;
embed embed2
  • ‘Honesty’ Ang Naghatid Ng Higit Php25 Million Na Mana Sa Dating Domestic Helper Na Ito

    Nagmamay-ari na siya ngayon ng five-storey building at ilang negosyo.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
‘Honesty’ Ang Naghatid Ng Higit Php25 Million Na Mana Sa Dating Domestic Helper Na Ito
PHOTO BY YouTube/KMJS, GMA Public Affairs
  • Meet Daisy Bucad-Eng, isang dating domestic helper sa Hong Kong.

    Si Daisy ay isa na ngayong milyonarya. Pinamanahan siya ng PHP25 milyon ng kanyang namayapang amo.

    May pag-aari si Daisy ngayon ng five-story building, lupain, bahay, alahas, at pera.

    Si Daisy ay taga-Mountain Province na maagang nag-asawa.

    Labing-anim na taon pa lamang siya nang magkaasawa at magkaanak.

    Para kumita ng pera noon, nagtinda siya ng asin sa Besao, Mountain Province.

    Aniya sa October 10, 2021 episode Kapuso Mo, Jessica Soho, “Yung mga taga-Benguet ba talagang matakaw sila sa asin. Kasi isa pa, sa mga baboy nila, sa mga baka.”

    Kumikita siya ng PHP100 hanggang PHP300 kada araw sa pagbebenta ng asin.

    Pero sa paghahangad na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, nagtungo siya sa Hong Kong para mamasukang katulong.

    Pero hindi pinalad si Daisy sa kanyang unang amo.

    “Hindi ko na nakayanan. Dalawang oras lang ang tulog mo, tatlong oras. Kukulangin iyon, e.”

    Samantala, dahil napalayo sa mga anak ay nalaman na lang ni Daisy na pakalat-kalat sa kalsada ang mga ito, at minsan ay sumasabit pa sa dyip.

    Pagbabalik-tanaw ni Daisy nang mabalitaan niya ito, “Pumasok ako sa ilalim ng lamesa doon ako umiyak.”

    A new employee

    Nakahanap ng bagong amo si Daisy. Isa itong matandang Portuguese, si Marie.

    Pinasahod siya ng 900 Hong Kong dollars o PHP2,700 kada buwan.

    Pero masaya si Daisy dahil itinuring naman siyang isang kapamilya ng kanyang amo.

    Ang matandang Portuguese ay tumangging tumira sa isang home for the aged at nagpaalaga na lang ito kay Daisy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang magdesisyong umuwi sa Pilipinas si Daisy, sumama si Marie.

    Kuwento ni Daisy, “Namamasyal kami doon sa Manaoag, lahat ng mga Catholic na simbahan.”

    Hanggang sa bawian ng buhay si Marie dito sa Pilipinas noong 2002.

    Ani Daisy, “Wala na pala. Yung puso niya lumobo.”

    Labing-isang taong pinagsilbihan ni Daisy si Marie.

    Ang mga labi ni Marie ay ipinauwi sa Hong Kong ng kanyang mga kaanak.

    Marie's last will and testament

    Isang araw, may dumating na liham para kay Daisy na magpapabago sa kanyang kapalaran.

    Sa last will and testament ni Marie, kasama si Daisy sa kanyang mga pinamanahan.

    Isa na rito ay ang isang apartment na nagkakahalaga ng PHP25 million.

    Pagbabalik-alaala ni Daisy, “Yung mga stocks sa iba-ibang company.

    “Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon.”

    Naisip daw niya noon, “Totoo ba to?’ Parang may katotohanan na nga ito.”

    Salt vendor turned millionaire

    Nang makuha ni Daisy ang kanyang mana, nagpatayo siya ng five-storey building na may penthouse sa Mountain province.

    Ang kanyang penthouse ay may mga transient homes, gym, at for rent spaces for commercial establishments, at events place for rent.

    Bakas sa building ni Daisy ang kultura at tradisyon ng kanyang pinanggalingan dahil maging ang mga furniture ay inspired by the Igorot culture.

    Aniya, “Talagang ginawa ko talaga iyon para ma-picture out ko yung pinanggalingan ko."

    PHOTO BY YouTube/Kapuso Mo, Jessica Soho
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang kusina ni Daisy ay may hanging garden, “Nature lover kasi ako kaya gusto ko yung mga halaman sa paligid ko.”

    PHOTO BY YouTube/Kapuso Mo, Jessica Soho

    Hindi lang ito ang ari-arian ni Daisy.

    Mayroon siyang nabiling bahay at plantasyon sa Mountain province.

    Bilang pag-alala kay Marie, pinagawan niya ng isang memorial statue ang isang bahagi ng penthouse.

    “Sobrang mahal ko siya. Imagine siya ba naman ang nagbago ng kapalaran mo.”

    “Marie Augusta Ramchand,” ang mababasa sa epitaph.

    Ibinahagi rin ni Daisy ang payo sa kanya ni Marie nang nabubuhay pa ito.

    Hindi raw niya ito malilimutan, at pangako niya kay Marie, “I will do my best to do and to live and be a person that you want me to be."

    Naniniwala raw siya na masaya na si Marie ngayon, “I’m very sure you are so lucky looking at your legacy.

    “Super talaga yung saya ngayon sa binigay ni Madam Marie. Maraming naitulong sa aking pamilya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May payo naman si Daisy sa mga Overseas Filipino workers, “Sa mga OFW naghihirap kayo ngayon, patience and hard work are the key to success.

    “The overall denominator ng [lahat] ng ito ay yung honesty.

    “Kung anumang trabaho ang meron ka diyan, gawin mo na nang tama.”

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles