embed embed2
  • 'Literal Na Blood, Sweat, And Tears,' 2 Anak Ng Janitor, Graduate Na Cum Laude Sa Ateneo

    Blood, sweat, and tears ang puhunan.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph . Published Jul 8, 2023
'Literal Na Blood, Sweat, And Tears,' 2 Anak Ng Janitor, Graduate Na Cum Laude Sa Ateneo
PHOTO BY COURTESY OF RICA GUTIERREZ, RIEL GUTIERREZ
  • Inspiring ang kuwento ng mag-asawang janitor sa Ateneo de Manila University dahil napagtapos nila sa kilalang unibersidad ang dalawang anak with flying colors.

    Proud parents sina Ricky at Elma Gutierrez dahil parehong naging cum laude ang mga anak nilang sina Rica at Riel sa Ateneo.

    Si Rica ay nagtapos ng AB Management Economics minor in Korean Studies nitong 2023.

    Ang panganay na si Riel ay nagtapos ng AB Psychology minor in Education noong 2019.

    May impact ang post ni Riel noong June 30, 2023 tungkol sa success story.

    Sabi niya (published as is), “2 CUM LAUDE, 2 JANITOR, 1 ATENEO

    “Kinikilabutan ako tuwing sasabihin sa iba na ang magulang ko na simpleng janitor ng Ateneo ay nakapagpatapos ng mga anak nila sa kolehiyo.

    “Hindi lang basta nagsipagtapos, meron pang kakabit na latin honors.

    “Sa lahat ng silid-aralan, sa lahat ng kubeta, sa lahat ng faculty room, sa lahat ng dorm rooms na nilinis ng mga magulang ko, ito na ang naging bunga.

    “Literal na blood, sweat, and tears.

    “Kaya ang tagumpay ni Rica Gutierrez ay sanlibong tagumpay nina Ricky Azares Gutierrez at Elma Gutierrez. SALUDO!”

    READ ALSO: How This Mom Of Two Became The First-Ever Summa Cum Laude Of UP Clark

    Excelling in education

    Ikinuwento ni Riel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na salat man sila sa yaman, hindi naging sagabal ito sa kanilang performance sa school.

    Si Riel ay homegrown student ng Ateneo—mula preparatory hanggang college.

    Aniya sa PEP.ph, “Ever since I was young, I saw how rich and influential most of my classmates are.

    “They had resources I did not have. They had materials and gadget I do not have.

    “But that did not faze me.

    “I focused on excelling in my education so that at least in one thing I can be on their level or even go beyond them.”

    Parents' sacrifice for their kids

    Samantala, sa ulat ng GMA News, inilahad ng mag-asawang Ricky at Elma ang mga hirap na pinagdaanan bago nakamit ng dalawang anak ang tagumpay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ng inang si Elma: “Naka-graduate si Kuya, bente pesos lang ang binibigay kong baon.

    “Ang pinakamahirap, yung gadget, yung laptop, yung cellphone. [Ni-loan] din lang namin iyon.

    “Dumating kami sa punto na dalawang itlog, hati-hati kaming mag-iina mairaos lang yung pagkain.”

    Pero determinado ang mga magulang na mapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.

    Sabi ni Elma, “Itinatak ko sa isip ko na ang anak ko, gusto ko papel at ballpen lang ang hawak nila pagdating ng panahon.”

    Sabi naman ng amang si Ricky, “Di bale akong maghirap makapagtapos lang kayo ng kolehiyo.”

    Samantala, sabi naman ni Rica ukol sa mga magulang, “Lahat sila alam nila na janitor yung mga magulang ko sa Ateneo. Hindi ko po iyon ikinahihiya, e."

    “Yun po yung motivation ko from the very start na gusto kong maranasan ng mga magulang ko yung ginhawa ng buhay.”

    Pareho nang may trabaho ang magkapatid na sina Riel at Rica ngayon.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sinabi naman ni Riel sa PEP.ph na patuloy na magtatrabaho bilang mga janitor sa Ateneo ang kanilang mga magulang.

    Nais din daw kasi ng kambal na bunso na makapagtapos sa Ateneo.

    Ani Riel, “Kasi may bunso pa na twins who are in Grade 9. Our brothers want to go to Ateneo senior high, e.”

    Bilang university employees ang mag-asawa, libre ang tuition—na kung babayaran ay PHP80,000 kada semesterpara sa kanilang mga anak.

    Libre din ang miscellaneous na aabot ng PHP80,000 hanggang PHP100,000.

    Meron ding PHP15,000 allowance mula sa unibersidad kada sem.

    READ ALSO: Guess How Much The Tuition Fees Of These 7 Celebrity Kids Studying Abroad Reportedly Cost

    Nabibigyan din ng donasyon ang mag-asawang janitor mula sa mga magulang ng ibang estudyante.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close