-
'Nagpakababa Ako': Bakit Hindi Tayo Umaalis Sa Toxic Relationship Ayon Kay Iza Calzado
Ayon kay Iza at Bianca Gonzalez, ito ang mga tanda ng toxic relationship.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments
Isa na siguro sa mga pinakamahirap aminin ay ang katotohanang nasa loob ka ng isang toxic relationship. Kapag inamin mo na kasi ito sa sarili mo, ibig sabihin ay kailangan mo na itong gawan ng paraan—aalis ka o titiisin mo?
Sa isang makabuluhang episode ng Paano Ba 'To, tinalakay nina Iza Calzado at Bianca Gonzalez kung bakit nga ba hindi agad umaalis ang isang babae (o lalaki) sa isang toxic relationship.
"It is a question of your self-worth," sabi ni Iza. "Obviously, may love 'yun. Hindi mo pwedeng tanggalin 'yung love, especially in the beginning."
Ibinahagi ni Iza na siya mismo ay nakaranas na hindi umalis sa isang relasyon na hindi na mganda sa kanya. "The more toxic it was, the more I was attached to him," kwento niya.
"The more he pushed me away, the more I wanted to be with him." Sabi pa niya, mas na-challenge pa siyang patunayan sa sarili niya at sa ibang tao na hindi siya mali sa pinili niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Eventually, people were verbalizing na he wasn't good to me," sabi niya. "Umabot pa sa point na hindi na ako nagke-kwento sa mga tao sa paligid ko."
Bakit hindi tayo umaalis sa isang relasyon na hindi na mabuti sa atin?
Sabi ni Iza, tanungin mo ang sarili mo, "What was I attached to? Was I attached to the love? Or was I attached to the drama?"
Ikinwento rin ni Iza na ang toxic na pagmamahal na pilit niyang hinahawakan ang siya ring klase ng pagmamahal na kinalakhan niya. "For me, that drama was familiar," sabi niya.
"That is what I grew up with," dagdag pa niya. "There was drama in our home. I was attached because I thought that was what love was like. That was what love was like in our home growing up."
"It made me feel alive, it made me feel good. And even during the painful moments, I was so alive. Siguro that's the artist in me," sabi pa niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAgree si Iza at Bianca sa isa't-isa na kapag nadoon ka na sa sitwasyong iyon, napakahirap makita na toxic ito.
Hindi rin daw tama ang konsepto ng 'you complete me'. "It's a romantic idea," sabi ni Iza. "Pero it's not true. The only person that can complete you is you."
Isa pang dahilan kung bakit hindi umaalis ang mga tao sa isang toxic na relasyon ay dahil sa paniniwalang mababago pa ang toxic na tao.
Sabi ni Bianca, dati rin niyang inakalang mababago niya ang isang tao. Ngunit habang tumagal ay napagtanto rin niyang hindi posible iyon. "No matter what I do, I cannot change him, because he will have to change for himself if he wants to," sabi niya.
Anu-ano ang mga tanda na nasa toxic relationship ka?
Kapag hindi mo na kilala ang sarili mo
Kwento ni Iza, umabot siya sa puntong tumitingin na siya sa phone ng partner niya. "Tumitingin ako sa messages. Ang baba!" sabi niya. "Nagpakababa ako."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWUmabot din daw siya sa puntong naging masyado siyang selosa. "I think kapag ganun na, these are signs na it's not healthy anymore," sabi niya. "Babalik ka na sa 'ako pa ba 'to?'"
Kapag lagi ka nang umiiyak
"You have to weigh the pros and cons," sabi ni Iza. Sabi pa niya, pwede itong isulat para makita mo kung bakit ka pa naroon sa relasyon na iyon.
Kung hindi ka na napapakinggan
Sabi naman ni Bianca, dapat ay may boses ka habang ikaw ay nasa isang relasyon. "In a relationship, both of you have a voice," payo niya. "If it comes to a point na feeling mo wala ka nang boses, sign 'yun."
Kung wala nang growth
Dagdag pa ni Bianca, kailangang may growth kayo individually at bilang couple. "If you feel your partner does not support you in either of those planes, mahirap—ang relationship ay two-way," sabi niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakikita mo ba ang mga tanda na ito sa relasyon na kinabibilangan mo ngayon? Kung oo, baka hindi mo namamalayang nasa toxic relationship ka. Panoorin mo ang kabuuan ng kwentuhan nina Bianca at Iza dito:
What other parents are reading

- Shares
- Comments