embed embed2
  • Paano Hikayatin Ang Mga Bata Na Magbasa? Ang Sagot Ng Isang Ama

    Mababa ang naging ranking ng Pilipinas sa reading comprehension sa isang global na pagsusuri.
    by SmartParenting Staff .
Paano Hikayatin Ang Mga Bata Na Magbasa? Ang Sagot Ng Isang Ama
PHOTO BY iStock
  • Noong December 4, 2019, nabalita ang ranking ng Pilipinas sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), isang pagsusuri sa kaalaman ng estudyante pagdating sa reading, mathematics at science. Anim na daang libong 15-taong-gulang na mag-aaral sa buong mundo ang lumahok sa pagsusulit, na isinagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD). At sa 79 na mga nakikilahok na bansa, pinakamababa sa pag-unawa sa pagbasa ang Pilipinas. Ang ating score: a mean of 340 points sa reading comprehension exam — ang OECD average ay 487 points (basahin ang report dito).

    Nakakalungkot ang balita pero ayon nga sa statement ng Department of Education mahalagang pagdaanan ang pagsusuri para maitatag nang maayos ang ating benchmark pagdating sa kakailanganin na reporma. Nasa statement din ang plano ng DepEd pero nanawagan ito sa buong bansa na kumilos at makipatulungan para maisulong ang quality education sa Pilipinas.

    Sa pamamagitan ng isang Facebook post, tila sinagot ni Rey Bufi ang panawagan ng DepEd. Pero bago pa ang PISA ranking, matagal nang aktibo si Bufi, na may dalawang anak, pagdating sa adbokasiya ng pagbabasa. Sa katunayan, 10 taon na ang nakalipas nang itinaguyod niya ang The Storytelling Project (TSP) na may layunin na hikayatin ang mga bata na magbasa. Insinulat niya kung kung ano ang ginagawa ng TSP para maengganyo ang mga bata na magbasa at maintindihan na masaya siya!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Narito ang kabuuan na isinulat ni Bufi kung ano ang ginagawa ng simpleng pagkukuwento para makaugalian ang pagbabasa: 

    “Nakalulungkot ang balitang ito pero kudos sa katapangang malaman ang totoong estado ng pag-unawa sa teksto ng mga mag-aaral na Pilipino. May katapangan at dunong sa pag-eksamen sa sarili. Masakit mabasa ang resulta pero kailangan tanggapin ang katotohanan.

    “Ako man din po ay mababa ang pang-unawa sa teksto noong ako ay nasa elementarya hanggang kolehiyo. Masipag lang talaga ako kahit papaano.

    “Naalala ko noong kolehiyo na kinakailangan kong ulitin ng makailang beses ang pagbasa ng mga required philosophical texts para lang maintindihan ko ang mga iyon. Hindi pa natatapos doon ang problema dahil kailangan kong magsulat tungkol sa aking mga binasa. Magkatambal ang pagsusulat at pagbabasa. Payo ng aking guro, “Read, read, read and write, write, write. Start with what interests you.” Malaking tulong sa akin ang pagbasa ng mga nobela ni John Grisham.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    What other parents are reading

    “Nasabi ko sa sarili ko na kung nasimulan ko lang sana nang mas bata ang leisure reading, sana ay mas naging masaya ako sa kurso ko noong kolehiyo. Dahil sa karanasang ito, naging adbokasiya ko ang pagbabasa. Hinikayat ko ang ibang mga kabataang nasa kolehiyo na magbasa ng hindi lang para sa paaralan. Pero napagtanto ko na dapat talagang magsimula sa maliliit pang mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Habang ipinagpapatuloy ang kampanyang iyon, naging miyembro din ako ng isang organisasyon na may parehong layunin kasama ng iba pang mga empleyado. Doon ko nakilala si Grace. Tuwing bakasyon sa paaralan, nagkukuwento kami sa mga estudyante sa Malate, Pasay o Maynila. Ang karanasan na ito ang nagtulak sa amin na buuin ang programa ng The Storytelling Project. Nais naming makagiliwan at makaugalian ng mga bata ang pagbabasa at ginamit namin ang storytelling upang matulungan kaming makamit ito.

    “Madalas kasing nakikita bilang gawaing pampaaralan lamang ang pagbabasa at nais naming mabago ang pananaw na iyon. Ngunit kulang ito kung walang kultura ng pagbabasa sa komunidad na mabubuo lamang kung may suporta ng iba’t-ibang tao na mula rin sa komunidad nila. Kulang din ito kung wala o kapos sa mga materyal na babasahin ang mga bata. Dahil sa mga rasong ito kaya’t mayroong tatlong bahagi ang TSP.

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Sa unang bahagi, kami ay naninirahan sa komunidad ng isang buwan upang araw-araw basahan ang mga bata para makagiliwan at makaugalian nila ito. Sa ikalawang bahagi, kami ay tumutulong ayusin at kumpunihin ang lumang silid-aklatan o di kaya’y magpatayo ng panibagong istruktura. Pinupuno namin ito ng mga babasahing pambata mula sa iba’t-ibang lokal na tagapaglathala. Sa ikatlong bahagi, ipinagpapatuloy ng isang grupo ng kabataang mag-aaral (book club) ang nabubuong kultura ng pagbabasa sa pamamagitan ng mga gawaing nakasentro sa pagsulong ng pagbabasa.

    “Nakalulungkot ang balitang ito pero may magagawa tayo. Magtulungan tayo para maiangat ang reading comprehension level ng mga batang Pilipino. Laban lang!”

    Paano i-develop ang reading comprehension skills ng iyong anak? Basahain ang ilang tips dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close