embed embed2
Budget-Friendly Honeymoon Destinations sa Pilipinas
PHOTO BY iStock
  • Kalimitang kasunod ng kasal ang isang maikling bakasyon o iyong honeymoon. Isa ito sa mga inaasam na first vacation ng mga ikinakasal. Hilig pa naman ng mga Pinoy couples ang magpunta sa mga picture-perfect destinations at mag-celebrate ng mga romantic milestones sa mga beaches, kabundukan, romantic hotels, parks at iba pa.

    Kaya lang, dahil malimit maubos ang budget ng mag-asawa sa pagpapakasal, may mga pagkakataong naisasantabi na ang honeymoon. Kaya naman inilista namin ang ilan sa budget-friendly honeymoon destinations sa Pilipinas na bukod sa romantic, ay abot-kaya pa.

    More from Smart Parenting

    Sagada, Mountain Province

    Noon pa man ay kilala na ang Sagada bilang isang magandang pasyalan. Mas naging kilala pa ito nang maging isa ito sa mga locations sa pelikulang That Thing Called Tadhana. Bukod sa napakaganda ng mga tanawin dito, lubhang mababait din ang mga tao sa Sagada. 

    Isa ito sa mga paboritong puntahan ng mga magkasintahan o bagong kasal dahil maraming masasayang maaaring gawin dito tulad ng hiking, trekking, at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa sa mga nabanggit, nakakaengganyo rin ang katahimikan sa lugar—bagay na bagay sa kahit sinong gusto ng panandaliang pahinga mula sa ingay ng siyudad.

    Magiging mas malapit rin kayong mag-asawa sa kalikasan. Bagay ang lugar na ito para sa mga adventurous na couples. 

    Maraming affordable na homestay dito na pwede ninyong i-book. Mas masayang makitira sa mga residente dahil makikita mo ng malapitan ang mga kaugalian nila at matitikman mo rin ang mga masasarap nilang putahe.

    Activities:

    I-explore ang Sumaguing Cave at Lumiang Cave kung saan makikita ang mga hangging coffins

    Magtrekking sa Bomod-ok Bokong Falls

    Mag-kayak sa Lake Danum

    Magtrekking sa Marlboro Hill at Blue Soil Hill kung saan makakakita ng sea of clouds

    Budget (3 days, 2 nights):

    Sasakyan: Coda Lines roundtrip bus (Standard Airconditiones Bus, Manila to Sagada): Php760 each = Php1,520

    Tutuluyan: Single room na may kitchen: Php1,500 each per night = Php3,000 for one night

    Pagkain: Php150 each for three meals (Php450 per day) = Php2,700 for three days, for two people

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tourism Fees at Tour Guide: Php2,000 para sa dalawang tao

    TOTAL: Php7,870

    More from Smart Parenting

    Dasol, Pangasinan

    Isa pang patok na budget-friendly honeymoon beach destination sa Pilipinas ang Dasol, Pangasinan. Isa ito sa mga ngayon pa lang napapansin na white snad beach dito sa atin bansa. Ipinagmamalaki nila ang kanilang napakagandang view ng sunset. Marami rin silang perfect spots para kumuha ng mga litrato.

    Tiyak na magaganda ang mga memories na mabubuo ninyon mag-asawa sa Dasol. Maganda rin dito dahil hindi pa ito masyadong dinarayo ng mga turista. Tahimik ang lugar at wala pang masyadong tao.

    Activities:

    Island, beach hopping at diving sa Culebra Island, Polo Camaso Islet, Crocodile Island, Lagaratas Island Paratec Beach, Pao Beach at Balinmanok Beach

    Camping, kayaking, at trekking sa Salabusuban Falls

    Budget (2 days, 1 night):

    Sasakyan: Victory Liner roundtrip bus (standard airconditioned bus, Cubao to Dasol): Php700 = Php1,400

    Tutuluyan: Tent rental: Php800 to Php1,000

    Pagkain: Php150 each for three meals (Php450 per day) = Php1,800 for two days, for two people

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tourism Fees at Boat Fare: Php2,500 para sa dalawang tao

    TOTAL: Php4,200

    More from Smart Parenting

    Dinadiawan, Aurora

    Isa naman kilalang romantic beach destination ang Dinadiawan, lalo na para sa mga couples na mahilig mag-camping. Kung hindi niyo pa naranasang mag-camping sa beach, isa ang Dinadiawan sa mga magagandang lugar para masubukan niyo ito sa unang pagkakataon. Pwede pa kayong side trip sa Baler kung gusto niyong subukang magsurfing.

    Activities:

    Beach hopping sa Dinadiawan (Dipaculao) Beach, Bungan Beach, Disagadan (Dibutunan) Beach at Ampere Beach and Rock Formation

    Mag trekking sa Aleman Falls, Baul Falls, Panindiga (Dinidiawan) Falls at Bulangan Falls

    Mag surfing sa Baler

    Budget (2 days, 1 night):

    Sasakyan: Genesis roundtrip bus (standard airconditioned bus, Cubao to Baler): Php450 (Php900 per person) = Php1,800

    Tutuluyan: Sand and Star (tents) Php1,800 / Rooms Php3,000 to Php4,000

    Pagkain: Php150 each for three meals (Php450 per day) = Php1,800 for two days, for two people

    Environmental Fee, Tour Guide, At Transportation: Php2,000 para sa dalawang tao

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    San Rafael, Bulacan

    Kung gusto niyo namang mapalibutan ng magagandang ilog at malalagong mga puno, magandang pumunta sa San Rafael Bulacan. Relaxing, tahimilk, at payapa ang lugar—bagay na bagay sa mga bagong kasal. Dito, makakapagpahinga kayo at makakapagfocus ng mabuti.

    Activities:

    Magswimming sa mga waterfalls sa area

    Sumubok ng water at land sports na inooffer ng mga resorts

    Magpamasahe

    Budget:

    Baliwag roundtrip bus (standard air conditioned bus, from Cubao to Baliwag, Bulacan) = Php400 + Php200 para sa tricycle na maghahatid sa inyo papuntang San Rafael Riverside.

    Tutuluyan: San Rafael Riverside (tent): Php3,600 per night

    Pwede kayong magbook ng maaga para makakuha ng discount. Kasama na sa bayad ang paggamit ng lahat ng facilities sa resort at grillers. Pwede rin kayong magluto. May kasama ring libreng breakfast para sa mga overnight campers.

    More from Smart Parenting

    Alabang, Muntinlupa City

    Kung ayaw niyo namang lumayo para sa inyong honeymoon, pwede kayong pumunta sa Azumi Boutique Hotel sa Alabang. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibang-iba ang view sa hotel na ito. Tahimik din ang lugar at maganda ang disenyo ng buong hotel, mula sa lobby hanggang sa lounge, pati na rin sa mga kwarto. 

    Amenities:

    Entertainment area

    Pools

    Spa bars

    Outdoor lounges

    Budget:

    Room accommodation for two people: Php3,000 to Php4,000, depende sa luwag, pwesto, at view na mayroon ang kwarto

    Pagkain: May kasama nang breakfast for two ang room rates nila. Pwede rin kayong kumain sa Romulo's Cafe na matatagpuan sa loob mismo ng hotel. 

    Libre na ang mga amenities sa loob ng hotel maliban sa spa. May karagdagan ding bayad sa mga bars sa loob ng hotel. 

    Sasapat na ang total budget na Php5,000 kung gusto ninyong maghoneymoon dito.

    More from Smart Parenting

    Ilan lamang 'yan sa mga honeymoon destinations na pwede ninyong puntahang mag-asawa. Depende na lang iyan sa kung ano ang paborito ninyong ginagawa at kung anong buwan kayo ikinasal. May mga honeymoon destinations na maulan sa ilang bahagi ng taon habang crowded naman ang iba. Pwede niyo ring isama sa inyong wedding planning kung saan kayo pupunta sa honeymoon para handa na rin ito bago pa man kayo ikasal.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magandang isama niyo na rin ito sa budget ninyo para hindi naman makompromiso ang kalidad ng inyong unang bakasyon bilang mag-asawa.

    Saan kayo nag honeymoon ng asawa mo? Kumusta ang inyong experience? I-share niyo lang iyan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles