embed embed2
  • Paano Ituro Ang Pagmamahal Sa Bayan Sa Simpleng Paggawa, Respeto at Disiplina

    Hindi kailangang magbuwis pa ng buhay para maipakita ang katapatan sa bayan
    by Dinalene Castañar-Babac .
Paano Ituro Ang Pagmamahal Sa Bayan Sa Simpleng Paggawa, Respeto at Disiplina
PHOTO BY La Pomme Living
  • Naalala mo pa ba ang huling nagawa mong sakripisyo para sa iyong pamilya, sa iyong kapuwa, o sa iyong bayan? Sabi nila mahirap na ang pagkakaroon ng lubos na pagmamahal sa bayan. Kailangan daw kasi ng pagbubuwis ng buhay. Gusto mo lamang ay payapa at tahimik na pamumuhay.

    Paano maipakita at ituro ang pagmamahal sa bayan

    Totoo na noon ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay para sa bayan. Bagaman sa  panahon ngayon, hindi kailangang magbuwis ng buhay para ipakita ang pagmamahal sa bayan, sapat na ang katapatan, paggalang, at pagpapahalaga.

    Katapatan sa pagsunod sa batas

    Mahalaga ang pagiging tapat natin sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad. Sa ganitong paraan naipapakita natin ang tamang disiplina. Gaya ng simpleng pagsunod sa batas-trapiko. Ang pagtawid sa tamang tawiran ay may malaking bagay upang makaiwas sa disgrasya o anumang aksidente. Ganito rin ang mangyayari kung lahat ng drayber ay mabuting makasusunod sa mga batas. Mababawasan ang kaguluhan at magiging maayos ang daloy ng lahat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa pa, ang pagtatapon ng basura. Kung magiging sistematiko tayo at nakasusunod nang mahusay sa mga panukala sa basura, mapapanatiling malinis ang kapaligiran at maiiwasan ang mga pagbaha. Maisasalba rin natin sa pagkasira ang ating kalikasan. Sa mga ganitong sitwasyon, sa halip na makaragdag ka pa sa suliranin, mas magiging bahagi ka ng solusyon sa lumalawak na problema ng bayan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

     

    Pagpapahalaga sa sariling lahi

    Mahalaga ang pagkakaroon natin ng pagpapahalaga sa ating lahing pinagmulan. Sa panahon ngayon na laganap ang iba’t ibang impluwensiya mula sa mga nasa kanluran. Dapat na maging masusi pa sa pagkilala ng sariling kultura.

    Hindi lamang kultura ang iyong kikilalanin kundi mas magiging malalim din ang pagtingin mo sa iyong sariling wika. Dahil dito, mapapagiting mo ang paggamit nito sa pakikipagtalastasan. Mas mapagyayaman mo ang wika ng iyong bayan. Kaya naman, magagawa mong ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino at kayang isigaw at taas noong sabihin “Pilipino ang lahi mo” sapagkat dito nag-uugat ang lahat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa halip na ikaw ang unang pumuna sa pagkukulang nito, ikaw ang unang makikipaglaban para sa kaniya at pupuno sa mga bagay na wala ito. Magkakaroon ka ng sensibilidad at higit na magmalasakit sa iyong kapuwa Pilipino.

    Bukod pa rito, kung may mataas kang pagpapahalaga sa iyong lahi maglalaan ka ng panahon na kilalanin ang mga yamang taglay nito nang mas lumalim ang iyong pagpapahalaga at pagtatampok sa mga kalinangang mayroon ito. Tiyak din na mas tatangkilikin mo at susuportahan ang mga produkto nito.Sa gayon, mas magiging bahagi ka ng pag-unlad ng ekonomiya ng iyong bayan. Maiaangat ang bawat isa at makatutulong sa higit na pagiging buhay ng konsepto ng bayanihan.

    More from Smart Parenting

    Paggalang o respeto sa bandila

    Totoong simbolismo lamang ang bandila at maging ang ating pambansang awit. Ngunit, mas malalim pa ang halaga nito sa atin. Tumayo nang tuwid. Ituon ang paningin sa watawat. Ilagay ang kanang kamay sa dibdib. Buong pusong umawit ng Lupang Hinirang. Ilan pa ba sa atin ang kayang gawin ito nang tama o ginagawa ito nang tapat? Sa katunayan, may batas na nagsasaad sa tamang gawi o kaasalan sa pag-awit ng Lupang Hinirang. Sa R.A. No. 8491 Section 21 na kailangang ituon ang buong atensyon sa oras na marinig na tumugtog ang unang nota ng pambansang awit. Kailangan na magbigay pugay sa bandila sa pamamagitan ng mga nabanggit sa itaas, pag-alis ng sombrero, paghinto kung naglalakad o may ginagawa, maging paghinto ng mga sasakyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa rito, matapat o maalam pa ba tayo sa pagbigkas ng ating panata sa watawat ng Pilipinas? Ito ang ating pangako bilang Pilipino sa ating bansa. Kung tunay na isinasapuso natin at isinasabuhay ang nakasaad dito, sa tingin ko sapat na itong magagawa natin upang maipakita ang ating pagmamahal sa bayan, sapagkat mula sa unang bersyon nito malinaw na binibigkas sa hulihan “Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.”

    Bagaman kahit walang anumang batas na ipinapatupad, lubos na mahalaga ang pagniningas at pag-aalab ng pagmamahal natin sa bayan na nagmumula sa kaibuturan ng ating puso. Walang perpektong mundo, pero tayo lamang din ang makapagmamalasakit sa ating sariling bayan. Hindi na kailangan pa ng mga selebrasyon gaya ng Araw ng Kalayaan, Araw ng Kasaysayan, at iba pa dahil dapat araw-araw, bilang Pilipino sa maliit na bagay na ating ginagawa makita ang ating marubdob na pag-ibig sa bayan. Sabi nga ni Bonifacio, wala nang hihigit pa na pag-ibig kundi ang pag-ibig sa tinubuang lupa!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin dito ang mga payo ng guro para maging fluent in Filipino first.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles