embed embed2
  • Paano Magsimula Ng Business, Ayon Kay Anne Clutz

    Ibinahagi niya ang sikreto ng kanyang tagumpay sa nakaraang Cosmopolitan BEAUTYCON.
    by Ana Gonzales .
Paano Magsimula Ng Business, Ayon Kay Anne Clutz
PHOTO BY @anneclutz/Instagram
  • Kilala si Anne Clutz o ‘Mama Anne’ sa kanyang mga praktikal at talaga namang helpful na makeup tutorials. Bukod pa riyan, marami rin siyang mga honest reviews kaya naman pinagkakatiwalaan siya ng kanyang mga followers pagdating sa mga beauty products. 

    Kaya naman sa nakaraang Cosmopolitan BEAUTYCON, inabangan talaga ang kanyang segment na How Being A Content Creator Helped Me Launch My Own Brand.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dito idinetalye ni Mama Anne kung paano nga ba nagsimula ang kanyang brang ng brushes na Anne Clutz Brushes. Inirelease niya ang Ultimate Beginner Brush Set, Enero noong nakaraang taon, na sinundan ng Eye Essentials Bundle matapos lang ang ilang buwan.

    Mayo ngayong taon ay inilabas naman niya ang kanyang Travel Brushes na umani rin ng papuri katulad ng mga naunang bundles.

    More from Smart Parenting

    Ayon kay Mama Anne, nagsimula siyang walang alam tungkol sa mga makeup brushes. Sa katunayan nga, wala nga raw siyang full set ng blending tools nang siya’y magsimula sa kanyang mga makeup tutorials. “It’s for a video lang sana, para makatulong sa viewers ko, so that they know what brushes to use especially kung beginner ka,” kwento niya. Doon na nga nagsimula ang ideya niya. “Hindi ko ineexpect na magiging brand siya,” sabi pa niya.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-ano nga ba ang mga hakbang na ginawa ni Mama Anne para masimulan ang kanyang negosyo? 

    Follow your heart

    Ayon sa kanya, isa lang ang kailangan mo para makapagsimula: follow your heart. “Kasi laging ganoon ‘yung mindset ng tao eh na mag-iisip ka ng something na alam mo kung saan ka yayaman.

    Dapat, follow your heart first,” payo niya. Dagdag pa niya, importanteng sundan mo ang iyong puso papunta sa kung saan ka lalago bilang tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Think about your audience / customers

    Sinabi rin niya na lagi niyang isinasaalang-alang ang requests ng mga tao, lalong-lalo na iyong mga viewea sa kanyang YouTube channel.

    “One year pa lang kami as a brand. Hindi ako nagstart na malaki siya agad kasi I’m more focused on making content sa YouTube. Lagi kong iniisip ‘yung mga requests ng viewers ko. ‘Yung channel ko, ‘yun ang aking first baby,” kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan united ang family

    Nang tanungin siya kung paano niya minamanage ang vlog channel, beauty channel, business, pagiging mommy sa kanyang dalawang anak, at pagiging wife, dito niya inemphasize ang kahalagan ng pagkakaroon ng pamilyang united.

    “Ika nga, ‘No man is an island.’ Talagang kailangan tulong-tulong. Kailangan united kayo,” sabi niya. “Kagaya ngayon,” biro niya sa audience. “Hulaan mo kung sinong nag-aalaga sa kids.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, pag-gising pa lang niya sa umaga, pinaplano na niya agad ang mga gagawin niya para mas marami siyang ma-accomplish.

    More from Smart Parenting

    Kailangan mo ng passion

    Ibinahagi niya na nang magsimula siya sa kanyang pagiging YouTuber, wala namang nanonood sa kanya. Pero dahil isa ito sa mga passions niya, itinuloy niya ito kahit na kaunti pa lang ang nanonood sa kanya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Gusto ko lang siyang gawin, parang pastime. Nangarap din akong makatulong ito sa pamilya ko balang araw,” kwento niya.

    Kung hindi mo pa alam kung anong passion mo, ayon kay Mama Anne, sarili mo na mismo ang magsasabi nito sa iyo. “‘Pag hinahanap-hanap mo siya. If you do something, ‘pag tumigil ka at hinanap-hanap mo siya dahil parang may kulang, that’s when you know na ito ‘yung passion mo.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Para sa mga mommies na gustong magkaroon ng sarili nilang business o ‘di naman kaya ay maging isang YouTuber, payo ni Mama Anne: Take it one day at a time. “Huwag ninyong mamadaliin ‘yung mga bagay-bagay kasi kailangan mong i-enjoy every moment,” payo niya.

    “Doon nanggagaling ang frustration at disappointment, kasi nagmamadali ka,” dagdag pa niya. “You have to enjoy every single day. Mag-enjoy lang at huwag kayong masyadong ma-pressure,” sabi pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Importante rin na palibutan mo ang sarili mo ng mga taong iaangat at susuportahan ka, ngunit tutulungan ka rin na maging mapagpakumbaba. “‘Pag may napapansin silang kakaiba sa akin, gusto ko sabihin nila sa akin agad. Kasi minsan, hindi mo na napapansin na nagbabago ka na. You have to be open sa napapansin ng ibang tao sa iyo.”

    More from Smart Parenting

    Nagpaplano ka bang magtayo ng sarili mong business? Umpisahan mo na sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga bagay na gusto mong makamit. Kung naghahanap ka ng ideas kung paano magsimula, pwede kang makipagkwentuhan sa mga kapwa mo nanay at tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles