-
Problema sa Pagsasama: Marriage Counseling Seminars na Maaari Ninyong Puntahan
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Aminin man natin o hindi, dito sa ating bansa, kadalasan ay hindi option ang marriage counselling kapag nagkakaroon ng problema ang mag-asawa. Kalimitan, sa mga kaibigan o hindi naman kay ay sa kamag-anak tayo humihingi ng tulong kapag hindi maganda ang takbo ng ating mga pagsasama. May mga pagkakataong wala tayong nahihingahan ng ating mga sama ng loob kaya’t mas tumatagal ang mga conflicts sa ating relationships.
Paano nga ba makakatulong dito ang marriage counseling?
Unang-una, makakatulong ang marriage counseling o couples therapy dahil pagkakataon ito para pagusapan ninyo ng masinsinan ang mga problema ninyong mag-asawa nang may taong gagabay sa inyong pag-uusap. Hindi maikakailang mahirap ito dahil hindi naman madaling aminin na hindi perpekto ang ating mga relasyon. Ngunit, sa pag-amin na kailangan ninyo ng tulong magsisimula ang ikagaganda ng inyong pagsasama.
Paano mo malalaman kung kailangan ninyong mag-asawa ng marriage counseling?
Ayon sa website na Very Well Mind, makakatulong para malaman ninyo kung kailangan ninyo ng marriage counseling sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong na ito:
- Madalas ba ninyong i-criticize ang isa't-isa?
- Marami at madalas ba ang defensiveness sa inyong pagsasama?
- Nararanasan niyo bang mag-withdraw o lumayo sa isa't-isa?
- Madalas ka bang makaramdam ng contempt o galit sa iyong partner?
- Naniniwala ka ba na hindi maayos at madalas ang komunikasyon sa inyong pagsasama?
- Mayroon bang pagkakataon ng infidelity, addiction, o abuse sa inyong pagsasama?
Kung higit pa sa isa sa mga ito ang nararanasan mo sa iyong pagsasama, maaaring kailangan na nga ninyong pumunta sa isang marriage counselor. Narito ang ilan sa mga rekomendasyon ng mga parents sa Smart Parenting Village:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDiscover Weekend
Facebook: @discoveryweekend1979
Ayon sa kanilang website, ang Discovery Weekend ay isang weekend experience para sa mga engaged couples o "steadies" na iniisip nang magpakasal. Isa sa mga goals ng programa nila ay ang bukas at honest na pag-uusap tungkol sa buhay may asawa. Mayroon din silang mga programa katulad ng "Art of Fighting" at "Sex and Intimacy."
Worldwide Marriage Encounter Philippines
Facebook: @wwmeamz
Kung naghahanap ka naman ng mas personal na experience para matutunan ninyong mag-asawa ang techniques ng loving communication, maaari kayong sumali sa Marriage Encounter Philippines. Ayon sa kanilang website, ito ang magandang pagkakataon para ibahagi ninyong mag-asawa ang inyong feelings, hopes, fears, joys, at frustrations sa isa’t-isa. Kung ang ibang mga marriage counseling o di naman kaya ay couples therapy ay ginagawa sa isang grupo, sa Marriage Encounter, pinahahalagahan ang privacy ninyong mag-asawa. Madalas, ang mga sessions dito ay ginagawa sa inyong silid.
Center for Family Ministry
Spiritual-Pastoral Center Ateneo de Manila University Campus
Loyola Heights, Quezon City
Telephone numbers : (632) 426-4289 to 92
Ang CEFAM ay kilala sa kanilang Marriage Enhancement Program (Staying on Track). Ito ay mga weekend seminars na maaaring tumulong sa iyo at sa iyong asawa pagdating sa pag-overcome ng mga challenges sa buhay may asawa. Sabi sa kanilang website, ilan sa mga concerns na focus nila ay parenting, finances, sex, at family concerns.
Christ's Commission Fellowship
Facebook: @ccfmain
Sa website pa lang nila, marami ka nang makukuhang magagandang downloadable resources na maaaring makatulong sa relasyon ninyong mag-asawa. Sa kanilang events page mo naman makikita ang mga activities na pwede ninyong salihang mag-asawa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNaranasan niyo na bang mag-asawa na sumailalim sa marriage counseling? Kumusta ang inyong experience? I-share mo na sa aming Facebook page. Pwede mo ring ibahagi ang iyong experience at recommendations sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

- Shares
- Comments