embed embed2
Ang Pag-aasawa Ay Ang Paulit-ulit (At Walang Tigil) Na Pagpili Sa Isa't-Isa Araw-Araw
PHOTO BY Shutterstock
  • Mailap ang sagot sa tanong na ito: What is the secret to a successful marriage?

    Ngunit sa pagdaan ng panahon, parami nang parami ang nagsasabing bukod sa komunikasyon, kailangan niyo ring piliin ang isa't-isa araw-araw.

    What other parents are reading

    Bakit? Dahil ang isang pagsasama ay nagbabago habang tumatagal. Sa umpisa, lahat maganda, lahat kaaya-aya.

    Hindi mo pa napapansin ang kapintasan ng isa't-isa. O kung mapansin mo man, wala kang pakialam—bulag ka pa, sabi nga nila.

    Pero habang tumatagal, makikita mo na ang mga hindi niya kaaya-ayang ugali. Mare-realize mong may mga hindi ka rin pala gusto sa kanya.

    Dito na papasok ang pagpili sa kanya araw-araw. Dito na magsisimula ang pananatili sa inyong relasyon sa hirap o ginhawa, ano man ang inyong pinagdadaanan.

    Kung noon, ang nagpapakilig sa inyo ay date nights, flowers, at iba pang materyal na regalo, ngayon, kumpletong tulog, malinis na bahay, at malusog na mga anak na ang mas nakakakilig.

    Kung dati, todo post kayo sa Facebook tungkol sa inyong pagsasama, ngayon ay kaya niyo nang tahimik na i-admire ang isa't-isa.

    Araw-araw magbabago ang inyong relasyon. Ngayon, ang pagpapakita ng appreciation ay wala na sa mga grand gestures. Naroon na ito sa simpleng pagtitimpla ng kape para sa isa't-isa.

    Nasa pagtatapon ni hubby ng basura kapag umaapaw na ang basurahan. Nasa pagtutulungan ninyo sa paglilinis ng bahay. Nasa paghahalinhinan ninyo sa pag-aalaga sa mga bata.

    Lalalim ang pagsasama ninyo. Ang kilig at pagmamahal ay mas dama na kapag sinusuportahan ninyo ang isa't-isa. Kapag naaalala ka niyang gisingin sa tuwing may sale online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag alam niyang pagod na pagod ka na kaya siya naman ang hahalili para makapagpahinga ka.

    Ang commitment ninyo ay makikita, hindi lang sa sinumpaan ninyo nang kayo'y ikasal. Makikita na ito sa dedikasyon ninyo sa isa't-isa.

    Sa pag-aalaga ninyo sa inyong pagsasama. Sa pagpili ninyo sa isa't-isa araw-araw kahit mahirap na. Kahit hindi kayo laging magkasundo. Kahit may mga pagkakataong hindi ninyo maintindihan ang isa't-isa.

    Hindi kasi minu-minuto ay nakakakilig ang isang relasyon lalo na kung matagal na ito. Pagtatrabahuhan ninyo ang inyong pagsasama at pipiliin ninyo ang isa't-isa nang paulit-ulit gaano man kaganda o kapangit ang inyong pinagdadaanan.

    Maraming kailangan para maging matagumpay ang isang pagsasama—communication, humor etc. Pero wala na yatang mas mahalaga sa araw-araw na pagpili sa isa't-isa.

    Paano ninyo pinapanatili ang 'spark' sa inyong pagsasama? I-share mo na iyan sa comments section. 

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close