-
'I Was Bitter, Defensive, Unreasonable': How Chesca Kramer's Faith Helped Her Marriage
Ngayo'y inuuna na ni Chesca ang pag-iisip bago ang pagre-react.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments
Bukod sa pagbibigayan, maayos na komunikasyon, at pagkakaroon ng mahabang pasensya, may isa pang nakatulong sa pagsasama ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Chesca Garcia. Ayon kay Chesca, ito ay ang pananamapalataya niya sa Diyos.
Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post. Kwento ng celebrity mommy, marami nakasanayan na kinailangan niyang baguhin para maging matagumpay ang pagsasama nilang mag-asawa. Kabilang dito ang pag-iipon niya ng mga saloobin at ang maling paraan niya ng pag-iisip.
Dagdag pa niya, noong bago pa lang sila sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, mayroon silang mga pagtatalo. "We would have arguments, but I can say now that we try to have healthy discussions and work on solutions to resolve our differences," paliwanag niya.
Ayon kay Chesca, tinitignan muna niya ang kanyang sarili bago siya mag-react sa asawa. "I used to be so reactive. In the past, when I would get mad, I would really get furious," kwento niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"I learned to look at my heart before I react," dagdag pa niya. "[I] look at my husband's heart before I make false judgments on him. I always go back to reminding myself why I married this man [and] the kind of person that he is."
Sabi pa niya sa kanyang post, kinailangan niyang maintindihan na hindi perpekto ang asawa niya. "He makes mistakes [and] I am imperfect as well," pahayag niya. "That really aided me a lot to fulfill [and] embrace my duties as a wife and mother because I know that the person I am with loves me."
Matatandaang ikinwento na rin ng mag-asawa sa isa sa kanilang mga vlogs kung paano nila hinahandle ang mga hindi nila pagkakaunawaan.
Sabi ni Doug, kung noon ay umaabot siya sa puntong nasusuntok pa niya ang kanilang sasakyan, ngayon ay pinipili nilang pag-usapan ang kung ano mang hindi nila mapagkasunduan. "From when we were boyfriend and girlfriend, we learned already what gets us so mad. So there are times that we might still argue, but it wasn't like before anymore," sabi niya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng pagsasama, gaya ng sabi nina Chesca at Doug, ay araw-araw na pagpili, pagpapatawad, at pakikipagkompromiso sa partner mo. Hindi siya palaging nakakakilig at masaya ngunit gaya ng sinusumpaan ng mga mag-asawa, ang pagsasama ay pangakong tatanggapin ninyo ang isa't-isa ano man ang mangyari.
What other parents are reading

- Shares
- Comments