embed embed2
  • Daily Merienda, Weekly 'Christmas' Basket Mula Barangay, Puring-Puri Ng Mga Taga-Sta. Cruz

    Kaya naman lahat ng residente ay sumusunod sa mga patakaran ng community quarantine
    by Lei Dimarucut-Sison .
Daily Merienda, Weekly 'Christmas' Basket Mula Barangay, Puring-Puri Ng Mga Taga-Sta. Cruz
PHOTO BY Ann Abella/Facebook
  • Para sa maraming pamilya na pinagkakasya lang ang kaunting budget para sa pagkain at iba pang pangangailangan, mistulang pinahabang Mahal na Araw ang community quarantine dahil parang penitensya daw ito.

    Pero para sa mga residente ng Barangay 362 Zone 36 District 3 sa Sta. Cruz, Manila, pakiramdam nila ay napaaga ang Pasko.

    Kada Sabado kasi simula noong magsimula ang community quarantine noong March 16, 2020, nakakatanggap ang mga residente ng mga pagkain na mistulang pang-Christmas basket kapag inilabas na nila ang kanilang "mahiwagang timba."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May kasama itong bigas, gulay, gatas, pasta, tomato sauce, cheese spread, tinapay, de-latang tuna at sausage, pineapple juice, mga frozen goods, biskwit, noodles, at soft drinks.

    Pati ang mga alagang aso ay may rasyon ding dog food.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Bukod pa dito, araw-araw ay nag-iikot ang mga taga-barangay sa mga bahay para magpamahagi ng lutong merienda tuwing alas-tres ng hapon.

    Minsan champorado, minsan pandesal at palamang corned beef ang rasyon. Pag ibang araw, lomi, ginataang munggo, o bilo-bilo naman (na may kasamang pork barbecue).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong Abril, may "pa-birthday" edition din ang kanilang meryenda: baked macaroni, loaf bread, at lumpiang shanghai para sa mga hindi nakapag-celebrate ng kaarawan dahil sa quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na rin nila aalalahanin ang "pantulak" dahil kada linggo ay nire-refill ng barangay ang water jug para sa kanilang inumin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Malaki ang pasasalamat ng mga residente ng barangay sa kanilang chairman na si Ann Kristine Abella

    Ayon kay Abella, ang lahat ng ito ay kanilang ginagawa para hindi na kailanganing lumabas ng kanilang mga nasasakupan, nang sa gayon ay mabawasan ang posibilidad na sila'y mahawa ng COVID-19.  

    "I also want our people to receive the kind of aid that they would be happy to receive. "I like to put myself in their position and I often ask myself, 'If I will be the one who will be receiving the aid, what do I want to receive? What will I feel if I receive this kind of package?' 

    "It may not be very lavish but at least it's enough to convince them that they don't need to go out during the lockdown," ani Abella, ayon sa report ng Inquirer.

    Ayon pa sa report, kahit sagana ang rasyon nila ng mga pagkain sa mga residente, kaunti pa lang ang nabawas sa budget na Php 2.5 million ng barangay para sa buong taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karamihan sa ipinambibili ng ayuda ay mula sa donasyon ng mga kaibigan, mga pribadong mamamayan, at mga opisyal ng gobyerno, kabilang na ang ilan sa kanila sa barangay na nag-donate ng sahod.  

    Lahat daw sa mga residente doon ay pantay ang natatanggap na ayuda, kahit pa hindi botante.

    "Even if you are not a voter, you are entitled to the relief," dagdag pa ni Abella. 

    Kaya naman sa bahaging ito ng Sta. Cruz, wala halos lumalabas ng bahay, at lahat ay sumusunod sa curfew.

    Dahil dito, wala ring naitalang bagong kaso ng COVID-19 simula nang ipatupad ang community quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Puring-puri ng mga residente ng barangay ang mga pagsisikap ng kanilang mga opisyal.

    Tugon ni Abella, "When we talk to our residents they are really happy, and they tell us that they don’t really go out anymore. For us, that’s good enough."

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles