;
embed embed2
  • Meet Luka, Ang Superboy Ng Cebu! Nakaka-inspire Ang #BangonCebu Photos Niya

    Sa gitna ng pinsalang iniwan ng bagyong Odette sa Cebu, may umusbong na cute na cute na superhero: si Superboy Luka.
    by Jazer Basan .
Meet Luka, Ang Superboy Ng Cebu! Nakaka-inspire Ang #BangonCebu Photos Niya
PHOTO BY COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
  • Matindi ang naging epekto ng bagyong Odette sa kabisayaan noong Disyembre, ngunit sa gitna ng mga pinsalang iniwan nito ay may umusbong na cute na cute na superhero: si Superboy Luka.

    Superboy vs Odette

    Naging viral ang post-birthday photos ni Dynic Luka Polito, wala pang dalawang taong gulang, hindi lamang dahil sa 'Superman' costume niya kundi dahil sa tema ng kanyang mga larawan na nagbibigay ng tuwa at inspirasyon sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

    Luka, ang superboy ng Cebu!
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN

    Ang konseptong 'Superman vs Odette' ay binuo ng kaniyang mga magulang na sina Jude Christian Polito at Mommy Dorothy, sa tulong ng kanilang kaibigang photographer na si Dexter Faunillan ng Alegria Film Studio. Sa mga larawan, makikita si Luka na nakadamit Superman at tumutulong sa pagbigay ng relief goods, pagtanggal ng mga naputol na kahoy, pagwalis ng kalye, pag-igib at hatid ng tubig, at pagbigay direksiyon sa rescue truck sa kanyang munting baranggay sa Alegria, Cebu.

    Superboy Luka, distributing relief goods.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Superboy Luka, cutting fallen branches.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    Superboy Luka, using his super strength to clear the roads of Odette's debris.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    Superboy Luka, off to fetch more water for the Alegria residents.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Superboy Luka, helping the rescue truck find its way to people in need.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN

    Perfect timing

    Late na ang photoshoot na ito na dapat sana ay gagawin ng mga magulang ni Luka bago mag-first birthday ang kanilang nag-iisang anak noong July 22, 2021. Superman talaga ang theme ng first birthday ni Luka dahil parehong mahilig ang daddy at mommy niya sa popular superhero na ito kahit na noong sila ay bata pa. Pero dahil sa eksakto lang ang kanilang budget para sa birthday celebration, ipinagpaliban muna ng mga magulang ni Luka ang photoshoot.

    Kahit delayed, naging mas inspiring ang kanilang photoshoot dahil sa bagyong Odette. Kakatapos lang ng bagyo noong nabanggit ni daddy Jude sa kanilang kapitbahay na photographer, si Dexter, ang plano niya. Dahil sa pinsala ng bagyo, minabuti nilang gamitin ang mga larawan para magbigay inspirasyon sa mga nasalanta ni Odette.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nataon din na naghatid ng tubig ang  truck ng Bureo of Fire Protection ng Alegria para sa mga residente noong nagpho-photoshoot sila kaya't nakilaba at naki-igib si Luka kasama ang kanyang lola. Ito ang naging paboritong kuha ni daddy Jude.

    Super Luka, helping the residents of Alegria wash their laundry.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    Laundry won't dry itself, so here's Luka to the rescue!
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    The little hero taking on kitchen duties.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN

    #BangonCebu

    Agad namang naging viral ang mga photos ni Luka. Ayon kay daddy Jude sa panayam ng Smart Parenting, "Malaki po ang epekto ng bagyo sa amin... nasira bahay namin at mga gamit sa pang araw araw na pamumuhay. Nasira din yung pinagta-trabahuhan ko kaya suma-sideline lang po ako ngayon para may pang milk ang baby ko." 

    Sa kabila ng nararanasan na pag-hihirap, mas pinili pa rin ni Daddy Jude na magbigay saya at inspirasyon. "Goodvibes nalang kami at binigay naman ni Luka ang ka-cuteness niya, nakakawala nang lungkot," bahagi ng ama tungkol sa tuwa na naibibigay ng kanilang anak sa kanila at sa mga nakaka-kita ng larawan niya.

    "Super bait at smart boy po si Luka, mabilis matuto," ang bahagi ni daddy Jude sa interview. Ayon sa kaniya, ang mala-superhero na katangian na pangarap nilang makuha ni Luka ay, "Maging mabuti at malakas, may respeto sa kapwa and matulungin sa pamilya at sa ibang tao, at higit sa lahat, may pananampalataya kay Papa Jesus."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Luka with Daddy Jude and Mommy Dorothy.
    PHOTO COURTESY OF JUDE CHRISTIAN POLITO / DEXTER FAUNILLAN

    Para makatulong sa mga pamilyang katulad ng Polito family na nasalanta ng bagyong Odette sa Alegria, bisitahin lamang ang Alegria Public Information Office Facebook page.

    Mayroon din ba kayong kakaibang konsepto at mga ideas na nakakainspire para sa birthday ng inyong baby? Ibahagi ito sa amin at i-email sa smartparenting@summitmedia.com.ph

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles