-
Bukod Sa Infidelity, Ito Ang Nakakasira Talaga Sa Pagsasama Ng Mag-Asawa
May mga paraan pa naman para mabigyang solusyon ito.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Normal lang sa isang mag-asawa ang hindi magkaintindihan. Natural lang din na magkaroon ng mga tampuhan at away—wala naman kasing relasyon na perpekto at ligtas mula sa mga hindi pagkakaunawaan.
Ngunit mayroong isang ugali o gawain na talaga namang nagiging mitsa ng hiwalayan ng mga magkarelasyon, lalo na sa mga mag-asawa.
Ito ang katamaran o ang indifference.
Bukod sa infidelity o pagangaliwa, ito ang pumapangalawa sa mga madalas idaing ng mga nanay. Sa katunayan, malimit humingi ng payo ang mga nanay tungkol dito. Sa katunayan, madalas itong pag-usapan sa aming online community, maging sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Bakit nga ba nakakasira ng relasyon ang pagiging indifferent sa pangangailangan ng partner mo?
Ipinaparamdam mo sa kanila na hindi mo sila priority
O hindi sila mahalaga. Ito ang unang 'ipinaparating' mo sa asawa mo kung hindi ka man lang magbanat ng buto sa loob ng bahay.
Kung iniisip mong sapat nang pagbabanat ng buto ang pagtatrabaho at pagpapasok ng pera sa inyong pamilya, kailangan mong maunawaan na ang pagiging magulang at pag-aasikaso sa bahay ay hindi lang trabaho ng isang nanay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIpinapakita mong wala kang pakialam
Lalo na kung hindi mo man lang pinapansin ang pangangailangan ng misis mo o ng anak ninyo. Mabigat ang pagiging ina—ang pag-aalaga ng mga anak ninyo, pag-aasikaso sa bahay, paninigurong pasok sa budget ang mga ginagastos ninyo at marami pang iba.
Mabigat ding maging tatay. Mahirap maghanap ng paraan para kumita nang maayos lalo na sa panahon ngayon. Dito papasok ang tamang komunikasyon at pagtutulungan ninyong mag-asawa. Higit sa lahat, kailangan ninyong pag-usapan at i-distribute ang responsibilidad ng isa't-isa.
Halimbawa, kung pareho kayong nagtatrabaho, pwede kayong magtalaga ng araw at paraan kung paano ninyo paghahatian ang mga kailangan ninyong gawin.
Siguradong may pakialam kayo sa isa't-isa ng asawa mo. At siguradong hindi ninyo gustong maramdaman ng isa't-isa na hindi niyo sila pinapahalagahan.
Kaya naman para hindi humantong sa hiwalayan o sa madalas na pag-aaway, mainam na pag-usapan ninyong mag-asawa ang mga responsibilidad ninyo at kung paano ninyo mapapagaan ang buhay ng isa't-isa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSa pag-uusap ng maayos niyo rin malalaman kung paano mahahati nang patas ang mga responsibilidad na kailangan ninyong gampanan.
Madalas ka bang awayin ni misis dahil hindi ka tumutulong sa mga gawaing bahay? O ikaw ba ang misis na hindi maintindihan kung bakit hindi mo maasahan ang tulong ni mister? Pwede mong ibahagi ang iyong experience sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

- Shares
- Comments