embed embed2
  • Best Contraceptive Ngayon? Dasal, Social Distancing, At Pagod, Sabi Ng Mga Nanay!

    Bukod sa pills, withdrawal, at calendar method, ito ang ginagawa nila para maging 'safe'.
    by Ana Gonzales .
Best Contraceptive Ngayon? Dasal, Social Distancing, At Pagod, Sabi Ng Mga Nanay!
PHOTO BY iStock
  • Kamakailan nga'y nagbigay ng paalala si Population Commission (Popcom) executive director Juan Antonio Perez III sa mga magulang na huwag kalimutan ang family planning lalo na ngayong ang mga tao'y nasa bahay lang. "Every time may crisis situation katulad nung Yolanda, ang situation ngayon mayroon tayong epidemic and magkakaroon ng restriction or nako-confine 'yung mga tao sa bahay, there's always a finding na tumataas ang reproductive health needs ng population," pahayag niya.

    "Life goes on lalo na sitwasyon na laging magkasama ang mga couples sa bahay at limited ang activities. We realize na hindi naman maiiwasan na magkaroon ng ganitong activity. We'd like to caution in general all couples to be responsible parents and we'd like to offer them the opportunity na makapagplano pa rin ng pamilya kahit sa panahon na ito," dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, madalas magtanong ang mga nanay kung ano nga ba ang pinakamagandang contraceptive. Sa pagakakataong ito at dahil na rin sa enhanced community quarantine, kakaiba at mas nakakatawa ang mga sagot nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Social Distancing"

    Kung may social distancing sa labas ng bahay, mayroon din sa loob—lalong-lalo na sa pagitan ni mommy at daddy! Maraming mga nanay ang natawa at nakarelate sa sagot ni mommy Joeselle Pena. Layo-layo na lang daw muna sila ni daddy sa isa't-isa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Abstinence din ang family planning method ng ilang mga nanay sa Village. Karamihan kasi sa kanila, hindi pa handang masundan ang mga anak.

    "Lockdown din kasi walang PPE si hubby!"

    'Yan naman ang sagot ni mommy Adelle Viray. Hashtag #CondomIsKey pa nga raw—mahirap na, baka masundan agad si baby.

    "Mobile games na lang para walang kalabitan!"

    Sabi nga nila, if you can't beat them, join them! Kaya naman ang ibang mga nanay, nakiki-mobile games na rin sa kanilang mga hubbies basta't tulog na ang mga bata. 

    Kwento nila, kaysa magkalabitan sila, pindot-pindot at attack-attack na lang sa cellphone! (LOL!) May mga mommies pa nga na hindi na binabawal ang mga asawa nila na maglaro sa gabi para pag nagsawa na si daddy sa kakalaro, tulog na si mommy! (wais technique!)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    "Pagod is key!"

    Ilan sa mga nanay at tatay sa Village na nakakapagtrabaho sa bahay, pagod na silang mag-asawa kaya wala nang 'zumba' sa gabi. Mayroong mga pagod sa pag-aalaga ng bata at may mga night shift ang trabaho.

    Marami rin sa mga parents sa Village ang frontliners kaya naman sagad talaga ang kanilang mga pagod pagdating sa bahay—hindi na naisisingit ang ano pa mang 'extracurricular activities'.

    May mga nanay at tatay din na ngayon nagdesisiyong ayusin ang ilang bahagi ng kanilang bahay. Ang ilan ay ngayon napiling maglinis, para ma-maximize ang oras na nasa bahay lang sila.

    "Si baby parang contraceptive na rin"

    Sabi ng ilang mga magulang, dahil sa likot at sobrang pagiging clingy ng kanilang mga anak, hindi na sila makapag-solo mag-asawa. 

    May mga nanay at tatay din na nagkwentong sumasama na sa kasi sa kwarto nila ang mga bata ngayon, kaya wala nang solo time.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Nakakatamad maligo"

    Siyempre nakaka-turn off nga naman kung hindi pa kayo naliligong dalawa, pero ayon sa mga magulang, effective itong family planning technique—samahan mo pa ng hindi pagsisipilyo at pagsusuklay.

    Pero siyempre, pabiro lang itong sinabi ng mga nanay. Importante pa rin ang kalinisan lalong-lalo na ngayon na may banta ng COVID-19. Sa katunayan, gumagawa pa nga ang mga nanay ng foot bath para sa mga asawa nilang namimili ng groceries. 

    What other parents are reading

    Ibinahagi rin ng mga nanay ang mga contraceptives na ginagamit nila. Ayon sa karamihan ng mga breastfeeding moms, maganda ang Daphne Pills. Bukod kasi sa affordable ito (Php200), karamihan sa mga nanay ay nagsabi ring regular silang dinadatnan simula nang gumamit nito. 

    Implant naman ang gamit ng ilan sa mga nanay. Kwento ng mga nanay, hindi naman ito masakit ilagay dahil sa local anesthesia. Kwento ng ilang mga nanay, medyo nag-gain sila ng weight pagkatapos nilang magpalagay ng implant.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Calendar Method naman ang sinusunod ng iba. Kwento nila, sinisiguro nila na on track at monitored ang mga araw na nag oovulate sila. Pwede mong gamitin ang aming Ovulation Calendar na ito kung gusto mo ng natural method. I-click mo lang ito.

    What other parents are reading

    Napakasarap magkaroon ng mga anak, lalo na kapag nakikita mo silang lumalaki ng maayos at malusog. Ngunit sa kabilang banda, sa hirap ng buhay ngayon, kailangan rin nating maging mga responsableng magulang. Kaya naman bago pa man magkaroon ng baby boom pagkatapos ng ECQ, maging wais na kayo ni hubby sa pagpaplano ng pamilya.

    Anong family planning method ang gamit ninyo? I-share mo na sa comments section.

    Para naman sa iba pang balita at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles