embed embed2
'Si Wais Na Misis, Ga-graduate Na!' Ibinahagi Ni Neri Miranda Kung Paano Niya Ito Nagawa
PHOTO BY Instagram/mrsnerimiranda
  • Hindi maitago ni Neri Miranda ang excitement sa pagiging college graduate. Isang araw bago ang mismong graduation sa June 29, 2022, nag-post ang actress-turned-mompreneur sa social media para ibahagi ang magandang balita.

    Aniya sa caption ng litrato na kuha sa loob ng tila auditorium ng University of Baguio: "Graduation rehearsal now."

    Dito na nagkuwento si Neri, na halos 19 years old nang sumabak sa showbiz noong 2004 kaya natigil sa paga-aral. Masaya niyang lahad, "THIS IS IT! Ga-graduate na ako at makakapag-march pa bukas!"

    Dugtong ng 36-year-old owner ng maraming negosyo, "Looking at the graduates, ako lang pinakamatanda, hihi! Pero hindi yung hindrance para sa gusto ko na maka-graduate. May listahan ako before turning 40. Ang maka-graduate ng college ay isa sa top priorities ko."

    May ibinahagi ring mensahe si Neri: "Kaya sa lahat ng mga mommies at misis dyan na gustong tapusin ang kolehiyo, GO FOR IT! May ETEEAP Program naman kaya mas mabalance mo yung time mo. Unti unti matatapos mo rin. Check your school if may ETEEAP Program sila."

    Ang tinutukoy ng bagong college graduate ay ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED).

    Isa itong "comprehensive educational assessment program at the tertiary level." Kinikilala at binibigyan nito ng halaga ang mga kaalaman at kakayahan na nakuha mula sa katumbas na trabaho.

    Sambit pa ni Neri, "Si Wais na Misis, ga-graduate na!"

    Dugtong niya, "Para sa mga anak ko 'to! Sa asawa ko na very supportive, at syempre para sa sarili ko na pinush ko talaga na dapat kayanin, walang imposible sa taong pursigido."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong April 23, ibinahagi ni Neri ang kanyang graduation picture. Pero kwelang kasama dito ang kanyang asawang si Chito Miranda.

    Binanggit niya rin, sa pamamagitan ng hashtags, na Business Administration ang kanyang kurso at kinuha niya iyon sa University of Baguio.

    Tips sa nagbabalak magpatuloy ng paga-aral

    Bukod sa ETEEAP, maaaring mag-aral muli sa pamamagitan ng online courses. Meron nito sa University of the Philippines-Open University at iba pang educational institutions sa bansa. Kung base sa abroad ang napupusuan mong kurso, nariyan ang Harvard Manage Mentor, Coursera.org, at marami pang iba.

    Narito ang ilang tips

    1. Maghanap ng scholarships na mabawasan ang babayarang tuition.

    2. Piliing mabuti ang kukuning kurso.

    3. Huwag kumuha ng maraming subjects na hindi ma-overwhelm.

    4. Isama ang asawa at mga anak sa iyong journey bilang estudyante ulit nang bigyan ka nila ng unawa at suporta.

    5. Kung working student, isali mo rin ang iyong boss nang makuha mo pati ang kanyang suporta.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Read also: In Her Late 40s, Ruffa Gutierrez Is Set To Finish College

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close