embed embed2
Carla Abellana: 'Mahirap Maging Babae, Pero Matatag Ang Mga Babae'
PHOTO BY INSTAGRAM /CARLAANGELINE
  • Sa lahat ng pinagdaanan ni Carla Abellana sa mga nakalipas na buwan, isa lang daw ang kanyang napatunayan—na malakas siya higit pa sa iniisip ng iba.

    Sa panayam ni Carla sa Youtube vlog ni Camille Prats, ibinahagi ng aktres kung ano ang tatlong bagay na maipapayo niya sa kanyang teenage self matapos ang mga pinagdaanan nitong pagsubok sa buhay.

    Saad ni Carla, "Number one na sasabihin ko [sa teenage self] alagaan mo yung sarili mo or huwag mong kakalimutan yung sarili mo.

    "Number two, kailangan mo magpakatatag. You have the rest of your life ahead of you.

    "There’s so much more in store for you kaya kailangan mo lang ng lakas ng loob.

    "And number three, ever since naman, I’ve always believed, hindi ko kailangan i-remind sa sarili ko pero tama iyan, always look back at the lessons you’ve learned from your family—your mom and lola—and how you were raised.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Lagi mong kapitan yun para you [can] go back to that old self na you stay grounded."

    "Just keep it up," dagdag pa niya.

    Keeping Silent

    Anim na buwan din ang itinagal nang pananahimik ni Carla tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang estranged husband na si Tom Rodriguez.

    Marami ang nagulat noong January 2022 nang mapabalitang hiwalay na sila ni Tom, matapos lamang ang tatlong buwan mula noong ikasal sila noong October 2021.

    RELATED: Carla Abellana Breaks Her Silence, Said She Married Tom Rodriguez Amid 'Red Flags'

    June 15, 2022, nagsalita si Carla sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan.

    Dito rin niya binitawan ang ilang makahulugang pahayag na "I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid."

    Hanggang noong June 17, 2022, ibinunyag ni Tom na diborsiyado na siya kay Carla. Isang U.S citizen si Tom kaya maaari siyang mag-file ng divorce.

    READ: Tom Rodriguez After Split With Carla Abellana: 'I'm With People Who Will Love Me Unconditionally'

    Pag-amin ni Carla, pakiramdam daw niya ay sumobra na sa kinakailangan ang naibahagi niyang impormasyon sa publiko patungkol sa breakup nila ni Tom.

    Kuwento niya, "Actually, kung tutuusin nga, I've seen other celebrities na as in zero, ilang taon bago nakapagsalita about whatever they went through.

    "Ako, feeling ko, I even shared too much or said too much, ganon yung feeling ko.

    "Parang did I give away my privacy or some details na hindi na dapat?"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sinubukan naman daw niya talagang manahimik para matuldukan na ang isyu, ngunit pakiramdam daw niya ay kailangan niyang magsalita para ilabas ang kanyang nararamdaman.

    Lahad niya, "Honestly, hindi madali yung mag-keep quiet and staying silent.

    "Hindi madali iyon. Sometimes ang public, they feel like you owe them an explanation or answers.

    "Kailangan din naman na mag explain tayo lalo na sa mga managers natin or whatever sa management ng network yung mga ganong bagay, kasi ayaw mo naman sila totally no idea.

    "Mahirap, gustuhin mo man na to keep quiet, but it also very hard.

    "But I tried my best talaga na hindi na magsalita, to stay silent, kasi hindi rin naman dahil sa ayaw ko but I owe na rin to myself."

    How to move on from a breakup

    Malaki ang pasasalamat ni Carla sa Diyos, sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at alagang aso na tumulong para makabangon mula sa sakit at lungkot.

    "Yung family ko talaga and prayers si God talagang lahat yung mga hindi mo masabi o ma-express kay God mo sabihin.

    "Hindi mo nga minsan dapat magsalita because He knows what's in your heart and mind.

    "Plus yung dogs ko. They give me so much joy. Iba yung emotional support ng pets.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Really yung dogs ko, hindi ko alam gagawin ko nung time na iyon without my dogs. They give me so much comfort.

    "Yung barkada ko also, yung aking soap-making, reading books.

    "Yung mga ganong bagay, sila yung nakatulong sa akin. Maraming ways, maraming outlets."

    'Malakas tayo'

    Samantala, kung may natutunan man daw si Carla sa mga pinagdaanan niya sa buhay, ito ang pagiging malakas at matapang.

    Ito rin daw ang maibibigay niyang payo sa mga kababaihang kasalukuyan ngayong may pinagdaraanan.

    Aniya, "Mahirap maging babae, aminin natin, di ba? Pero aminin din natin matatatag ang mga babae.

    "We are very emotional and very vulnerable, but then isipin natin na kaya e, you have it in you.

    "You feel sometimes na ganyang napaka-difficult and painful man ng situation or whatever you going through, parang feeling mo end of the world na or walang hope, but really kung may reason just to keep going do it for yourself."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, "Kaya mo iyan, you have it in you. Malakas tayo. Kailangan mo lang hanapin iyon sa sarili mo at alagaan mo yung sarili mo."

    What other parents are reading

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles