-
This Mom Takes Care Of 65 Dogs And 19 Cats While Raising Her 4-Month-Old Baby
She urges parents to never neglect their pets after having a baby.by Judy Santiago Aladin .
- Shares
- Comments
.jpg)
Marahil isa sa pinaka-heartwarming at unique na gender reveal videos online ang ibinahagi nina June at Mariz Lacuesta noong March 2023.
Umabot ng milyon milyong views ang kakaibang gender reveal nila Mariz kung saan ang kanilang 63 rescued dogs na may mga asul na ribbon ang nagsilbing tagapagdala ng balitang sila ay magkakaroon ng baby boy.
Ang kanilang baby ngayon ay 4 months old na, at sila ay nagpaunlak ng ekslusibong panayam sa Smart Parenting. Nakausap namin si Mariz, 32, taga-Lucena City, Quezon Province, at ikinuwento niya kung paano siya nagsimula sa pag-rescue ng mga hayop, at kung paano ang buhay nila ngayong siya ay may 4 na buwang gulang na sanggol.
Paano nagsimula sa pagiging dog rescuers
"Nag-start po yung pinaka-first rescue namin ay 2011. 18 years old po ako noon, pero yung love ko sa dogs and cats ay simula pagkabata pa po," kuwento ni Mariz sa Smart Parenting via Zoom.
"Kami lang talaga ni mama, walang organization, walang kahit ano po. Siguro dinala nalang din ng tadhana na masimulan po yung dream ko noong bata pa," dagdag niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPangarap raw ni Mariz maging isang beterinaryo, ngunit dahil hindi raw siya galing sa marangyang pamilya, ay hindi niya pa naaabot ito.
PHOTO BY COURTESY OF MARIZ LACUESTA"Namimeet ko po sila [mga strays] sa sementeryo, kung saan malapit po yung bahay namin, doon na po nag-start," kuwento niya.
Sa ngayon, umabot na sa 65 na aso ang na-rescue nila Mariz. Meron din silang 19 na pusa na kasa-kasama nila sa kanilang tahanan sa Lucena.
CONTINUE READING BELOWwatch now"Nung nag-pandemic, ang dami po talagang strays. Mga inabanduna talaga, siguro wala na rin sila mapakain. Yung iba naniniwala na pwede sila maka-catch ng virus. Doon po mas nadagdagan yung mga alaga namin."
Bilang isang health worker, nakakalabas ng bahay noon si Mariz, kaya dinadalhan nila ng mga pagkain ang mga stray dogs sa kalye. Hanggang sa nababalitaan nalang nila na may mga aso na nabangga o nasa pound.
Buhay bagong nanay at nanay ng 65 na aso, 19 pusa
Pamilya kung ituring nila Mariz ang kanilang mga alaga, kaya naman, kasama ito sa lahat ng milestones sa buhay nila, maging sa kanilang pre-nuptial video, kasal, at maternity shoot.
PHOTO BY COURTESY OF MARIZ LACUESTAADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNitong May 13, ipinanganak ni Mariz ang kanilang unang na pinangalanan niyang Fidel Alexander via Caesarean section. Sa araw na kapanganakan niya ay pumanaw naman ang kanilang senior dog na si Lola Cory.
"Inayos po namin yung kanilang space bago lumabas si Totoy, kasi siyempre hindi dapat maging reason na magkaka-baby ako kaya pababayaan po sila." —Mariz Lacuesta
Katuwang niya naman ang kanyang ina na nakatira lang malapit sa kanila sa pag-aalaga sa kanyang anak at mga alaga. Matindi ang naging paghahanda nila para sa pagdating ng kanilang anak.
Ang mag-inang sina Mariz at Totoy (center) kasama ang kanyang asawang si June (left) at ang kanyang ina (right) na katuwang sa pag-aalaga ng kanilang mga anakADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Inayos po namin yung kanilang space bago lumabas si Totoy kasi para na rin po sa safety ng baby ko at nila, para wala pong masacrifice kasi hindi ko po sila pwedeng bitawan. Kasi sila 'yung unang kong naging anak, sila 'yung unang nag-bigay ng happiness, 'yung reason para bumangon araw-araw."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag niya, "Kasi siyempre hindi dapat maging reason na magkaka-baby ako kaya pababayaan po sila."
Hindi naging madali ang unang buwan ng pagkapanganak ni Mariz dahil nakaramdam daw siya ng "mom guilt."
"Sobrang hirap po, umiiyak ako araw-araw kasi pakiramdam ko po ay parang may pagkukulang na ako dun sa mga dogs ko kasi noong unang buwan hindi ko talaga sila nasisilip, nahahawakan."
Unti-unti, at sa tulong ng kanyang pamilya, ay kinakaya naman nila ito.
Tinanong namin kung hindi ba nahihirapan sa pagtulog ang kanyang anak gawa ng kahol ng 65 na aso. "Hindi naman po kasi hindi sila maingay kapag tulog na po ang lahat. Siguro po habang noong buntis ps po ako, diguro po nasanay na rin yung anak po."
Benepisyo ng pagkakaroon ng mga aso sa bata
Para kay Mariz, malaki ang tulong ng pagkakaroon ng mga aso sa paligid niya habang siya ay nagpapalaki rin ng bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Siguro po hindi ako mahihirapan ituro sa kanya kung paano irespeto yung mga kagaya po nila. Paano sila mahalin." —Mariz Lacuesta
"Nung newborn po si Totoy, feeling ko mas lalakas po ang resistensya ng anak ko kasi nasanay siya sa environment na may mga dogs. Tsaka nagbasa-basa din po ako ng studies na nakakatulong sa immune system ng bata 'yung may kasamang pet sa bahay."
PHOTO BY COURTESY OF MARIZ LACUESTA, APULPEN PHOTOGRAPHYADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDagdag pa niya, "Natutuwa ko na habang nagde-develop po si Totoy, siguro po namumulat siya agad sa ganitong environment. Siguro po hindi ako mahihirapan ituro sa kanya kung paano irespeto yung mga kagaya po nila. Paano sila mahalin."
"Tapos yung compassion po sa animals, hindi ko na kailangang ituro kasi habang nagde-develop, habang lumalaki, nakikita po niya yung ginagawa namin na magulang sa mga kagaya nila, yung pagtulong po."
Kaya naman, may mahalagang mensahe si Mariz sa mga magulang na ang tingin sa mga aso at hayop ay sagabal sa pagpapalaki ng isang malusog na bata. 'Wag raw sana iabanduna ang mga hayop kung sakaling sila ay magkaroon ng anak.
"Hindi naman po dahilan na magkakaroon kayo ng anak ay aabandunahin niyo na po ang aso ninyo. Kasi sila po yung una niyong naging anak, unang naging pamilya."
"Kawawa po ang mga aso ninyo. Hindi niyo alam ang pwedeng mangyari sa kanila sa pound."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIlan lamang sa 65 na rescued dogs nina June at Mariz LacuestaPHOTO BY COURTESY OF MARIZ LACUESTADagdag pa ni Mariz, kahit gaano kahirap at kagastos mag-alaga ng mga aso, kinakaya daw nila bilang "magulang" nila. Umaabot raw ng halos P50K kada buwan ang nagagastos nila sa pagkain at gamot ng mga alaga. Lahat ito ay may bakuna, nakakapon, at nadadala sa vet kung kinakailangan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Malaki kung sa malaki ang gastos, pero naniniwala po ako doon sa "God will provide." Kapag alam po ng Panginoon yung mithiin ng puso mo, na pure ang intentions mo para sa mga animals, hindi ka po nawawalan eh."
Kung nais magpaabot ng tulong sa mga alaga ni Mariz, bisitahin lamang ang kanyang Facebook page na ASPIN Tunay at Tapat.
What other parents are reading

- Shares
- Comments