-
Sining ang Hilig ng Anak? Kwento ng mga Artists Paano Sila Sinuportahan ng Magulang
- Shares
- Comments

Madalas tayong matuwang makita na magaling ang ating mga anak sa sining — sa pagdrowing, pagpinta, o di kaya’y sa pagkanta at pagsayaw. Ngunit madalas ay nag-iiba ang usapan kapag lumaki na sila at gusto nilang ituloy ang kanilang pagmamahal sa sining — minsan ang mga magulang pa ang nagiging hadlang sapagkat sa tingin nila ay wala naman talagang kita at future sa larangang ito.
Kinapanayam ng SmartParenting.com.ph ang apat na artist ukol sa kanilang napiling sining at kung paano sila naging successful dito. Ikinwento nila ang kanilang kabataan at ang papel ng kanilang pamilya, lalo na ng kanilang mga magulang sa paglinang ng kanilang mga talento.
Guro ng musika
Si Toma ay isa ring guro ng musika sa Mataas ng Paaralan ng Ateneo de Manila at isang musical arranger para sa kanilang banda o di kaya ay sa mga proyektong panlabas.PHOTO BY Girlie Rodis courtesy of Toma CayabyabHindi nakukumpleto ang araw ni Antonio Maria Cayabyab, o mas kilala sa palayaw na Toma, kung walang musika. Hilig niyang tumutugtog at umawit sa istilong jazz. Isa sa kanyang mga pinagkakaabalahan sa kasalukuyan ay ang kanilang bandang Debonair District. Ginagawa nilang “jazz” ang mga awiting Filipino (folk songs, kundiman, at OPM) at ilang mga jazz standards.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSi Toma ay lumaki sa isang pamilya ng mga musiko. Sa katunayan ay anak siya ng bagong proklamang Alagad ng Sining na si Cirpiano "Ryan" Cayabyab. Kahit na tanyag ang kanyang mga magulang, hindi niya naramdamang pinalaki silang may pagmamataas sa mga batang kanyang kaedaran. Marami rin siyang nakilalang musiko na mga katrabaho't kaibigan ng kanyang mga magulang at sila ay kanyang naging mga guro pati na rin mga kaibigan.
Ginusto niyang maging manunulat at direktor ng mga pelikula ngunit napagtanto niyang mas masaya at fulfilled siya sa pakikipagtrabaho sa mga musiko. Dahil dito, naisipan niyang mag-aral uli ng isa pang kurso sa kolehiyo — Choral Conducting sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Para sa kanya, ang tungkuling paglinang sa musikang Pilipino, gaya ng ginagawa niya sa kanilang banda, ang siyang nakatulong ding luminang sa kanyang galing sa musika.
What other parents are reading
Kompositor ng musika
Si Mayie ay isa ring freelance portrait photographer. Mahilig din siya sa watercolor painting (nais niya balang araw na gumuhit para sa mga kuwentong pambata) at pag-aaral ng bagong wika.PHOTO BY Bertha Artero courtesy of Mayie CalveroCONTINUE READING BELOWwatch nowBilang kompositor, si Marie-Luise Calvero, o mas kilala bilang Mayie, ay madalas nasa studio para tumulong sa mga recording sessions o di kaya ay nag-eedit ng sariling recordings. Karamihan ng kanyang mga likhang musika ay para sa mga pelikula at multimedia installations, karaniwang para sa mga film students at mga baguhang direktor na siya namang ipinapalabas sa mga cultural center, museo, o teatro.
Si Mayie naman ay anak ng mga agriculturist ngunit sila rin ay may hidden talents. Magaling gumuhit at magsulat ng tula ang kanyang Daddy at nagpipiano at magaling sa crafting ang kanyang Mommy. Noong nasa elementary siya ay naging manunulat siya para sa kanilang palimbagan sa paaralan at lagi ring sumasali sa mga patimpalak sa pagsusulat ng sanaysay at diyornalismo (gaya ng National Schools Press Conference). Sinubukan niyang pumasok sa Philippine High School for the Arts (PHSA) ngunit hindi siya nakapasa sa final round ng audition para sa Creative Writing. Dahil dito ay iniwasan niya ang pagsusulat at piniling umawit sa koro.
Ngunit sa huli, bumalik din siya sa kanyang unang pag-ibig: ang pagsusulat. Sa huling taon niya sa hayskul, hinikayat siya ng kanyang adviser sa koro na si Bb. Eden. Walang makapapalit sa sayang naramdaman niya nang marinig niyang itanghal ang kanyang komposisyon sa entablado. Pagkatapos nito ay nagtuluy-tuloy na ang kanyang pag-aaral ng Komposisyon sa kolehiyo sa UP at ng Film Music sa Institut für Neue Musik sa Staatliche Hochschule für Musik-Freiburg sa Alemanya.
Dance artist
Naenganyong sumayaw si JM dahil sa pagkabilib sa pagsayaw ng kanyang kuya. Sumali siya sa dance troupe ng kanyang kuya sa kanilang paaralan.PHOTO BY Mikko Angeles courtesy of JM CablingADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKape ang palaging kasalo ni Japhet Mari “JM” Cabling pagkagising sa umaga. Ito rin ang panahon niya para sumagot sa mga mensahe at tawag. Pagkatapos nito ay pupunta siya ng gym at magtatrabaho na hanggang gabi. Bilang isang independent dance artist, puno ang araw niya ng pagtuturo (sa The Dance Conservatory sa Angeles, Pampanga) pagsayaw, at paggawa ng koreograpiya.
Suportado silang magkapatid ng kanilang mga magulang sa kanilang pagsayaw. Ipinasok siya ng kanyang mga magulang sa Alun-Alun Dance Circle at naging iskolar sa pangalay ng batikang mananayaw na si Ligaya Fernando-Amilbangsa. Sa high school, pinagpatuloy niya ang pagsasayaw bilang folk dance major sa PHSA. Pagkatapos niya ng kursong Dance sa Kolehiyo ng Musika sa UP, tinutukan niya ang paggawa ng kontemporaryong koreograpiya at improvisation sa pagsayaw sapagkat para sa kanya, dito siya mas natututo bilang isang artist.
Guro sa seramiks at eskultor
Matagal hinanap ni Maui ang kanyang sarili sa paglipat-lipat at pagsubok ng iba't ibang kurso.PHOTO BY Larawan galing kay Rosa Mirasol MelencioADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKalilipat lang ni Rosa "Maui" Mirasol Melencio, sa kanyang bagong studio malapit sa Los Baños. Kaaayos lang ng kanyang studio, ang Ili Likhaan Ceramics. Ang “ili”, ibig sabihin ay lupa, ay kaibigan ni Maui at sa kanyang mga kamay ay nagiging iba't ibang hugis ito. Iba't ibang hugis ng seramiks, iba't ibang katuturan.
Ilan sa mga ito ay mga sculpture na kay sarap pagmasdan at pagmuni-munihan sa mga exhibit, mga Diwata mug na ipinagdiriwang ang lakas ng kababaihan, mga gamit sa kusina at mesa, lampara, palawit sa kwintas.
Sa totoo lang, walang katapusan ang pwedeng gawin sa lupa. Bukod pa sa paglikha ng mga obra, siya rin ay isang guro sa seramiks at nagsasagawa ng art therapy gamit ang naturang medium.
Kahit na mga artist rin ang mga magulang ni Maui — isang manunulat at guro ang kanyang nanay sa UP-Los Baños habang ang tatay naman niya ay nagpipinta sa kanyang libreng oras — lumaki siyang walang pag-uudyok na maging artist. Para sa kanya, ang “no pressure environment” nila ang nagsilbing apoy para sa kanyang pagiging “Jane of all trades.”
Matagal niyang hinanap ang kanyang sarili sa paglipat-lipat at pagsubok ng iba't ibang kurso. Dahil dito, pinayuhan siyang kumuha ng isang pagsusulit upang malaman kung ano nga ba talaga ang kurso para sa kanya. Pinayuhan siyang sumubok sa kursong Dance sa Kolehiyo ng Musika at Studio Arts sa Kolehiyo ng Sining Pambiswal, na siya namang parehas niyang ipinasa! Sa kanyang pagpili sa Studio Arts, naranasan niya ang tough love ng kanyang mga propesor sa kanilang mga komento tuwing magpapasa siya ng plates. Dahil dito, mas nagpursigi siya at hinanap ang kanyang forte bilang artista. Dito na niya nadiskubre ang lupa bilang kanyang medium.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa apat na artist na ito, malaki ang naging papel ng kanilang maga magulang sa landas na patuloy nilang tinatahak.
Kung nais ninyong palakihin ang inyong anak na nagmamahal ng sining, heto ang ilan sa kanilang mga natutunan mula sa kanilang mga magulang:
1. Bigyan ng pagkakataong makapagdesisyon ang inyong anak, kahit sa mga simpleng bagay.
Huwag silang pilitin, lalo na sa kursong kanilang kukunin. Ika nga ni Toma, "Kung gustung-gusto nila, gagawa't gawawa sila ng paraan."
2. Hikayatin silang sumali sa mga extracurricular activities.
Maaari rin silang ipasok sa mga afterschool program sa musika, isports, at sining. Kung problema ang budget, mayroon namang mga libreng klase (gaya ng Baby Arnis sa UP), konsert, at museo.
3. Pwede ring hindi umalis ng bahay.
Samahan ang inyong anak sa pagguhit, pagsulat, pag-awit, pagluluto, at marami pang iba. Payo ni Mayie, gamitin ang social media at magsaliksik gamit ang internet para makakuha ng mga ideya na puwedeng gawin sa bahay. Marami ring mga parenting online groups na pwedeng salihan (gaya ng Smart Parenting Village sa Facebook).
4. Purihin ang kanilang gawain upang alam nila kung ano ang kanilang uulitin.
Sabi ni Maui, noong kabataan niya, laging pinupuri ng kanyang Nanay ang kanyang pagwawalis. Ngayon, sa kanyang sining, lagi niyang tinatandaan kung paano pupurihin ang kanyang mga estudyante, pati na rin ang kanyang sarili.
5. Bukod sa papuri, magbigay rin ng constructive criticisms para sa ikagagaling ng inyong anak.
Dagdag pa ni Mayie, iwasan ding magbigay ng mga komentong nagpapahiwatig na hindi kailangan ang sining sa ikauunlad ng lipunan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW6. Suportahan ang inyong mga anak, sa tagumpay man o pagkatalo.
Ituro sa kanila ang sense of responsibility, na hindi puro saya at kagandahan ang mararansan sa pagiging artista. Para kay JM, mahalaga ang presensya ng magulang na sa bawat sandali, sapagkat mayroon silang makakausap.
What other parents are reading
Heto naman ang kanilang mga salitang maipapabaon para sa mga gustong maging artista
- Bukod sa talento at interes, mahalaga ring linangin ang pakikisama sa ibang tao.
- Hindi kailangang lahat ay mabilisan. Ang oras ay inyong kaibigan at kailangan ng oras para lumago ang inyong sining.
- Okay lang maging iba! Minsan ito ang susi para sa sining na bukod tangi.
- Siyempre, huwag kalimutan ang inyong pinanggalingan. Magbigay ng oras sa inyong pamilya. Magdasal din — magpasalamat at humingi ng gabay sa Itaas.
- Higit sa lahat, itaas ang noo sa mundo bilang isang artistang Pilipino.
What other parents are reading

- Shares
- Comments