;
embed embed2
  • Aminado Si Rodjun Cruz Sa Mga Simpleng Kinaiinisan Sa Kanya Ng Asawa

    Ikinasal si Rodjun kay Dianne Medina noong December 2019.
    by Jocelyn Valle .
Aminado Si Rodjun Cruz Sa Mga Simpleng Kinaiinisan Sa Kanya Ng Asawa
PHOTO BY Instagram/Rodjun Cruz Ilustre
  • Bago pa ang December 2019 wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, nagkaroon sila ng engagement noong 2017 pagkatapos ng 10 years bilang mag-boyfriend at girlfriend. Kaya talagang kilala na nila ang isa't-isa.

    Kuwento ni Rodjun sa Dibdibang Usapan interview niya sa SmartParenting.com.ph, alam niya kapag naiinis sa kanya si Dianne. Kapag daw kasi nagwo-work out siya sa personal gym niya sa bahay nilang mag-asawa, binubuksan niya ang mga ilaw, pati ang aircon at electric fan.

    "So minsan," lahad ng actor/dancer/entrepreneur na may ngiti, "nakakalimutan kong nakabukas ang ilaw, nakabukas ang aircon. Di ko napapatay. Ang dami ko ring iniisip. Magugulat siya, nakabukas ang ilaw ng buong bahay. Minsan, ’yung electric fan."

    Pagkatapos mag-work out ni Rodjun, may isa pa siyang habit na malamang daw kinaiinisan din ng kanyang asawa: "Nakakalat ang medyas ko, mga damit ko."

    Mabilis naman niyang dugtong: "Pero unti-unti, natututo na ’ko. Minsan-minsan na lang para mainis naman siya sa akin."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkuwento pa tungkol sa buhay mag-asawa ang GMA-7 star, na napapanood sa All-Out Sundays at iba pang shows. Aniya, "Ang maganda sa amin ni Dianne, pinag-uusapan namin ang lahat. Ang mahirap kasi sa iba, kaya lumalaki ’yung away kasi shini-share muna sa friends."

    Paliwanag niya, "Siyempre lumalaki ang gulo. Imbes na i-resolve n’yo together, lumalaki ang gulo. May advice na tama, may advice na mali. Pero kami ni Dianne, pinag-uusapan namin ang lahat and pinagpi-pray namin.

    "Iba-iba kasi ang mood natin. May time na hindi ka magpapatalo. May time na mainit ang ulo mo. Siguro, give and take. Siyempre kailangan mo siyang intindihin. Siya rin, kailangan niya akong intindihin. Pinag-uusapan namin lahat ng bagay-bagay. Ayaw naming palakihin ang away.

    "Kung kayang ayusin kaagad, inaayos na namin. Siguro three days, max na ’yun. Pag-usapan n’yo kung bakit n’yo minahal ang bawat isa. Minsan kasi pride. ‘Ako ang lalaki, dapat ganito.’ ‘Hindi! Ako ang babae, dapat liligawan n’ya ’ko, susuyuin n’ya ’ko.'

    "Pag love n’yo ang bawat isa, mag-adjust kayo sa bawat isa. Intindihin n’yo ang bawat isa. Mahirap na mawala sa ’yo ang taong mahal mo, di ba, dahil sa simpleng pag-aaway."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Masayang pahayag ni Rodjun na "blessed" siya sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Dianne (basahin dito ang kanilang love story) at biniyayaan sila kaagad ng anak na si Baby Joaquin. Ika nga niya, "Siguro may nagawa akong mabuti sa buhay ko kaya na-deserve ko si Dianne at saka si Baby Joaquin."

    Noon daw wala pa si Baby Joaquin, sabi ni Rodjun, siya ang parang baby ni Dianne. Pinaghihimay pa raw kasi siya kapag kakain sila ng isda o hipon at saka ginugupitan ng kuko.

    Nagbigay ng paliwanag si Rodjun, na sangkot ang pumanaw nang nanay nila ng kapwa artista na si Rayver Cruz. Saad niya, "Na-baby kasi ako ng Mama ko, eh. Noong bata ako, siya ang naghihimay sa akin ng hipon o isda. So since si Mama nasa heaven na, si Dianne ang gumagawa no’n.

    "Bineybi ako ni Mama kasi noon, natinik ako nang sobra. Simula noon, ang naghihimay, ang Mama ko. Pati hipon. So ngayon, si Dianne ang gumagawa no'n. Hanggang nagpunta na sa heaven si Mama, siya ang gumugupit ng nails ko sa paa at saka sa kamay. ’Yon ang lambing ko sa Mama ko.

    "Noong bago pa kami ni Dianne, siya ang gumagawa no’n. Pero ngayong may Baby Joaquin na, natuto na rin ako. Siyempre ang time ni Dianne, kay Baby Joaquin." (Basahin dito kung paano sila humawak ng pera.)

    Mapapanood ang Dibdibang Usapan ni Rodjun at iba pang episodes sa Smart Parenting YouTube channel.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles