embed embed2
  • #SPConfessions: Toxic Daw Ako At Iba Pang Dahilan Kung Bakit Nangaliwa Si Hubby

    'Gusto ko siyang alagaan tuwing uuwi siya, pero sinong gaganahan kung lagi kang may nalalaman?'
    by SmartParenting Staff .
#SPConfessions: Toxic Daw Ako At Iba Pang Dahilan Kung Bakit Nangaliwa Si Hubby
PHOTO BY Shutterstock/CandyRetriever
  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

     

    Bago pa lang kami sa pagpapamilya. Sobrang hirap pala talaga.

    Matagal na kaming hindi okay ng husband ko. Noong isang taon pa. Ilang beses ko rin siyang nahuling may babae—kahit noong bago kami ikasal.

    Ngayong ganap na mag-asawa na kami, mayroon nanaman siyang iba. Malala kasi katrabaho niya. Nag-usap na kami ng babae, tinigilan na raw nila. Naging okay kami ng babae pero kami ng asawa ko, hindi na. Para sa kanya, hiwalay na kami.

    Nasa long-distance relationship kami. Solo kong inaalagaan ang baby namin. Ako lahat ang gumagawa ng gawaing-bahay at pag-aalaga. Tinutulungan din naman ako ng mga in-laws ko.

    Ang hirap kasi ayaw na talagang ayusin ng asawa ko 'yung pamilya namin. Sabi niya, ito raw ang ilang dahilan.

    Toxic daw ako

    Siguro dahil madalas ko siyang awayin. Dahil din naman ito sa mga desisyon niya. Nakikipag-inuman sa halip na umuwi na. Ilang buwan kayong hindi nagkita, tapos sa kaibigan pa mapupunta ang oras niya.

    Hindi ako mahigpit. Hinahayaan ko pa nga sila dati. Ipinagluluto ko pa ng pulutan. Tinutulungan ko pang magligpit pagkatapos.

    Hindi ko raw siya nirerespeto

    Ayaw niyang nagsasabi ako sa ibang tao ng mga problema namin. Naintindihan ko naman siya, pero nang minsan akong sa kanya nagsabi, hindi naman niya ako pinakinggan. Pumasok sa isang tenga, pero lumabas lang din sa kabila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wala raw akong pangarap o plano sa buhay

    Stay-at-home mom ako. Nag-resign ako sa trabaho para maalagaan ko ang anak namin. Happy naman at talagang natututukan ko. Dati sabi niya okay lang daw maging stay-at-home mom ako. Ngayon, hindi na niya maalalang sinabi niya iyon.

    Siya marami siyang mga goals. Gusto raw kasi niya ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Ako, okay na ako na hindi ganoon kayaman. Basta buo ang pamilya ko at maganda ang pagpapalaki sa anak ko.

    Attitude ko raw talaga ang problema niya sa akin. Matapang ako pero marupok din. Nagagalit siya na naging mahigpit ako sa kanya. Lagi na kasi akong nagdududa.

    Sabi ko sa kanya, kung tumino lang siya noong unang beses na sinabihan ko siya, hindi kami nahihirapan ngayon.

    May mga pagkukulang ako. Pero pilit kong pinupunan ang mga iyon. Gusto kong alagaan siya tuwing nandito siya, pero sino namang gaganahan kung tuwing uuwi siya may nalalaman ako?

    Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil pinapatatag Niya ako. Hindi ko alam kung postpartum depression na itong dumapo sa akin dahil sa sobrang sakit at hirap ng mga nangyayari. O baka meron lang ako nito, hindi ko lang napapansin.

    Madalas kasi iritable ako. Madalas galit, lalo na sa kanya. Mas gusto ko na kami na lang ng anak ko. Ayaw ko siyang kausap.

    Minsan naiisip ko na ring sumuko na lang at magpakalayo. Kaya lang, lagi namang hinahanap ng anak ko ang tatay niya. Naaawa ako na lumaki siyang hindi buo ang pamilya.

    May natitira pa ring kaunting pag-asa sa akin na magbabago ang asawa ko dahil nagsisimula pa lang kami. Sobrang dami pang adjustments na kailangan. Mabait naman kasi talaga siya at maalaga sa bata lalo na nung nanganak ako.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maa-appreciate ko ang advice ninyo. Lalo na kung ano 'yung dapat baguhin at ayusin sa akin.

     

     

    Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.
    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

     

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles