embed embed2
Mga Nanay At Tatay Na Frontliners: 'Nakakatakot Man, Tutulong Pa Rin Kami!'
PHOTO BY courtesy of Joyce Rocamor and Gayle Padin Ching
  • Sabi nga nila, makikita at makikilala mo ang mga totoong bayani sa panahon ng sakuna at kalamidad—tulad na lang ng nangyayari ngayon sa ating bansa at sa buong mundo.

    Sa kabila ng banta ng COVID-19, patuloy at walang pagod pa ring nagsisilbi ang ating mga medical professionals, katuwang ang kanilang mga staffs.

    What other parents are reading

    Pati mga service workers tulad ng mga janitors, security guards, pulis, food providers, maging ang ating mga cashiers sa groceries ay nananatili sa trabaho para kahit papaano ay mapadali ang mga buhay natin habang tayo'y naka-quarantine.

    Lingid sa aming kaalaman, ilan pala sa mga frontliners na ito, kung tawagin, ay miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village. Kaya naman, hindi namin pinalampas ang pagkakataong ito para bigyang pugay sila at ihatid sa inyo ang kanilang mga kwento.

    What other parents are reading

    Pahirapang umalis sa bahay

    'Yan ang kwento ni mommy Diane Lesly Barrera. Sa Facebook post na ibinahagi niya sa Village, makikitang the struggle is real talaga bago pa siya makaalis ng bahay.

    Ayaw paawat sa pag-iyak ang anak ni mommy tuwing aalis si mommy para pumasok sa trabaho.
    PHOTO BY courtesy of Diane Lesly Barrera
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iyakan ang drama nilang mag-ina. "Hindi mo alam [kung] kailan ka makakauwi. I'm a nurse, a medic, [and a solo parent]. Ang hirap. Ang sakit. Kaso I need to be at work since frontliner ako," kwento niya. "One year and five months pa lang si baby. [Kapag] sinasabihan ko siya na papasok [na ako] sa work [at baka] next week o next month na ako uuwi, iiyak siya at ayaw nang magpababa."

    Katuwang ni mommy ang pamilya niya sa pagpapalaki sa kanyang anak.
    PHOTO BY courtesy of Diane Lesly Barrera
    What other parents are reading

    Limang taon nang hospital nurse si mommy at apat na taon naman siyang nanunungkulan bilang nurse medic. Ayon sa kanya, ang ate, kapatid niya, at nanay niya ang tulong-tulong na nag-aalaga sa anak niya tuwing aalis siya para mag-duty. "Kapag nurse ka, kahit gaano kalaki ang sakripisyo at kahit gaano kahirap, you need to perform your duty," paliwanag niya.

    Para masigurong hindi niya madadala sa bahay nila ang ano mang virus na ma-eencounter niya kung saan man siya mag-duty, naliligo muna siya bago mag-out sa trabaho at pagdating sa bahay. "I [also] disinfect myself with alcohol at nag-mamask na rin ako sa bahay, plus frequent hand washing using soap and water."

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    Sinusulit talaga nilang mag-ina ang bawat pagkakataon na magkasama sila.
    PHOTO BY courtesy of Diane Lesly Barrera

    "Passion na namin ang tumulong at mag-duty sa mga panahong ganito. 'Di naman kaila sa atin na kakaunti na ang nurses dito sa Pilipinas. Patuloy pa rin akong mag-duduty at mag-peperform ng [trabaho] ko bilang nurse medic to serve the public," pahayag niya.

    What other parents are reading

    "Magkasama kami ni hubby sa frontline."

    'Till death do us part', sabi nga nila. Hindi lang sa buhay mag-asawa magkasama sina mommy Gayle Padin Ching at ang kanyang asawa, hanggang sa pagiging frontliners sa pagsugpo ng COVID-19, magkasama sila.

    Noong isang linggo, March 19, ikinwento ni mommy sa Village ang struggle nilang mag-asawa. "I am torn between staying [at] home with my kids and staying in the hospital to help. Napakasakit at napakabigat sa loob na iwan ko muna ang mga anak ko sa bahay. Not knowing when we might come back," pagbabahagi niya. "I kissed and hugged them, with fear of not knowing when [I would be able to] kiss and hug them again—mahigpit [at] maraming [kisses]! Para sulit!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Kahit sa duty, tandem pa rin sina mommy at daddy.
    PHOTO BY courtesy of Gayle Padin Ching

    Walong taon nang nurse sina mommy at daddy. Sa ngayon, lola (tiyahin ni daddy), ang nag-aalaga sa mga bata kapag wala ang mag-asawa. "Dahil kambal ang anak namin, tumutulong ang sister ko dahil wala naman silang pasok," sabi ni mommy. Tumutulong din ang in-laws ni mommy sa pag-aalaga sa mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Dedicated talaga si daddy sa kanyang bokasyon.
    PHOTO BY courtesy of Gayle Padin Ching
    Sobra rin ang dedication ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Gayle Padin Ching

    Para masigurong hindi naman mahahawa at makakahawa ang mag-asawa, hindi nila hinahawakan ang mga anak nila hanggat hindi sila nakakaligo at nakakapag-disinfect. Iniiwan nila sa labas ng bahay nila ang mga damit na isinuot nila at doon na nililinis.

    Sobrang cute ng kambal nina mommy at daddy!
    PHOTO BY courtesy of Gayle Padin Ching
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang tanungin namin si mommy kung bakit patuloy pa rin ang kanilang serbisyo sa kabila ng napakalaking sakripisyo, sabi niya, "Kaunti na lang ang mga healthcare workers. Kung mababawasan pa, kawawa naman ang mga pasyente." Paliwanag pa niya, alam nilang mag-asawa na malaki ang maitutulong nila sa sitwasyon ngayon. Kaya naman kahit mahirap, hindi tumitigil sina mommy at daddy sa pagtupad sa duties nila.

    What other parents are reading

    Natatakot, pero patuloy na maglilingkod!

    Katuparan sa sinumpaang salaysay at pagmamahal sa mga kababayan naman ang nananaig kay mommy Joyce Rocamora. Kaya naman kahit na mismong anak na niya ang kumukumbinsi sa kanya na huwag nang umalis, pikit matang tumutuloy si mommy sa pagiging frontliner.

    Ito ang note na nakita ni mommy sa gamit niya habang nagbibihis siya papunta sa trabaho.
    PHOTO BY courtesy of Joyce Rocamora‎

    "Being a mother is a special gift. It's always a sacrifice," sabi niya sa post na ibinahabi niya sa Village. "It broke my heart to see her cry because she was afraid for me," sabi pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matagal na ring nurse si mommy at aminado siyang mahirap talaga ang trabaho nila pero mas pinahirap pa ito ng banta ng COVID-19.

    Nanay niya ang kasalukuyang nag-aalaga ng mga anak nilang mag-asawa kapag pumapasok din si daddy sa trabaho. Kapag may weekend duty naman si mommy, si daddy ang naiiwan sa mga bata. "My daughter is very understanding," paliwanag ni mommy. "Nung inexplain ko why we had to stay at home [dahil sa] community quarantine, naintindihan naman niya. She just cried that one time [dahil natakot siya for me]."

    Naiintindihan naman ng anak ni mommy ang kanyang trabaho pero hindi pa rin maiwasan ng bata na matakot para sa kanyang ina.
    PHOTO BY courtesy of Joyce Rocamora

    Sabi pa ni mommy, para mapanatag ang loob ng anak niya, nangako siyang magsusuot ng protective gown at gloves para hindi siya mahawa. Bukod pa diyan, sinisiguro niyang hindi rin siya mag-uuwi ng virus sa bahay. "Before I leave the hospital premises, naliligo po ako sa dressing room namin. We were asked din kasi to bring toiletries and to take a bath after every case. Then pag-uwi sa bahay, literal na derecho sa bathroom to take another bath tapos sanitize with alcohol sa hands and arms then saka ko pa lang talaga mahahawakan at malalapitan [ang mga anak ko]."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Natatakot man kami para sa sarili namin at sa pamilya namin, nangingibabaw pa rin 'yung desire ko na makatulong sa kapwa ko. Kaya hindi ko rin sinubukang mag-apply abroad, kasi alam kong mas kailangan ako ng mga kababayan ko dito," pahayag ni mommy.

    What other parents are reading

    Wala na ngang mas hihigit pa sa sakripisyo ng mga frontliners natin ngayon. Kaya naman ang hiling nila, gawin natin ang ating parte para tuluyan nang matapos ang laban natin sa COVID-19. Pumasok sila sa trabaho para sa atin, manatili tayo sa bahay para sa kanila.

    Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close