embed embed2
  • Bakit Ko Pinatawad at Tinanggap Muli ang Aking Asawa Matapos Niyang Mangaliwa

    Pinili ng inang ito na panatilihing buo ang kanilang pamilya.
    by Kitty Elicay .
Bakit Ko Pinatawad at Tinanggap Muli ang Aking Asawa Matapos Niyang Mangaliwa
PHOTO BY Pexels
  • Kapag nagtaksil ang iyong asawa, magagawa mo pa ba siyang balikan? Siguro ito na ang isa sa mga pinakamahirap na pagsubok na pagdadaanan ng kahit na sinong mag-asawa, at hindi lahat ay kayang magpatawad kapag nangyari ito sa kanila.

    Pero ayon sa isa sa mga readers ng SmartParenting.com.ph, posible pa ring magpatawad at piliin muli ang isang asawang nagkasala. Ibinahagi ng isa ang kanyang kuwento sa pamamagitan ng isang #SPConfession.

    What other parents are reading

    Bakit ko pinatawad at tinanggap ulit ang asawa kong may kabit?

    Hindi masyadong maganda ang simula ng 2018 sa aming pamilya. Ilang taon na akong nasa abroad bilang isang engineer at hindi pa ako nakakauwi ng Pilipinas. Umalis ang yaya namin sa Pinas at ang husband ko lang ang nag-aalaga sa mga anak namin na puro babae (edad 4 at 7). Alam ko na sobrang stressed at sobrang nahihirapan na ang husband ko.

    Nagsimula ang lahat nang magpamasahe ang asawa ko dahil madalas sumasakit ang likod niya. Dito niya nakilala si Sam (hindi niya tunay na pangalan). Bukod sa magaling magmasahe, natukso ang asawa ko at naging sila. Kilala din ng mga anak namin si Sam dahil sumasama siya sa paghatid sa school at tumutulong siya sa pag-aasikaso ng mga bata lalo’t wala silang yaya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    May asawa rin si Sam — nagloko raw kaya niya iniwan. May isa silang anak na lalaki pero binata na. Gusto raw sanang makipagbalikan ng asawa niya kay Sam, pero si Sam naman ang may ayaw.

    Ilang beses silang naghiwalay ng husband ko pero sumusugod si Sam sa eskwelahan ng mga bata at sumusugod din sa bahay. Tinatakot niya lagi ang asawa ko na mag-e-eskandalo siya sa Facebook at ipaparating niya sa akin ang pagtataksil nila.

    Kamakailan, nag-message sa akin sa Facebook si Sam at ang profile picture niya ay silang dalawa ng asawa ko. Pero hindi ako nag-panic. Tinanong ko kung sino siya. Hindi na siya nag-reply sa akin.

    Tinanong ko ang husband ko kung sino ang babaeng ‘yun. Sabi niya, girlfriend daw ng kaibigan ng kabarkada niya. Isang beses lang daw silang nagkita at nagkakulitan na mag-picture. Pinagseselos lang daw ng babae ang boyfriend niya. Pero wala raw nangyari sa kanila. Humingi siya ng tawad at pinatawad ko siya ng walang pagdadalawang isip at pagdududa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Simula noon, pinakisamahan na ng asawa ko si Sam sa Pilipinas. Madalas na silang nagkikita para hindi na muling mag-message sa akin ‘yung babae.

    Siguro ang universe na ang gumawa ng paraan para itama ang mga mali. Sinundan ako ng asawa ko — nag-abroad siya at nagkasama kami habang pareho kaming nagtatrabaho. Kinutuban ako na mayroong hindi sinasabi sa’kin ang asawa ko. Nag-imbestiga ako at nalaman kong nag-uusap pa rin pala sila ni Sam.

    Doon na umamin ang asawa ko. Sinabi niya ang lahat nang nangyari at sabi niya, magbabago na siya. Ayaw niyang mawasak ang pamilya namin at lalong ayaw niyang mawala ako sa kanya. Humingi siya ng tawad at nangako na hinding-hindi na siya uulit pa.

    Hindi raw niya sinabi sa akin ang totoo kasi akala niya titigil din si Sam at mareresolba niya ang problema niya ng mag-isa. Sinabi niya na umabot ng halos dalawang taon ang relasyon nila dahil pinakikisamahan niya si Sam para hindi mag-eskandalo. Takot kasi ang asawa ko sa posibleng mangyari sa akin dito sa abroad kapag nalaman ko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Naduwag din siyang aminin dahil takot siya na hindi ko siya mapapatawad at takot siya na magkahiwalay kami. Akala niya na kaya niyang itago ang katotohanan at mawawala na lang si Sam na parang bula.

    Masakit at wasak ang puso ko nang mga panahon na ‘yun.

    Hindi ako nasaktan dahil may iba siya, pero nasaktan ako dahil nagsinungaling siya at naglihim sa akin kahit alam niya na papatawarin at tatanggapin ko ulit siya.

    Sabihin ninyo nang tanga ako. Pinatawad ko at tinanggap ko pa rin ang asawa ko. Tao lang rin siya na nagkakamali. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

    Mas lalo ko siyang minahal at inalalayan para malampasan naming ang pagsubok na ‘yun. Mas lalo akong humanga sa asawa ko dahil naglakas loob siyang aminin ang kasalanan at humingi ng tawad. Sobrang nasaktan ako pero hindi ako nagalit kay Sam at sa asawa ko. Nagpatawad ako at nagsimula kaming muli. Pilit kaming ginugulo ni Sam pero hindi na naming siya pinatulan. Alam ko na titigil din siya at mapapagod. Sana’y bumalik na siya sa asawa niya at mabuo na rin ang pamilya niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Masaya at proud ako sa sarili ko na pinatawad at tinanggap ko ulit ang asawa ko. Isinantabi ko ang pride ko kasi pinili ko na maging masaya sa piling ng asawa ko. Pinili ko na bigyan ng masaya at buong pamilya ang mga anak namin.

    Sana mas dumami pa ang mga asawa na kayang tanggapin muli ang isang cheater. Sana ay huwag ninyong isumbat sa kanila ang mga kasalanan nila dahil kung nagpatawad ka, dapat ay tanggapin moa ng nangyari at mag-move on.

    I chose to be happy so I forgave and accepted my cheating husband. (Pinili kong maging masaya, kaya pinatawad at binalikan ko ang asawa kong nag-taksil.)

    Kaya mo rin bang balikan ang isang taong pinagtaksilan ka? I-share ang inyong thoughts sa comments o kaya’y ibahagi ninyo ang inyong sariling kwento sa aming Facebook Messenger or sa email na smartparenting2013@gmail.com na may subject na “#SPConfession.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles