embed embed2
  • Proud Si Kim Chiu Na Pinag-aral Ang Kapatid Maging Piloto: 'Para Na Rin Akong Nanay N'ya'

    by Jocelyn Valle .
Proud Si Kim Chiu Na Pinag-aral Ang Kapatid Maging Piloto: 'Para Na Rin Akong Nanay N'ya'
PHOTO BY Instagram/chinitaprincess
  • Naging very memorable ang 32nd birthday ni Kim Chiu nitong April 19, 2022 dahil umuwi ng bansa ang pinakabata niyang kapatid na piloto na ngayon sa Canada.

    Kaya sa unang pagkakataon sa loob ng halos walong taon, nakumpleto silang limang magkakapatid: Lakam, Twinkle, William Jr., Kim, at John Paul. Huli raw itong nangyari nang pumanaw ang kanilang nanay na si Louella Yap noong 2013.

    Ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram account ang ilang litrato, kabilang na iyong kasama nila ang kanilang tatay na si William Chiu, na nagmula sa Chinese family.

    Hindi maitago ni Kim ang kanyang saya sa caption: "Never felt this complete. The last time I remembered na kumpleto kami was when my mama died, ngayon lang kami nabuo kasama si papa in one photo.

    "When we were talking about our younger years...What a life it has been. It helped us become who we are now, from walang matirhan, walang pang tuition, walang pagkain, nag aagawan pa sa ulam, sa damit, sa school things, and a lot more!!!!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Looking back nag aasaran kami now na naluluha na natatawa. Hahhaa It feels amazing! LIFE IS INDEED FULL OF SURPRISES!!! LIFE IS CRAZY BEAUTIFUL! I am thankful for the gift of family that I have.

    "I have my best friends, sibs, and people who will love me and support me no matter what." Ginamit niya ang mga hashtag na #myinspiration at #mystrength bilang pagsasalarawan sa kanyang mga mahal sa buhay.

    Pagpapa-aral sa kapatid

    Ibinahagi rin ni Kim ang iba pang litrato na kuha sa kanilang biyahe sa Palawan. Halatang sinulit ng actress-TV host ang mga ilang araw niyang bakasyon mula sa trabaho.

    Kaya nang makabalik ang homegrown ABS-CBN star sa It's Showtime, nagpasalamat siya sa pamunuan ng daily noontime show sa pagbibigay sa kanya ng pahintulot na lumiban ng dalawang araw.

    Kuwento ni Kim sa kanyang co-hosts sa kanilang May 14, 2022 episode: "Kasi ’yung kapatid ko, uuwi na siya ng Canada. So binanding ko muna siya nang very hard. Yes [siya ’yung piloto]."

    Dito niya kinuha ang pagkakataon na batiin ang kanyang bunsong kapatid: "I love you, John Paul! I’ll do anything for you! I love you!"

    Aminado siyang may pagka-overacting (OA). Pero paliwanag niya, "Siyempre nakaka-proud. Para na rin akong nanay no’n, eh."

    Nasabi noon ni Kim sa ilang media interviews na mga bata pa silang magkakapatid nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang. Lumaki sila sa pangangalaga ng kanilang paternal grandmother sa Cebu City.

    Maraming taon ang lumipas na hindi nila nakita ang kanilang nanay hanggang nalaman nilang malubha na ang sakit nito. Nakasama nila ang kanilang nanay ng ilang araw na lamang bago ito bawian ng buhay.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sa kuwentuhan ni Kim sa mga kasamahan sa It's Showtime, may nagsabing mahirap mag-aral para maging piloto. Humirit naman siya, "At saka mahirap magpa-aral ng piloto!"

    Noong 2018, lumipad si Kim at ilan sa kanyang mga kapatid sa Canada para saluhan si John Paul sa tagumpay nitong pagtatapos ng paga-aral bilang piloto sa loob ng apat na taon.

    Sa sumunod na taon, bumalik ang TV at movie star para personal na maranasan ang pagpapalipad ng eroplano ng kanyang kapatid. Mapapanood ito sa kanyang vlog.

    Sabi nga ni Kim sa mga kasamahan at manonood ng It's Showtime: "Kahit ano pa ’yan, family is always our number priority. ’Yun ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon to keep on going. At ang pamilya, hindi tayo tatalikuran kahit ano pa ang sinasabi sa atin ng ibang tao. Family is always behind us whatever happens…Let’s all love our family."

    Basahin dito para sa isa pang kuwento ng nagpaaral sa mga kapatid.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close