embed embed2
  • 'Lagi Akong Dina-down Ng Asawa Ko. Wala Na Rin Akong Kaibigan At Tiwala Sa Sarili Dahil Sa Kanya'

    Ano bang dapat kong gawin?
    by Ana Gonzales .
'Lagi Akong Dina-down Ng Asawa Ko. Wala Na Rin Akong Kaibigan At Tiwala Sa Sarili Dahil Sa Kanya'
PHOTO BY Shutterstock
  • Isa sa mga concerns na malimit ilapit sa amin ng mga nanay ay kung gaano sila naging makakalimutin simula nang magkaroon sila ng anak.

    Marami sa kanila ang nagtatanong kung normal ba ito. Ayon sa mga eksperto, oo. Maraming nagbabago sa utak at katawan ng isang nanay simula pagbubuntis—tinatwwag ito ng mga eksperto na 'momnesia.'

    Nangyayari ito dahil bumababa ang brain cell volume sa utak ng isang bagong ina. Ibig sabihin, hindi lang lumiliit ang utak ng isang buntis, nagkakaroon din ito ng impaired cognitive functioning.

    Kaya naman hindi nakapagtataka na nagiging makakalimutin ang mga nanay. Pero ang momnesia na ito ay malimit na nagiging dahilan ng pag-aaway ng mga mag-asawa.

    Ito ang siyang ibinahagi sa amin ng ilang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Ayon sa kanila, madalas daw nagagalit ang mga partners nila kapag may mga nakakalimutan silang gawin o 'di naman kaya ay pag mali ang kanilang nagagawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kwento ng isang nanay, minsan daw ay nakalimutan niyang isilong ang mga sinampay nila kaya nabasa ito sa ulan. Nagalit ang asawa niya na para bang sinadya niya ito. Sabi sa amin ng nanay, nawala raw talaga sa isip niya ang sinampay nila, dahil na rin siguro sa matinding pagod.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Heto ang bahagi ng isang #SPConfessions na ipinadala sa amin. Inilathala namin ito na may pahintulot mula sa sumulat:

    #SPConfessions #1

    "Possessive ang asawa ko. Hindi naman siya ganito dati. Nawalan na ako ng mga kaibigan dahil sa kanya. 'Yung iba, kusa nang umiwas dahil sa ugali niya. 'Yung iba, na-offend niya."

    "Lagi niyang sinasabi na kaya raw pumupurol ang utak ko ay dahil sa mga kaibigan ko. Masakit siyang magsalita. Hindi ko siya maintindihan madalas."

    #SPConfessions #2

    "Lagi akong dina-down ng asawa ko. Halos lahat ng ginagawa ko, nilalait niya. Wala siyang bilib sa mga achievements ko. Siya lang ang may trabaho sa aming dalawa. Siya ang nagdedesisyon kung paano namin gagamitin ang pera."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng sarili kong pera, nagsimula akong mag-bake. Nagbebenta ako ng mga baked goods ko sa mga kakilala. May maliit na rin akong following online at may ilan na rin akong suki."

    "Sa halip na i-congratulate niya ako, lagi niyang sinasabi na malulugi rin ang business ko dahil magsasawa rin ang tao sa baked goods ko."

    "Hindi ko maintindihan. Asawa ko siya. Hindi ba dapat supportive siya sa mga ginagawa ko? Supportive naman ako sa kanya. Bakit kaya hindi niya kayang gawin iyon para sa akin? Minsan, gusto ko na lang makipaghiwalay."

    Payo ng mga nanay sa Village, walang hindi nadadaan sa mabuting usapan. Paliwanag nila, kapag kasi ganito kang tratuhin ng asawa mo, ibig sabihin, mababa ang tingin niya sa iyo—isang bagay na hindi mo agad mababago.

    Sa halip na pilitin siyang makipag-usap sa iyo, lalo na kung ayaw niya, makakatulong kung may gigitna sa inyo na tulad niyang asawa at tatay din. Para, mas bukas ang isip niya sa mga opinyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Makakatulong din kung didistansiya ka muna sa kanya. Hindi para iparamdam sa kanya ang galit mo, kundi para maibalik mo ang respeto mo sa sarili mo.

    Palibutan mo ang sarili mo ng mga taong naniniwala sa kakayahan mo. Sa ganitong paraan, hindi mawawala ang tiwala mo sa iyong sarili ano man ang sabihin ng iba.

    May #SPConfessions ka bang gustong ibahagi? Ipadala mo lang 'yan sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles