embed embed2
  • Nakakaiyak! Panoorin Ang Engagement Video Nina Bettina Carlos At Mikki Eduardo

    Kasama ng magkasintahan ang pinakamalalapit na miyembro ng kanilang pamilya sa proposal.
    by Ana Gonzales .
Nakakaiyak! Panoorin Ang Engagement Video Nina Bettina Carlos At Mikki Eduardo
PHOTO BY YouTube/Bettinna Carlos
  • Kamakailan lang ay ibinahagi ng aktres na si Bettinna Carlos ang masayang balita ng kanilang engagement ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo.

    READ MORE ABOUT CELEBRITY LOVE STORIES HERE:

    Matapos ang isang linggo ay inilabas naman niya sa kanyang YouTube channel na A Blessing Channel by abettinnacarlos ang kanilang engagement video. Bago mo pa man ito panoorin, ihanda mo na ang iyong sarili dahil nakakaiyak ito.

    Simple, ngunit talaga namang makabuluhan ang engagement surprise na ihinanda ni Mikki para kay Bettinna. Short notice lang ito ayon sa mga kaibigan at kamag-anak ng magkasintahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa umpisa ng kanilang engagement video, mapapanood mo ang best friend ni Bettinna na nagbibigay ng mensahe nito. "Sa wakas. This is it, bes," sabi niya. Ganito rin ang mensahe ng mga kapatid ni Bettinna na abalang-abala sa pagkakabit at paghahanda ng mga dekorasyon.

    Biro pa nga ni Ali Carlos, isa sa mga kapatid ni Bettinna, may isasagot na raw siya sa mga kaibigan niya kapag tinanong kung bakit wala pang asawa ang ate niya.

    Nagbigay din ng mensahe ang nanay at tatay ni Bettinna. "I'm so excited. I'm so kilig," sabi ni Mama Irene. "Gandahan mo 'yung tanong," biro pa nito. Happy at excited din daw si Papa Alex, "Happy for them. I think God is blessing all of them," sabi niya.

    Hindi rin maitago ang excitement ng lola ni Bettinna. "Masayang-masaya ako para sa apo ko," sabi niya. "Alam kong mahal na mahal siya ni Mikki. I'm praying na mahaba ang pagsasamahan nila."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainit namang tinanggap ng mommy ni Mikki si Bettinna sa pamilya. "Welcome to the family," sabi ni mama Nimfa. "The first day I saw you, alam kong magki-click tayo," sabi nito habang nangingilid ang luha. Biniro rin nito si Bettina, "Walang solian ha! 'Wag mo nang isosoli si Mikki!"

    Punong-puno ng pasasalamat ang panalangin ni Mikki bago siya mag-propose kay Bettinna. Nakapalibot sa kaniya ang kanilang mga mahal sa buhay, habang hinihintay pumasok si Bettinna.

    Nang buksan na nga ng aktres ang pinto, isang naiiyak na Mikki ang bumungad sa kanya habang kumakanta ng I Will Be Here. "I knew it!" Sabi ni Bettinna nang makita niya ang kasintahan.

    READ MORE ABOUT CELEBRITY LOVE STORIES HERE:

    Hindi na namin iso-spoil pa kung paano nagpropose si Mikki kay Bettinna. Pwede ninyong panoorin ang kabuuan ng proposal video dito:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang nakakaiyak o unique na wedding proposal story? Ikwento mo 'yan sa ami sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles