-
Bakit Nangangaliwa Si Mister Kahit Masaya Naman Ang Pagsasama Nila Ni Misis?
May paliwanag ang isang relationship therapist.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Marami sa kuwentong #SPConfessions mula sa Smart Parenting Village ang tungkol sa cheating. Kadalasan, mga mommy sa online community ang nagiging biktima kung bakit nangangaliwa si mister. Ilan sa kanila ang nasalba ang buhay may-asawa at ang iba naman ay nauwi sa hiwalayan.
Tumaas pa nga raw ang insidente ng pangangaliwa o infidelity nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020. Nakakahanap ng paraan kahit pa limitado ang paglabas at malimit nakapirmi lang sa bahay. Meron naman daw kasing dating sites at apps, kaya digital na rin ang pangangaliwa (basahin dito).
Mga dapat tandaan kung bakit may nangangaliwa
Nagbigay ng paliwanag ang relationship therapist na si Esther Perel sa kanyang TED talk kung bakit nangyayari pa rin ang infidelity kahit masaya naman ang pagsasama ng mag-asawa.
Hindi parating sex ang dahilan ng infidelity
Kadalasan sa extra-marital affairs, sabi ni Perel, hindi lang sex ang habol ng asawang nangaliwa. Mas lamang daw ang pagnanasa o desire, gaya ng pagnanasa sa atensyon o di kaya pakiramdam ng pagiging espesyal at importante.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng desire raw na iyon ang talagang nag-uudyok na humanap ng iba na makapagbibigay ng kanilang inaasam. Maaaring may kinalaman ang sex para sa mga kalalakihan at companionship naman para sa mga kababaihan.
Hindi parating ang kakulangan sa relasyon o karelasyon ang dahilan ng pangangaliwa
Kapag naghanap ng iba ang asawa, lahad pa ng relationship therapist, hindi ibig sabihin lumalayo siya sa iyo. Ang nilalayuan daw talaga ng asawa ay ang sarili niya at kung sino siyang talaga.
Sabi nga ni Perel, "It isn't so much that we're looking for another person, as much as we are looking for another self."
Hindi lang isa ang rason kung bakit humahanap ng iba
Sa isang extra-marital affair, ayon pa kay Perel, mayroong inaasam (longing, yearning) ang asawa. Kabilang diyan ang:
- Emotional connection
- Novelty (maiba lang, ika nga)
- Freedom
- Autonomy
- Sexual intensity
- Recapture lost parts of oneself
- Attempt to bring back vitality in the face of loss or tragedy
CONTINUE READING BELOWwatch nowPaalala ng relationship therapist na hindi kailangan magtapos ang inyong pagsasama dahil sa pangangaliwa. Marami raw sa mga mag-asawang dumaan sa problema ng infidelity ang pinili pa rin ang kanilang pagsasama kaysa magkahiwalay.
Sabi nga ni Perel, malalim man ang desire ng nangaliwa at malalim din ang betrayal, pareho iyong nahihilom. (Basahin dito ang kuwento ng pagpapatawad.)
Mga dapat tandaan sa pagreresolba ng pangangaliwa
Kapag nagpadesisyunan ninyong bigyan ng pangalawang pagkakataon ang inyong pagsasama, makakatulong na gawin ang ilang hakbang para talagang magkaayos kayo.
Aminin ang pagkakamali
Payo ni Perel na magsisimula lang daw ang healing ng mag-asawang sinubok ng pangangaliwa kung aakuin ng nagkasala ang kanyang ginawang mali. Dapat daw humingi ng sorry hindi lang dahil nasaktan niya ang asawa pero dahil nagkamali siya.
Nasa balikat na ngayon ng nagkamaling asawa ang malaking responsibilidad ng pangangalaga sa inyong relasyon at hindi makalimot sa nagawang pagkakasala upang makuha niyang muli ang iyong tiwala.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAngkinin muli ang self-worth
Kadalasaan sa mga misis na nangaliwa ang asawa, gumuguho ang kanilang mundo. Inakala kasi nilang "the one" na ang kanilang mister at nasa kanila ang pagkukulang kaya naghanap ng iba. Payo ni Perel na huwag hayaang lumiit ang tingin sa iyong sarili.
Makakatulong daw kung ipapatuloy ang mga gawain na nagpapasaya at nagbibigay ng kahalagahan sa iyong pagkatao. Isa pa ang paligiran ang iyong sarili ng mga taong naniniwala at nagtataas sa iyo.
Magbigay ng mga tamang tanong
Bagamat nararapat lang na magtanong ka tungkol sa extra-marital affair ng asawa, mas mainam daw kung iiwasan na mag-uusisa pa ng mga detalye. Piliin daw ang mga tanong na parang nag-iimbestiga para malaman ang dahilan at motibo kung bakit nangangaliwa si mister.
Subukan daw ang mga ganitong tanong na constructive ang dating:
- Anong ibig sabihin sa iyo ng kinasangkutan na extra-marital affair?
- Naranasan o naipahayag mo ba sa affair na iyon ang hindi mo na nararanasan at naipapahayag sa akin?
- Anong pakiramdam na bumalik ka na akin?
- Ano ba ang pinahahalagahan mo sa akin at ating pamilya kaya ka bumalik?
- Masaya ka ba na tapos na ang ating kalbaryo?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaalala pa ng relationship therapist na parating dalawa ang panig ng relasyon. Sa isang panig kung bakit nangangaliwa si mister, nariyan ang pait (hurt) at kataksilan (betrayal). Sa kabilang panig naman ang paglago (growth) at paghanap muli ng sarili (self-discovery). Kailangan pareho kayo ng tinatahak tungo sa pagbubuklod muli.
What other parents are reading

- Shares
- Comments