Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • #SPConfessions: May Mga Bagay Sa Buhay Na Sa Huli Mo Na Lang Pagsisisihan

    Maraming nangyayari sa buhay na hindi natin inaasahan at wala sa ating control.
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: May Mga Bagay Sa Buhay Na Sa Huli Mo Na Lang Pagsisisihan
PHOTO BY iStock
  • Hindi madaling maging ina at asawa. May mga pagkakataon talagang mapapabayaan mo ang isa sa dalawang roles mo na ito. Isama mo pa ang pagiging empleyado at siguradong aabot ka sa punto na mawawalan ka ng tulog at mahihilo ka sa pagod. 

    Sa isang #SPConfessions na natanggap namin mula sa Smart Parenting Village, ibinahagi sa amin ng isang nanay kung gaano kahirap gampanan ang kanyang mga roles sa buhay.

    More from Smart Parenting

    Nagiguilty ako kasi there are times na naiisip ko na sana hindi na lang ako nag-anak or hindi na lang muna ko nag-asawa. I was 28 when I got married, both of us ay may magandang work, overseas Filipino worker si husband. I told him na huwag muna kaming magbaby dahil gusto ko munang ma-enjoy ang buhay na kami lang dalawa. Sa puntong iyon lang din ng buhay ko ako naging financially stable. Nagpaaral kasi ako ng dalawang kapatid kaya kahit maganda ang work never ko pa nagawa ang mga gusto ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi pumayag ang asawa ko. Kaya nga daw kami nagpakasal ay para bumuo ng pamilya. Kaya naman pagkatapo ng kasal, nabuntis ako agad.

    More from Smart Parenting

    Mahal na mahal ko ang anak ko at siya ang buhay ko. Pero sobrang pagod na ako physically at mentally. Sobrang clingy at iyakin ang anak ko. Nanganak ako ng wala ang husband ko dahil OFW siya. Ang kasama ko lang noon ay ang nanay ko, pero pakiramdam ko ay napilitan lang siyang samahan ako. 

    Aminado naman ako na sobrang mainitin ang ulo ko, lalo na pagkatapos kong manganak. Pagod na pagod na kasi ako and I was thinking na dapat sila naman ang umunawa sa akin.

    Bagong CS ako at halos walang tulog dahil sa sobrang iyakin ng anak ko. Pero sa halip na unawain, inaaway pa ako ng nanay ko.

    Sobrang pagod na ako physically at mentally.

    Dahil dito, pinauwi ko kaagad ang asawa ko. Pero nang dumating siya dito, hindi rin niya naibigay ang pangunawa na hinahanap at kailangang-kailangan ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabait naman siya at masipag pero mainitin ang ulo niya at may tendency siyang sisihin ako palagi. Malas din kami sa mga nakukuha naming kasambahay. Apat na kasambahay na ang lumayas sa amin ng may malaking utang.

    More from Smart Parenting

    Nang mag-isang taon ang anak ko, nakiusap ako sa asawa ko na huwag munang bumalik sa ibang bansa, lalo na’t maayos naman ang buhay namin financially. Hindi siya pumayag. Dream job daw niya iyon at baka raw mahirapan na siyang makapuntang muli sa ibang bansa kung hindi siya babalik agad. 

    Halos magdadalawang taon na si baby pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maayos na tulog. Malakas kasing dumede ang anak ko sa gabi kaya madalas din ang pagpapalit ko ng diaper. 

    More from Smart Parenting

    Umabot na ako sa puntong halos tatlong gabi at tatlong araw akong walang tulog pero pumapasok pa rin ako sa opisina. Sa katunayan, ilang promotions na rin ang tinanggihan ko dahil natakot ako na baka hindi ko na kayanin pang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa aing anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dito ko na pinilit muling umuwi ang asawa ko dahil nakakasakit na ako sa sobrang pagod. I know he is trying his best para maibigay ang lahat ng pangangailangan ko, pero hindi ko pa rin maramdaman na naiintindihan niya ako.

    More from Smart Parenting

    Palagi niyang isinisisi sa akin ang pagiging iyakin ng anak namin. Sinanay at inispoil ko raw kasi kaya maligalig. Kahit na dalawang taon pa lang ang anak namin, pinapalo na niya ito lalo na kapag umiinit ang ulo niya dahil malikot, iyakin, at makulit ang anak namin. Kaya naman kahit hilong-hilo na ako sa pagod at antok, ako pa rin ang kumukuha sa anak namin para lang hindi mapalo ‘yung bata. 

    I know I am not a perfect wife. Mainitin din ang ulo ko dahil sa pagod. Mabilis akong magalit kapag hindi niya agad nagagawa ang mga gusto ko.

    More from Smart Parenting

    Ang gusto ko kasi, sa amin ni baby ang full attention niya. Pero tama siya. Sinabi niya na minsan sa akin na hindi siya robot at hindi niya kayang agad-agad na gawin ‘yung mga pinapagawa ko sa kanya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    We tried to talk about it, pero madalas ay nami-misinterpret niya ang mga sinasabi ko—lalo lang kaming nag-aaway. 

    I am so tired of everything. Gusto kong unawain si husband pero pagod na rin akong palagi na lang ako ang nag-aadjust for him. At lalo pa nanghihina ang pakiramdam ko kasi nagi-guilty ako kapag naiisip ko na sana ipinilit ko na lang ‘yung gusto ko na huwag muna kaming mag-baby.

    I am so tired of everything.

    Sobrang mahal ko ang baby ko pero parang nasu-suffocate na ko sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. At sobrang nakakapagod na ang pagiging iyakin niya.

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles