embed embed2
May Listahan Na Nga, Kulang Pa Rin? Funny Stories Ng Mga Dads Sa Grocery
PHOTO BY courtesy of Kath Tan Valenzuela and Mary Fatima Ramilo Macabale
  • Dahil nga sa enhanced community quarantine, isang miyembro na lang ng pamilya ang pinapayagang lumabas para pumunta sa mga groceries at drug stores. Kalimitang naaatasan dito ay ang mga haligi ng tahanan.

    Willing na willing naman ang mga tatay—kahit ano talaga basta para sa pamilya. 'Yun nga lang, pagbalik mula sa grocery o sa drug store, kalahati ng inilista ni mommy ay wala o 'di kaya ay mali ang nabibili nila.

    What other parents are reading

    Kaya naman naging tampulan tuloy ng tukso ang mga nakakatawang struggles ng mga daddies tuwing pumupunta sila sa grocery.

    Kamakailan nga, nagtrending pa ang isang Malaysian daddy nang i-post niya ang litrato niya kasama ang iba pang mga tatay na kanya-kanyang paraan para 'ipa-check' ang kanilang mga binibili sa kanilang mga misis—may kumukuha ng litrato at mayroon pang nakikipag video call sa mga asawa nila.

    Pumutok ang post na ito sa aming Facebook group na Smart Parenting Village dahil talaga namang relate na relate ang mga nanay. Bigay todo rin sila sa pagbabahagi ng kanilang mga experiences!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang mga nakakatawang karanasan ng mga nanay tuwing pupunta sa grocery ang mga asawa at partners nila. Ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa unlimited tawa!

    'Yung nabili naman niya lahat, pero naiwan naman niya sa bilihan! 

    Ito ang naging experience ni mommy Gerlyne Mari Bajan-Bautista. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis dahil dumating si daddy na hindi naman dala ang mga binili niya. Kamot ulo na lang si mommy!

    Nasaan na ang nabili mo daddy! LOL
    PHOTO BY courtesy of Gerlyne Mari Bajan Bautista
    What other parents are reading

    'Yung 'wala' raw pero pag ikaw naman ang namimili, meron naman! 

    Maraming nanay ang talaga namang agree dito! Karaniwang palusot na kasi nina daddy na sabihing wala, pero hindi lang pala nila alam kung saan hahanapin. 

    'Yung "wala" raw pero alam mong mayroon naman—hindi lang niya makita!
    PHOTO BY Ana Gonzales
    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    Ito ring si daddy kulang-kulang din ang pinamili!
    PHOTO BY courtesy of Kath Tan Valenzuela
    Ito namang si daddy, dahil hindi mahanap ang bibilhin, ito na lang katunog ang balak ipalit!
    PHOTO BY courtesy of Tal Laxamana

    Ito namang hubby ni mommy Mary Ann, napakaraming mga nakakatawang tanong tuwing mamimili. Pag-uwi rin daw ni daddy, napakarami ring kwento na para bang nanggaling siya sa field trip! Daming tawa ni mommy palagi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    'Anong sasabihin kong part ng beef? Sabihin ko ba pang Beef Broccoli?'
    PHOTO BY courtesy of Mary Ann
    What other parents are reading

    'Yung sige rin sila sa kuha ng mga treats na gusto nila!

    Sabi naman ni mommy Glaiza Adan, sira ang budget nila dahil sa chips at treats na sinisingit ni daddy. Daming natawa at nakarelate kay mommy!

    Hala ang daming singit ni daddy sa pabili ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Glaiza Adan
    What other parents are reading

    Ito namang hubby ni mommy Mau Fernandez, may mga pa-extrang dagdag pero may mga essentials namang nakakalimutan! Napapatawa na lang si mommy sa kanya.

    May pa-melon pa si daddy pero nakalimutan naman niya 'yung mantika.
    PHOTO BY courtesy of Mau Fernandez

    May nabili naman ang asawa ni mommy Facebook user Daile Pencilcat—'yun nga lang, panat na panat naman! 

    Itatanim ba ito, daddy o uulamin?
    PHOTO BY courtesy of Daile Pencilcat
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Wrong spelling naman si mommy Jane Tejada Meredores, kaya sobrang nalito tuloy si daddy kung anong bibilhin!

    Dairy Creme o Dari Creme?
    PHOTO BY courtesy of Jane Tejada Meredores
    What other parents are reading

    'Yung kailangan mong picturan para sigurado!

    Marami rin ang nagsabi na hindi sapat ang listahan lang. Kailangan picturan mo rin! 'Yan ang experience ni mommy Jhoana Adriano Adriano

    Pictures dapat para walang sisihan! LOL
    PHOTO BY courtesy of Jhoana Adriano Adriano

    I-checheck muna ni mommy Jhoan Cabral ang buong basket bago magbayad si daddy! 

    Kabisado ni mommy kung saan kukunin ang mga kailangang bilhin.
    PHOTO BY courtesy of Jhoan Cabral

    Pagbabahagi naman ni mommy Lala Tellano-Viray, magaling ang asawa niya sa pamimili. 'Yun nga lang, pag wala na ang eksaktong nakasulat sa listahan ni mommy, hindi na ito bibili ng kapalit! "Kung may pinalit man, hindi magagamit! (hahaha) Tulad ng kangkong at pechay walang stocks, so pumulot na lang siya ng ibang gulay na may dahon, which is saluyot!" kwento ni mommy.

    Pang nilaga sana o sinigang, daddy, kaso saluyot naman binili mo. LOL!
    PHOTO BY courtesy of Lala Tellano Viray
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    What other parents are reading

    Siyempre, kung mga mga bloopers, may mga tagumpay din!

    Ang hubby ni mommy LJ Mcblow naman, check muna sa kusina bago pumunta sa grocery para sure na walang makakalimutan.

    Wais naman itong si daddy. Ichecheck muna niya ang kusina bago lumabas para bumili ng mga kailangan.
    PHOTO BY courtesy of LJ Mcblow
    What other parents are reading

    Kwento naman ni mommy Beatriz Aeysha Asher, isang magaling na cook ang asawa niya. Matipid din itong mamili, kaya wala siyang problema!

     

    Galing mag-budget ni daddy!
    PHOTO BY courtesy of Beatriz Aeysha Asher

     

    Wala nang inabutan nang minsang mag-grocery ang hubby ni mommy Belle Alconcel Salido.

    Ang dami sanang ipapabili ni mommy kaso wala namang stocks.
    PHOTO BY courtesy of Belle Alconcel Salido
    What other parents are reading

    Para naman sa hubby ni mommy Mary Joyce Fullado-Aguja, very helpful ang kanyang asawa—hindi takot mamili, kahit ang mga 'feminine' needs ni mommy. 

    Kailangan picturan muna talaga, para lang sure!
    PHOTO BY courtesy of Mary Joyce Fullado Aguja
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    "Quaran-eating" naman ang ginagawa ng mga anak ni mommy Jhem Bon kaya naman "pang fiesta" ang ipinapabili niya kay daddy.

    Panic eating ang mga bata? Si daddy na ang bahala diyan!
    PHOTO BY courtesy of Jhem Bon
    What other parents are reading

    Hindi naman akalain ni mommy Mary Fatima Ramilo Macabale na napakalaking bahagi ng puno ng malunggay ang kukunin ni daddy nang utusan niya itong humingi sa kapitbahay!

    Lagot ka, daddy! Anong ginawa mo sa malunggay ng kapitbahay!
    PHOTO BY courtesy of Mary Fatima Ramilo Macabale

    Ito naman ang tatay ni mommy  Rein Dela Cruz Castro. Siya ang namimili para sa pamilya. Minsang nagpabili si mommy ng prunes, hindi talaga sumuko si daddy sa paghahanap kahit sinabihan na siya ng mga grocery staffs na pasas lang ang mayroon. Nang may makita siya, nagpapicture talaga siya sa mga staff para masiguradong tama! Kahit ano talaga, gagawin ng isang tatay para sa anak niya. Kapapanganak lang din kasi ni mommy kaya todo alaga sa kanya ang tatay niya. 

    Ito ba ang prunes, anak?
    PHOTO BY courtesy of Rein Dela Cruz Castro
    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa mga experiences na ibinahagi sa amin ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Bagaman mahirap at talaga namang challenging ang lahat ng nangyayari ngayon, nakakahanap pa rin ang mga magulang ng paraan para hindi masyadong maging mabigat ang sitwasyon, lalo na para sa mga bata—mahirap nga namang maging negatibo pa sa panahon ngayon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga mali man sina daddy sa grocery items na binibili nila, labis-labis pa rin ang appreciation ng mga ilaw ng tahanan dahil sa pagiging matapang at matatag ng mga tatay. Kayo ang mga frontliners ng pamilya!

    Maraming salamat sa walang sawang pagpunta sa grocery at bilihan sa kabila ng banta ng COVID-19. Naaappreciate ng lahat ang pag-aalaga at pagtataguyod ninyo sa inyong mga pamilya.

    Para sa iba pang kwento ng pag-asa at pinakahuling balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close