Sa pagbubukas ng mga pampublikong paaralan noong September 13, 2021, suspendido pa rin ang face-to-face classes. Pero may kakaibang naisip na paraan si Teacher Jessie Comprendio, 42, para sa kanyang mga estudyante.
Mahigit dalawang dekada nang guro si Teacher Jessie. Sa kasalukuyan, siya ay adviser ng 40 estudyante sa Grade 9-Blueberry sa Calinog National Comprehensive High School sa Iloilo province.
Ang ginawa niya naglagay si Teacher Jessie ng mga larawan ng kanyang learners sa mga silya sa classroom.
Sa panayam sa kanya ng CNN noong September 13, sinabi ni Teacher Jessie, “Ginawa ko ito para ma-feel ko na may mga bata akong kaharap habang nandiyan po ako loob ng silid at ginagawa ang mga module.”
“Gusto ko ring maramdaman ang pagiging isang guro na nagtuturo na kasama ang mga bata.”
PHOTO BY courtesy of Jessie Comprendio
Kalagitnaan ng August nang magsimula siyang kumuha ng mga larawan ng mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang online group chat. Humingi rin siya sa mga magulang ng mga estudyante ng permiso na mag-submit ang kanilang mga anak ng larawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa panayam naman sa kanya ng Philippine News Agency (PNA) noong September 11, sinabi niyang naisip niya ang ganitong sistema para kung sakaling makita niya ang sinuman sa kanyang mga estudyante sa labas, makikilala pa rin niya ang mga ito.
Dagdag pa niya, “We are still on blended learning, so, while organizing the modules on their respective chairs, I could still see the faces of my students.”
Naging madali rin para sa mga magulang ng kanyang mga estudyante ang pagkuha ng modules dahil hahanapin lang ng mga ito ang silya kung nasaan ang larawan ng kanilang anak.
Pagbabahagi pa ni Teacher Jessie, "Only parents are allowed to get modules. They will immediately identify where to get the modules of their children.”
Bukod sa larawan ng mga estudyante, nag-post din si Teacher Jessie sa writing board ng mga subjects at kung sino ang assigned mentors ng mga ito.
Sa labas naman ng classroom ay nagsabit siya ng mga basket na yari sa kawayan at nilagyan niya ang mga iyon ng mga subjects.
Dito sa basket ilalagay ng mga magulang ang modules ng kanilang mga anak. Bawas physical contact!
PHOTO BY courtesy of Jessie Comprendio
CONTINUE READING BELOW
watch now
Naghahanda na rin si Teacher Jessie para sa panahong papayagan na ulit ang face-to-face classes.
Sa sulok ng classroom ay gumawa si Sir Jessie ng “wash area” kung saan puwedeng ilagay ng mga estudyante ang kanilang hygiene kits kapag pwede na ang face-to-face classes.
PHOTO BY courtesy of Jessie Comprendio
May maliit na corner rin kung saan puwedeng magpahinga ang mga estudyanteng hindi maganda ang pakiramdam. Paliwanag ni Teacher Jessie, “This is required because we have an evaluation in preparation for face-to-face classes, should they be allowed.”
Pinuri naman ng school principal na si Ma. Emily Calumpang ang kakaibang ideya ni Teacher Jessie. Ito na rin ang ipinatutupad na sistema sa kanilang school ngayon na dapat gayahin ng iba pa nilang teachers.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.