embed embed2
  • Hindi lahat ng basketball players ay babaero.

    Ito ang nais linawin ng ABS-CBN host at influencer na si Bianca Gonzalez, 37.

    Nagsagawa ng question-and-answer activity si Bianca para sa kanyang followers sa Instagram nito lamang weekend.

    May nagtanong kay Bianca kung lahat daw ba ng basketbolista ay babaero.

    "False," sagot ng Pinoy Big Brother host.

    Malinaw na ang sagot ni Bianca ay ibinase niya sa kanyang personal na karanasan.

    Si Bianca ay six years nang kasal sa PBA player na si JC Intal, 37.

    May dalawa na silang anak: si Lucia, limang taong gulang, at si Carmen, 2.

    Pero inamin ni Bianca na hindi niya inakala noong makikipag-date siya sa isang basketball player kagaya ni JC.

    Si JC ay kasalukuyang kabilang sa koponan ng Phoenix Super LPG Fuel Masters.

    "To be honest, before I met JC, I had so many wrong preconceived notions about basketball players, to the point that

    I never thought I'd consider dating him," sabi ng Kapamilya host.

    Katwiran ni Bianca, wala sa propesyon ang pagiging babaero ng isang lalaki.

    "What I've learned is that wala sa klase ng trabaho ang pagiging babaero. Ang babaero, babaero.

    "Just like we can't generalize that we wanna end up with a businessman or a doctor kasi they are surely good husbands.

    "A career or choice of job doesn't define what makes a good man. A man decides to be a good man, regardless of career choice."

    Ikinasal sina Bianca at JC sa isang beach wedding sa El Nido, Palawan noong December 2014.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero bago ito, pinag-usapan ang kanilang engagement nang mag-propose si JC kay Bianca sa loob ng Ninoy Aquino International Airport noong March 2014.

    Papunta noon si Bianca sa London para kumuha ng short course sa journalism and design.

     

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles