbigay ng libreng sakay sa mga tao," sabi ni Rai sa SmartParenting.com.ph. Malaki ang pasasalamat niya kay Mr. Bacunin dahil sa panahon na suspendido ang public transport, kusang-loob itong nagbigay ng tulong — at tumanggi pang tumanggap ng bayad. Ayon kay Rai, "Kahit anong abot namin ng bayad, hindi nya tinanggap. Salamat sa iyong kawanggawa kuya Gnuhc Bacunin. Mabuhay ka!"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSyrian na may pusong Pinoy
Dahil sa mga pangyayari, kinailangan munang itigil ng YOLO Bubble Milktea & Retro Diner ang kanilang operasyon para sa kapakanan ng kanilang mga empleyado. Pero bago pinauwi ni Basel, ang may-ari ng YOLO, ang kanyang mga empleyado, pinabaunan muna niya ang mga ito ng groceries. Si Basel ay isang Syrian na dito na sa Pilipinas naninirahan.
Sabi niya, "You can have the best strategy and the best business in the world, but if you don’t have the hearts and minds of the people who work with you, none of it comes to life."
Libreng taho para sa mga bantay sa checkpoint
Sa boundary ng Valenzuela-Meycauayan, noong March 20, hindi na inalala ng taho vendor na si Mang Boyong ang kikitain sa araw na iyon. Sa halip, kusang-loob niyang ipinamigay nang walang bayad ang taho sa mga nagbabantay ng checkpoint.
Ayon sa post ng News5 correspondent na si Hannibal Talete, na nakausap si Mang Boyong, gusto lang nitong makatulong sa kapwa tao.
CONTINUE READING BELOWwatch now"Mahirap daw kasi magpuyat kaya kahit papaano ay makakatulong ang taho na makabawi ng lakas ang mga magdamag na nagbabantay sa checkpoint."
Restaurant ginawang shelter for the homeless
Noong March 19, ipinaalam ng popsicle shop na Popburri sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na magsasara muna ang kanilang restaurant para magamit ito ng mga walang matutuluyan sa panahon ng COVID-19.
"In the midst of the Covid-19 we have transformed our store into a homeless shelter," sabi dito. Ang Popburri ay nasa K-8th Street, Kamias, Quezon City.
"The shelter will be open daily from 6pm-6am every evening until April 12. Dinner will be served at 6:30pm, and we will do our best to handle medical needs with the support of our East Kamias barangay teams.
"You are welcome to serve and bring food for our community during this time, or bring an old mattress, pillow, or bedsheet which we really need. (PPE equipment is very limited so kindly bring your own mask.) We may be small, but we serve a BIG God...let’s be instruments for Him together!"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMapagkalingang landlady
Ikinwento ni Facebook user Ryoko Montreal sa News5 ang kabutihan ng kanyang landlady sa tinutuluyan niyang apartment sa Meycauayan, Bulacan.
Bukod sa hindi na naningil ng renta si Aling Preciosa Arroza sa mga tenants niya sa paupahan, binigyan pa niya ang bawat unit ng perang pandagdag sa kanilang pondo sa gitna ng community quarantine.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGrab driver nagbigay ng libreng sakay mula Pangasinan
Sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon at pahirapan ang pagbiyahe, nagpasya ang Grab driver na si Michael Punzalan na gamitin ang sasakyan niya para bigyan ng libreng sakay ang mga walang masakyan. Bumiyahe ito mula Lingayen, Pangasinan at binigyan ng libreng sakay ang mga nakikita niyang naglalakad. Ayon sa tweet ni Facebook user Eric Cabahug, doon lang sa sasakyan nagpapahinga si Michael sa ilang araw niyang pagbiyahe.
Licensed chemist, gumawa at namigay ng libreng alcohol
Dahil nagkakaubusan na ng alcohol sa mga botika at supermarket bunsod ng COVID-19, isang licensed chemist ang nagpasyang tumulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagtimpla ng 70% ethyl alcohol at ipamigay ito nang libre.
Sabi ni Meg Reyes-Sy ng Quezon City sa kanyang post, "I am honestly heartbroken as to how selfish other people could be. I’ve been seeing posts about those people WHO ACTUALLY NEED ALCOHOL and couldn’t [buy] them anymore because it’s out-of-stock in groceries."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMahalagang pakiusap ni Meg, huwag basta-basta mag-DIY gamit ang mga chemicals kung walang proper training para dito, dahil maaring makasama ito sa inyo kung magkakamali ng timpla.
Nagbigay ng guidelines si Meg kung paano maaring makakuha nitong libreng alcohol, pero ang bilin niya sa mga makikinabang, huwag kalimutang gumawa din ng kabutihan para sa iba.
"THIS IS THE MOST IMPORTANT THING OF ALL: I want you to pay this forward to any person who would need your help in any way. May it be an old lady crossing the street or a mom holding a lot of groceries. JUST DO ONE ACT OF RANDOM KINDNESS. I don’t need proof! I want you to do it from the heart!"
What other parents are reading

- Shares
- Comments