embed embed2
Darren Espanto Sa Tampo Ng Kanyang Mga Magulang: 'May Gusto Akong Gawin Para Sa Sarili Ko'
PHOTO BY Facebook/darrenespanto, YouTube/ABS-CBN Entertainment
  • Hindi napigilang maiyak ni Darren Espanto, 21, nang magsalita tungkol sa relasyon niya sa kanyang mga magulang.

    Sa pahayag ng Kapamilya singer, nasambit niya ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa mga magulang.

    Ang mga magulang ni Darren na sina Lyndon at Marinel Espanto ay nurses sa Canada. Kasama nilang naninirahan dooon ang nakababatang kapatid ni Darren na si Lynelle.

    Si Darren ay nasa Pilipinas dahil sa kanyang showbiz career.

    Sa Magandang Buhay episode nitong September 28, 2022, natanong si Darren tungkol sa pangako niya sa mga magulang.

    Makahulugang pahayag ni Darren, “Siguro I promise to keep trying to make you proud always, and I promise not to be a disappointment too often.”

    Mahihinuha sa mga sumunod na pahayag ni Darren na nakakasalungat niya minsan ang mga magulang sa ilang bagay.

    Patuloy ng singer, “Kasi siyempre, nandoon na po tayo sa edad na may mga gusto ka ring gawin, na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin.

    “Pero it’s a part of life. Depende rin yun, I guess, sa sitwasyon niyo sa bahay, sa relationship mo sa magulang mo.

    “Magkakaiba naman tayong lahat sa relationship kung paano tayo pinalaki, kung paano tayo makipag-usap sa mga magulang natin…

    “But I promise to my parents, sana hindi kayo… sana makita niyo pa rin yung Darren na kilala niyo nung bata ako, bago lumipad papuntang Pilipinas,” ani Darren, na naiiyak na sa puntong iyon.

    PHOTO BY YouTube/ABS-CBN Entertainment
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Patuloy niya, “Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever.

    “Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko…

    “Pero siyempre, as a parent, hindi niyo matatanggal sa magulang natin yung mag-alala or…

    “Hindi niyo matatanggal iyon, lalo na sa mga ina, sa mga momshies. Iba yung pag-worry nila sa atin.

    “I just promise to try my best to always make you guys proud and not be a disappointment,” sabi ng umiiyak na si Darren.

    Regine enlightens Darren

    Nag-react naman ang host na si Regine Velasquez sa pahayag ni Darren.

    Nagpaliwanag ang Asia’s Songbird sa panig ng mga ina.

    Sabi ni Regine, “Nag-aalala kasi kami. Meron kaming feeling namin mas dito kayo tama. Kaya meron kaming ganoon.”

    Paniniyak ni Regine sa panig ng mga magulang, walang gagawin ang isang anak para mabawasan ang pagmamahal sa kanya ng isang ina.

    "Kami, what we want for you guys is maging maayos lang ang buhay niyo."

    Kinatigan din ni Regine ang sinabi ni Darren na nag-aalala lang ang mga katulad niyang ina para sa anak.

    Sundot naman ng host na si Melai Cantiveros, kung anuman ang hindi magandang nararamdaman ng anak ay mas doble pa ang nararamdaman ng magulang.

    “But it’s very normal,” ani Melai tungkol sa pagkakaroon ng tampuhan minsan ng mga anak at mga magulang.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles